Chapter 3 My first heartbeat

1302 Words
Flashback (September 14,2010) (Levy's POV) February 14, 2008, ang araw na pareho kaming naging ulila ni Kiel. I was 16 and Ezekiel was 18 that time. Papunta sana sa isang concert ang mga parents namin para sa celebration ng Valentines Day ngunit nauwi iyon sa isang malungkot na trahedya. Nabangga ang sinasakyan nilang sasakyan sa isang paparating na truck. Nobody was lucky to survive. Iyak lang ako nang iyak sa nangyaring iyon. Halos hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko lalo na't wala akong ka-kilalang kahit na sino sa mga kamag-anak namin. Si Ezekiel naman ay tahimik lang sa isang tabi at kahit minsan ay hindi ko ito nakitang umiyak. Pero kahit ganito siya, ay siya lang naman ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Siya ang laging nag-eeffort upang mapangiti lang ako. After mailibing ang mga parents namin ay nagdecide kaming tumirang magkasama sa isang bubong. Binenta namin ang lahat ng mga ari-arian na naiwan ng parents namin para may pang-gastos kami sa pag-aaral naming dalawa. Kasama na doon sa nabenta ang mga bahay naming dalawa. Malungkot mang lisanin ang lugar na kinalakihan namin ay wala kaming magagawa dahil kailangan naming gawin iyon para maipagpatuloy ang buhay namin. Ang regalong kotse ni Ezekiel mula sa daddy niya at ang nilipatan naming maliit ngunit komportableng bahay ang natirang ari-arian namin. Kahit ganoon ang nangyari ay namuhay naman kaming masaya at naging kasangga ang isa't isa. "Unggoy," malambing na tawag ko sa kaniya mula sa pintuan ng kwarto niya. Tanghali na kasi pero hindi pa rin ito nagigising. Nagugutom na kaya ang mga bulate ko sa tiyan. Dahil hindi ito sumasagot ay pumasok na lang ako sa loob para mabatukan ko siya nang husto. Sa pagpasok ko ay nadatnan ko ngang sarap na sarap ito sa pagtulog niya. Malamang ay mag-uumaga na naman itong natulog sa kaka-aral. Dahan-dahan akong lumapit sa kama nito at pinagmasdan muna ang kagwapuhan niya bago ko siya batukan. Sa totoo lang ay guwapo nga talaga siya at wala ka talagang mahahanap na pwedeng ilait sa mukha niya at pati na rin sa pagkatao nito. Bukod sa matangkad, matalino rin ito at talented. Maganda din ang hugis ng mga mata niya na kulay brown na minana niya pa sa mommy niya. Matangos din ang ilong nito at mas lalong gwuapo pa siya kapag nakangiti dahil sa malalim na dimple nito sa kaliwang bahagi ng pisngi niya. Marami nga ang nagsasabing kahawig niya si Daniel Padilla, which is totoo naman. Ang kaibahan lang nila, Daniel Padilla had an attractive cleft chin and he doesn't have it. Mas lalo ko pang inilapit ang mga mata ko sa mukha niya para masiyasat ko talaga ng mabuti kung may mali sa mukha nito pero nabigo lang ako dahil wala naman talaga akong makita. Kinabahan ako nang dumapo ang mga mata ko sa lips nito. Parang may bigla akong na feel na kakaiba. Biglang bumilis ang heartbeat ko for the first time. Lagi naman akong nakadikit sa lalaking ito pero bakit ngayon lang ako nagkaroon ng kakaibang pakiramadam. May pakiramdam ako na parang na curious ako sa lasa ng lips niya. Para nanunukso ito na damhin ito ng mga labi ko para malaman kung gaano ito kalambot. Para naman akong nawala sa sarili at hindi ko namalayang nilalapit ko na pala ang labi ko sa labi niya. "Ano'ng ginagawa mo?" kunot-noo nitong tanong. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ay guwapo!" gulat na sigaw ko na kinahulog ko mula sa kina-uupuan kong gilid ng kama niya. Ang mokong, gising na pala.Tumayo naman ako agad at siya naman ay bumangon na rin. Nakatingin lang ito sa akin na parang nagtataka. "Ano naman ginagawa mo rito? Umamin ka nga, gusto mo akong halikan ano?" nanunudyong tanong nito sabay ngisi. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong namumula ang mga pisngi ko sa sobrang hiya ko sa kaniya. "Abnormal ka!" sabi ko sabay palo sa kaniya ng unan. "Hindi ah, baliw!" "'Sus! Bakit ang lapit ng mukha mo sa mukha ko? Mabuti nga lang at bigla akong nagising," pang-aasar pa rin nito. "Hindi kaya!” todo tanggi ko. “Huwag kang feeling diyan! Chineck ko lang naman kung humihinga ka pa. Halos mamaos na kasi ako sa kakatawag sayo pero hindi ka pa rin nagigising. Pinakiramdaman ko lang naman kung may hanging lumalabas diyan sa malaki mong ilong," pagtatanggol ko sa aking sarili. "Eh, bakit kasi ang aga aga ay nambubulahaw ka? Ano ba kasi kailangan mo?" Napakamot ito sa kaniyang batok. "Gutom na kasi ako, kaya bumangaon ka na para magluto," ingos ko sa kaniya. Kaagad din naman itong bumangon "Naku, ang siopao ko, ginising ako kaagad kahit hindi pa ako satisfied sa tulog ko," wika niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi. "Kawawa naman ang Siopao ko, lumiliit na masyado ang mukha." Gigil na gigil pa rin itong nakahawak sa mukha ko. Tiningnan ko ito nang masama at tila na gets din naman niya ang ibig kong sabihin. Binitawan niya ang pisnge ko ngunit buhok ko naman ang napagtripang guluhin nito. Pagkatapos niyan ay nauna na itong pumunta sa kusina. Parang batang paslit naman akong naka-sunod sa kanya. Nang makarating na kami sa kusina ay nagsimula na itong magluto. Umupo ako sa ibabaw ng lababo namin habang minamasdan siyang magluto ng agahan namin. Scrambled egg na may mayonaise at hotdog ang niluluto nito. Nang malapit na siyang matapos ay nihanda ko naman ang mesa at kinuha ang tinapay sa taas ng refrigerator. Nagtimpla rin ako ng dalawang mug ng kape. "Ang alam ko, masarap magluto ang mommy at daddy mo. Bakit kaya hindi mo man lang na mana iyon?” panimulang pang-aasar nito sa akin habang kumakain kami. “Ni pritong itlog ay hindi mo pa magawa ng tama. Ampon ka ano?” Siniko niya pa ako ng marahan. Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Si tita at si tito ay parehong mababait na tao. Bakit kaya ang sama ng ugali ng naging anak nila. Umamin ka nga, napulot ka lang sa labas ng gate niyo ano?" ganti ko rin sa pang-aasar niya. "Ah, masama pala ang ugali ko? Sige, ikaw bahalang magluto ng lunch mo," panakot ng mokong sa akin. "Okay. Bahala ka ring maglaba at maglinis ng kwarto mo," banta ko rin sa kanya. Sensitive kasi siya sa alikabok kaya ayaw na ayaw nito pagdating sa paglilinis. Kaya ako tuloy ang kawawa pagdating sa gawaing iyon. "Oh, sige na po. Ipagluluto na kita, Siopao ko. Hays, para ka na ngang gasul. Ang pandak mo na nga, magpapataba ka pa,” anito na sinamahan pa ng nakakalokong tawa. "Ikaw naman ay parang kawayan na naging tao." Ganito talaga kaming dalawa. Hindi na bago sa amin ang asarin ang isa't isa. Sa ganitong paraan kasi namin maipapakita ang pagmamahal namin sa isa't isa. Kailangang may laitan na magaganap. Bawal ang pikon sa aming dalawa dahil kapag napikon ka, talo ka. "Ewan ko sa iyo! Magkapareho kayo ng buhok mo, ang g**o-g**o!" pang-aasar na naman nito bago tumayo at lumabas mula sa kusina. "Unggoy ka," pahabol ko na lait sa kaniya pero bumalik ulit ito para gumanti. "Siopao ka!" "Ayaw talaga magpatalo," umiiling kong sabi. Tumayo na rin ako at naghugas ng pinagka-inan namin after niyan. Pumunta na ako sa kuwarto niya para linisin iyon nang mabuti. Sa totoo nga lang, mas dobleng linis ang ginugugol ko sa kwarto nito kesa sa kwarto ko. Hindi man lang niya iyon na appreciate. Pero sa totoo lang, isa sa nagmomotivate sa akin na linisin ang kuwarto niya ay ang makita ang mga pictures naming dalawa sa study table nito. Ako ang nag-suggest na maglagay doon at hindi naman siya tumutol kaya ay natuwa ako. Ewan ko ba, mababaw man ang dahilan na iyon pero para sa akin ay malaking bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD