Hinila niya ako papasok sa lobby ng matulala ako. Hindi ko mawari ang lakas ng kabog ng puso ko. Nasa pinakataas ang kanyang unit. Inuukupa noon ang buong floor at talaga namang napakamoderno. Halos ang dingding noon ay glass at nagmimistulang bituin ang ilaw mula sa buildings at kalsada ng Manila. Napatayo ako doon at minamasdan ang nakakamanghang tanawin ng tumayo siya sa aking likuran. Ramdam ko ang init noon kaya napalingon ako agad. "Wear this." Iniabot niya ang isang malaking tshirt na siguro ay magmumukhang dress sa akin. "Salamat." sabi ko. Tinuro niya ang cr at nagpalit ako ng damit doon. Hanggang itaas ng tuhod ko iyon at saka lamang makikita ang panloob kapag umupo ako ng walang pag-iingat. Lumabas ako sa cr at nadatnan siyang nasa sa loob n

