Chapter 2 The run-away bride

1439 Words
(Levy's POV) "Bakit, ano'ng nangyari kay Camile?" nag-aalalang tanong ni Ezekiel. Bigla akong napasimangot kaya hindi ko tuloy napigilang sumabat. "Bakit, ano bang nangyari sa bruha? Natulog tapos hindi na nagising?" sarcastic kong mga tanong sabay na pinag-krus ang dalawa kong mga braso. "Ano kasi...ganito kasi iyon." Nag-aatubiling magsabi si Hazel dahil parang kinakabahan ito. Puno siya ng pag-aalinlangan na sasabihin kung ano ang nangyari. "Iyong maganda mong bride nasa Canada na," walang ka gatol-gatol na sabi ni Nougat. At doon na rin naka-hinga nang maluwag si Hazel. "Aah, nasa Canada pala siya," sabi ko na wala sa sarili and eventually at saka ko lang siya na gets ay matapos pa angbilang segundo. “Canada!?” mulagat ang matang bulalas ko sa isipan ko. O M G!! Iyon kaya ang lugar kung saan nagkita si Gong Yoo at ang bride niya? Pero, teka nga, ano naman ang ginagawa ng bruha doon? Namitas ng maple leaf? "Teka nga. Sandali nga muna,” wika ni Ezekiel. Medyo naguguluhan na rin kasi siya sa nangyari. “Ano ba talaga ang nangyari?” tanong nito kay Nougat ngunit kaagad naman itong napabaling kay Hazel para humingi ng saklolo dahil tila hindi rin nito alam ang buong detalye. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Hazel bago ito nagsalita. "Sabi ng mommy niya ay nagulat na lang daw sila kaninang umaga na wala na ito sa kuwarto niya. Tapos may naiwan itong sulat na nagsasabing huwag na raw natin siyang gambalain dahil nasa Canada na ito. Na-realize daw nito na hindi pa ito sigurado sa pagpapakasal sa'yo. Sorry raw sa lahat ng abala na nilikha niya," kuwento ni Hazel. Hindi ko naman napigilang mainis. Paano naman kasi nasabi ni Camille na hindi sigurado ang bruha sa pagpapakasal nito kay Ezekiel? Eh, halos ipagsiksikan na nito ang sarili sa binata. "What the hell!?" Hindi ko na napigilan ang sarili kaya ay napamura ako sa sobrang inis. “Sa pagkaka-alam ko ay kulang na nga lang ay siya ang manligaw dito kay Sapatos. Tapos may nalalaman pa siyang run away bride na drama? Tsssh! Crazy.” "My point ka diyan, Bff," pagsang-ayon ni Nougat sa sinabi ko. Supportive talaga ang Bff ko sa akin. "Sinasabi ko na nga bang hindi talaga mapagkatiwalaan ang babaeng iyan eh," wika niya sabay pout ng lips nito. "So, parang naglolokohan pala tayo rito. Ano'ng drama ba talaga ang gusto niya? Bakit kaya hindi na lang siya naging artista? Total, parang doon naman siya magaling," naiinis ko pa ring patutsada ngunit deep inside ay lihim din namang natuwa sa nangyari. Ang kina-iinis ko lang kasi ay ang paasahin niya si Ezekiel. Ayaw ko na nasasaktan si Kiel. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Masyado niyang pinahiya ang tao. Akala niya siguro ay masyado siyang maganda. Pweh! "Pero teka lang, bff, kalma tayo ha?" malumanay na sabi ni Nougat sa akin. "Ang puso natin, baka mapaano! Bakit ba parang ikaw itong galit na galit? Hindi naman ikaw ang iniwan." "Oo nga," segunda naman ni Hazel. Pareho ko lang tinapunan ng nakakamatay na tingin ang dalawa. Dapat kasi tinataas ako ng mga ito. "Tama na," kalmanteng sabi ni Ezekiel. "Hayaan na natin siya. Nangyari na nag nangyari kaya ay tanggapin na lang natin iyon na maluwag sa ating mga dibdib." Pagkasabi nito ay lumakad ito malapit sa altar at kinuha ang microphone. Naiwan naman kaming naka-kunot ang mga noo at tila pare-pareho ang mga tanong na nasa isipan. Bakit tila hindi ito masyadong apektado? Bakit parang may mali ngunit hindi namin matukoy kung ano iyon? Bahagya itong ngumiti sa mga taong nasa harapan niya bago ito nagsalita upang humingi ng paumanhin sa mga bisita na nandito. Nagsimula na rin ang iba't ibang bulungan pero hindi ko na iyon pinansin dahil tanging kay Ezekiel lang nakatuon ang atensyon ko. Nag-aalala ako sa kaniya pero may kaunti ring pagdududa base sa reaksyon na pinakita nito. Para kasing may nililihim ito sa akin. Ano naman kaya iyon? "Alam mo, Unggoy, kapag nakita ko iyang fiance mo na kamukha si Ursula ay sisiguraduhin ko talagang walang buhok na matitira sa anit niya, pati kilay niya at pati na rin buhok niya sa kilikili ay hindi ko rin patatawarin. Ang kapal ng pagmumukha niya! Siya na nga itong patay na patay sa iyo, siya pa iyong mang-iiwan sa ere," pambasag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa sa loob ng sasakyan ngunit wala rin namang effect ang dada ko. Sa daan lang ito nakatingin at tila wala rin itong balak na patulan ang mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. "Kung patayin ko na lang kaya siya kaysa sa kalbuhin?" sabi ko sabay ngisi nang nakakaloko ngunit ring effect ang ginawa dahil tila hangin lang ako sa paligid nito. "Unggoy, naman! Nagsalita ka naman diyan,” padabog akong sumandal sa upuan at nakasimangot na tiningnan ito. “Parang ako iyong nagmumukhang dehado rito, Unggoy, habang ikaw naman parang wala lang sa iyo ang nangyari." "Bakit? Ano naman ang gusto mong gawin ko? Magwala o hindi kaya ay maglumpasay sa sahig? Iyon ba iyong gusto mong gawin ko?" walang emosyon nitong sagot. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang ako." Sandali itong napatingin sa akin. "Okay nga lang kasi ako. Huwag ka nang mag-alala sa akin." "Sigurado ka?" pangungulit ko pa sa kaniya. "Okay nga ako eh! Bakit ba ang kulit mo!?" medyo pasigaw na sabi nito. Bahagya akong napalunok. Ni minsan kasi ay hindi niya ako pinagtaasan ng boses. “Kung maka-ulit ka ng mga tanong mo ay parang ikaw ang iniwan at parang may inambag ka talaga sa kasal ko." Para akong sinilaban ng apoy sa narinig. "Aba'y mayroon kaya! Gusto mo, isa isahin ko pa?" naiinis ko na ring sabi. "So, nagbibilangan tayo rito?" pagalit nitong tanong sabay preno sa sasakyan. Itinabi nito ang sasakyan at padabog na lumabas at saka lang ako nahimasmasan marahil ay sumubra na rin ako sa pang-iinis sa kaniya. Nakita ko itong lumakad papalayo kaya nagmadali rin akong lumabas para sundan ito. "Unggoy, naman eh! Nagbibiro lang naman ako,” habol na sabi ko rito. “Parang hindi ka na nasanay sa akin at sineryoso mo naman kaagad." "Iyon na nga ang problema, Levy.” Bigla itong napahinto sa paglalakad. “Diyan ka masyadong magaling,” sabi niya sabay duro sa akin. “Akala mo madadala mo sa biro ang lahat ng mga nangyayari sa mundo!" "Sorry na nga kasi!” pakumbaba ko. Pasensya na po at tao lang po kasi ako kaya ay madalas na nagkakamali. Gusto ko lang naman na pagaanin iyang kalooban mo, Kiel. Alam mo naman, rule iyon ng nag-iisa mong magandang kaibigan." Nagpa-cute akong tumingin sa kaniya. This time siguro ay mababawasan na ang inis niya dahil natatawa siya kapag ginagawa ko ito. Pero mali ako, hindi na pala umi-effect ang ninjutsu-style-cute-technique ko na ito sa kaniya. May expiration date pala ito. Mas lalo pa kasi siyang nag-beastmode. "Do you think I will fall for that?" mahinahong tanong nito pero makikita mong galit ito base na rin sa ekspresyon nito. "Nagbabasakali lang naman," mahinang sagot ko sa kaniya at niyuko ko na lang ang ulo ko dahil ayaw kong makita ang galit sa mga mata nito. Hindi na ako sinagot nito at pumasok na siya sa kaniyang sasakyan at mabilis niya itong pina-andar. Basta-basta na lang akong iniwan ng mokong na iyon sa gitna ng kalsada. Ilang minuto lang ang nakalipas at nawala na sa paningin ko ang sasakyan niya. Naiwan pa rin akong tulala sa ginawa nito. Hindi ko maisip na kaya niya akong iwan dito. "Ganoon ba siya ka galit sa akin?" malungkot kong sabi na kinakausap ang sarili ko. Dapat kasi ngayon ay ikatutuwa ko na hindi natuloy ang kasal niya pero bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan ang biglang pagbago ng mood niya. Hinagilap ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong pants at pinagpasalamat ko na lang dahil dala-dala ko ito. Kinuha ko ito at tatawagan ko si Nougat para magpasundo ako sa kaniya. Sino naman kasi ang makaka-uwi nang ganitong wala kang dalang pera? Lesson learned from this situation, laging mag-ipit ng pera sa bulsa in case of emergency. Matapos kong matawagan si Nougat ay naghanap muna ako ng puno na puwedeng masilungan habang naghihintay. Nang makahanap na ako ay kaagad akong umupo dahil nangangalay na rin ang paa ko sa paglalakad lalo na at naka-heels ako ngayon. Habang naka-upo ako ay bigla na lamang nagbalik sa isipan ko ang mga alaala ng mga karanasan at pinagsamahan naming dalawa noon. Iyong tanging ako at siya lang.Iyong mga panahong wala pa si Camille sa buhay namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD