BCB 2- War between them!

1618 Words
----- Atasha's POV - Umuusok na yata ang ilong ko habang nakatingin sa kanya. Ang bastos talaga ng lalaking ito. Hindi na nagbabago. "Bastos! Manyak! Kung sa tingin mo matitikman mo pa ako, nagkakamali ka." galit na galit kong sambit sa walang modong lalaki na kumidnap sa akin. "Disgusting! What are you babbling about? And who told you I still want to taste you? I have no desire for you. Not even a hint of desire. Hindi ako mahilig sa mga pandak." At talagang ini- english pa ako ng hudas. Anong akala nya hindi ko sya naintindihan? Lumaki kaya akong mayaman, nakatago lang sa baul ang English ko pero kaya ko din naman ilabas ang mga iyon. Nagngingit ang kalooban ko sa sobrang inis. Bakit ba napakamalas ko? Ang gusto ko lang naman ay damayan at tulungan ang matalik kong kaibigan na si Akeelah sa problema nito pero bakit minalas pa ako at napunta ako sa kamay ng hayop na ito. "Let me make myself clear. You're here to serve me. My maid left at the perfect time, leaving you to pick up the slack. Get to work immediately. My yacht has been neglected for a month, and I won't tolerate a single speck of dust. Understood?" Tumayo sya at humakbang palapit sa akin. He cupped my chin at nakangising syang nakatingin sa akin. "Galingan mo ang paglilinis. Nandun ang mga gamit panglinis. " anito sabay turo ng isang kabinet. "I'm exhausted. I need to rest. I expect that when I wake up, you'll be finished with your tasks and you'll have prepared my dinner. Is that clear?" Bumitaw rin sya sa akin. At humakbang sya para iwanan ako. Wala na akong nagawa kundi batuhin ng masamang tingin ang hudas. Pero napalingon din sya muli sa akin. Nanatiling matalim ang titig ko sa kanya. "And by the way, wag kang magkamaling tumakas, dahil hindi mo ako matatakasan." Mas lalong tumalim ang titig ko sa kanya. Kung kutsilyo palang itong titig ko, kanina pa sya namatay sa saksak ko. Bweset talaga ang Sancho na 'to. Talagang puro kamalasan ang hatid nya sa buhay ko. Bweset! Pagod na pagod na ako. Halos isang oras na akong naglilinis nitong yate ng walang hiyang si Sancho. Kung alam ko lang na mangyayari ito sa akin. Sana tinanggap ko nalang ang orasyon na ibinigay ng Lola ko sa akin nung bago sya namatay. At nang may pangontra ako sa mga masasamang espirito. Pinagsisihan ko tuloy na tinanggihan ko ang ibibigay sana ng Lola kong albularya, wala tuloy akong panlaban sa mga masasamang espirito na tulad kay Sancho. "Are you done cleaning?" Agad na naman nabuhay ang matinding inis sa kalooban ko nang narinig ko ang nakakairitang boses ng hinayupak na kasama ko. "Do you honestly believe I can tidy this up in just an hour? Use your brain, for once!" taas kilay kong sabi "Ganyan mo ba sagutin ang amo mo?" "Pasensya na mahal na kamahalan, ikaw ang nagpumilit sa akin na gawin akong katulong kaya ikaw ang mag- adjust sa ating dalawa. Wag mo akong e- stress." Small but terrible ako. Kung akala nyang kayang- kaya nya akong apihin, nagkakamali sya. Binabaril na sa luneta yong nagpapaapi ng basta nalang. "Nakaluto ka na ba?" Tumigil ako sa ginagawa ko at nakapamaywang akong napaharap sa kanya. "Mukha ba akong nakaluto na sa lagay ko na 'to. Sa ating dalawa, ikaw naman ang walang ginagawa. Bakit hindi nalang kaya ikaw ang magluto para magkaroon ka naman ng silbi. May pakidnap- kidnap ka pang nalalaman tapos hindi mo pala ako pagsisilbihan.Anong klasing kidnaper ka? Isa kang kahihiyan sa mga tulad mong kidnaper." "Hoy babae, gusto kong ipaalala sayo na may utang ka sa akin kaya sagutin mo ako ng maayos." Halatang na bad trip sya sa akin. At ikinatuwa ko iyon. Gustong- gusto kong ma- stress sya sa akin para maisipan na nya akong pakawalan. Nakakainis talaga ang napakaguapo nyang mukha. Samantala..... Banas na banas naman ang pakiramdam ni Sancho. Talagang nakakabad trip ang Atasha na yon. Gustong- gusto na nya itong itapon sa dagat. Pasalamat ito at napigilan pa nya ang sarili na gawin ito. Bweset! Dahil sa gutom na gutom na sya at mukhang wala talaga sa plano ng Atasha na yon na ipagluto muna sya bago ipagpatuloy ang ginagawa nito, kaya natagpuan nalang nya ang sarili na nagluluto ng hapunan nilang dalawa. Ang swerte naman ng babaeng yon, ito pa yata ang unang babae na ipinagluto nya. Ayaw sana nya itong ipagluto pero napaisip sya na baka ano pang mangyari dito dahil sa pagod at gutom. Sya pa ang masisisi. Nasa kalagitnaan na sya sa pagluluto nang tumunog ang cellphone nya. At tama ang hinala nya, ang kapatid nga nya na si Saven ang tumawag. Ayaw sana nyang sagutin ang tawag pero nakukulitan na sya sa kapatid. "Bakit?" agad nyang sabi dito. "Anong bakit? Asshole, saan mo dinala si Atasha? Ang sabi ko, dalhin mo sya kay Nicollo. Bakit hanggang ngayon, hindi mo parin sya nadala kay Nicollo? Damn you! Pagdating talaga sa babae, hindi ka mapagkakatiwalaan." Halatang galit na galit ang nasa kabilang linya. Wala pa naman sya sa mood ngayon, dahil sinira ng Atasha na yon ang mood nya. "You don't have to worry about that woman. You should be concerned about me because that woman is infuriating. She gives me headaches." "Siguraduhin mo lang na hindi puson mo ang sumasakit dahil kay Atasha." "F*ck! I don't even like that woman. Hindi ako mahilig sa mga pandak na nga, wala pang preno ang bibig." "Hindi mo naman pala type. Bakit mo tinangay at dinala mo pa dyan sa yate mo? Oo. Alam kong nasa yate mo dinala. Akala ko ba private property mo yan at hindi ka nagdadala ng babae dyan." Tama naman ito. Pero, iba si Atasha, hindi nya ito babae. Katulong na nya ito dahil sa malaking kasalanan na nagawa nito sa kanya. "Just make sure na walang mangyayaring masama kay Atasha. Ayaw kong mas lalong magalit sa akin si Akeelah. Just make sure of that, asshole." "Fine. Fine. Nothing bad will happen to her. Baka ako pa ang gawan ng masama ng babaeng iyon." Hindi naman iyon impossible. Sa hitsura nya ito na pinag- aagawan ng mga babae, hindi malayong magkaroon din ng pagnanasa ang Atasha na yon sa kanya. Sa kanila ngang anim na magkakapatid na puro lalaki, idagdag din pala si Alfred, na anak sa labas ng daddy nila, sa tingin nya--- I mean sigurado pala sya, na sya ang pinakaguapo sa kanilang lahat. Hindi lang sya guapo, napakalovable din nya at napakabait. Agad naman tinapos ng kapatid nya ang tawag nito. Saka nya ipinagpatuloy ang pagluluto. Ang swerte talaga ng Atasha na yon. Isang halos perpektong nilalang ang nagluluto para makakain din ito. ------ (Back to Atasha's POV) Kung akala ng lalaki na ito na natutuwa ako sa kanya dahil sa masarap ang kinain ko kanina na luto nya, pwes, nagkakamali sya. Hindi nababawasan ng kahit isang porsyento ang galit ko sa kanya. Kumusta na kaya si Akeelah? Panigurado, hinahanap na ako ng matalik kong kaibigan. Hindi ako makatulog. Hindi ko gusto ang higaan ko. Mahilig talaga ako sa may kalakihang kama kasi magulo ako matulog. At ang walang hiya na Sancho, dito lang ako pinatulog sa sofa na nandito sa tingin ko living room. May isang hindi pa naman nagagamit na kwarto. Hudas talaga. Walang respeto sa mga babae. Hindi ko na kaya. Mabilis akong tumayo. Kailangan kong gumanti sa lalaking iyon. Kung meron lang sana akong nalalaman na orasyon. Teka! Nagliwanag bigla ang mga mata ko. May isang orasyon pala akong alam. Sabi ng Lola ko, sasakit daw ang tiyan ng tao pag sinasambit ko ang orasyon na to sa taong tulog. Umalis ako mula sa sofa at maingat akong lumapit sa pinto ng kwartong inakupa ni Sancho. Maingat at walang ingay na pinihit ko ang doorknob. Napangiti ako nang napagtanto ko na hindi naka- lock ang pinto. Lagot sa akin ang Sancho na to. This is it! Makakaganti narin ako. Sana isang linggong mananakit ang tiyan nya sa orasyon ko. Maingat akong lumapit sa natutulog na si Sancho. Nakatalikod sya at kalahati lang ng katawan nya ang natatakpan ng kumot. Hubad pala kung matulog ang lalaking ito. Napahinto ako nang gumalaw sya at napatihaya sya. Naalis ang kumot nya sa katawan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Muntikan na akong napasigaw nang nakita ang malaking ahas nya na tumatayo at tila sumasaludo sa akin. Bweset na lalaki! Ang bastos talaga kahit kailan. At pati sa pagtulog, itong ahas nya, gusto parin manuklaw. Hindi man lamang inisip na babae akong kasama nya dito sa yate. Mabilis kong kinuha ang kumot at itinakip sa kanyang hubad na katawan. Nakakatakot na ang masarap nyang ahas noon, mas lalo naman naging nakakatakot ngayon. Mas lalo kayang sumarap ito? Sh*t! Napailing ako. Ang landi ng isip ko. Hindi ko dapat pagnanasaan ang manyak na 'to. Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko, umupo ako sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Sancho. Kainis ang Sancho na ito! Bakit kaya ang guapo parin nito kahit tulog? May araw kaya sa buhay nito na pangit ito? Kailangan ko nang masagawa ang plano ko bago pa sya magising. Dapat kong masiguro kung talaga bang tulog sya. Maingat kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya para masigurong tulog nga sya. Pero, naninigas ako nang bigla nyang ibinuka ang mga mata nya. Napasigaw ako nang hinila nya ako. Mabilis ang mga pangyayari, nasa ibabaw ko na sya ngayon. Napalunok ako dahil ramdam na ramdam ko ang matigas nyang anaconda sa legs ko. "Paayaw- ayaw ka pa. Sabi ko na nga ba, hanggang ngayon, pinagnanasaan mo parin ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD