BCB 3- Huli ka!

1382 Words
Atasha's POV Naninigas ako at hindi makakilos habang nakatingin sa napakaguapo at nakakainis na mukha ni Sancho. Pilyo syang ngumisi saka nya unting- unti inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Sunod- sunod ang paglunok ko at mabilis ko rin naipikit ang mga mata ko nang halos isang dangkal nalang ang agwat ng mukha naming dalawa. Pero imbes na tuluyan maglanding ang labi nya sa labi ko, isang malutong na tawa ang narinig ko. Mabilis kong naibuka ang mga mata ko. Umuusok na yata ako sa sobrang inis nang ang natatawang mukha ni Sancho ang sumalubong sa paningin ko. "Naninigas ka dyan at hindi makakilos. At may pakipit- pikit ka pang nalalaman. Aminin mo na kasi na hindi mo makakalimutan ang nangyari sa ating dalawa noon. At ini- expect mo na may mangyari sa atin muli ngayon. Kaya mo ako pinasok dito sa kwarto ko dahil plano mo ako pagsamantalahan." Naikuyom ko ang aking kamao. Ang kapal talaga ng mukha ng kampon ng kadiliman ito. Sa inis ko mabilis ko syang itinulak, dahil sa hindi siguro nya napaghandaan ang gagawin ko kaya muntikan na syang mahulog. Mabilis akong bumangon at agad ko din syang itinulak muli para matuloy na ang muntikan nyang pagkahulog kanina. "Ouch! Bakit mo ako itinulak?" mabilis syang tumayo at galit syang napatingin sa akin. Sinalubong ko ang galit nyang titig. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Anong akala nya sa akin? Takot sa kanya? Hindi pa isinilang ang taong katatakutan ko. Well, kaya ako lumayo at umalis noon dahil sa takot ako sa kanya. Dahil sa takot ako na ipakulong nya ako. Pero, noon iyon at hindi na ngayon. Sya ang unang nag- alis ng tingin. Sabi ko na nga ba, walang kayang makipagsukatan sa matalas kong titig. Ibinalik din nya ang paningin sa akin saka sya ngumisi. "Kaya mo ba ako itinulak dahil binitin kita? Ini- expect mo siguro na matikman mo ako muli ngayon." nagpanting ang tenga ko sa narinig. Talagang napakakapal ng mukha nya. "Sabihin mo lang sa akin, pwede naman kitang pagbigyan. Kaya na siguro kitang pagt'yagaan." kumindat sya sa akin na mas lalong ikinainit ng ulo ko. "Don't be too full with yourself. Kaya ako nandito para kulamin ka, hindi para pagsamantalahan ka." mabilis akong umalis sa kama. Binato ko sya ng masamang titig para itago ang hiyang naramdaman ko dahil sa nangyari kanina. Kung bakit ba kasi nadala ako sa pang- aakit nya? Kailangan kong ipasok sa isip ko na ang lalaking ito ay napakamaniac at ginawang laruan ang mga babae. "What? Plano mo akong gayumahin?" "Asshole! Kulam ang sinasabi ko, hindi gayuma. Malaki ang pagkakaiba nung." Taas kilay ako saka ako nagmartsa palabas sa kwarto nya. Bweset talaga! Muntikan na ako kanina. At mas lalong bweset dahil rinig na rinig ko ang malakas na tawa ng lalaking yon. Naiinis ako sa isipin na pinagtatawanan lang nya ako. Ang init na nga ng panahon, nangangati pa ako sa suot ko. Paano ba naman kasi, dalawang araw na akong walang bihis at hindi pa din ako nakaligo? Ang sama talaga ng nangyari sa akin. Nakidnap na nga ako, at ang kidnapper ko ay isang lalaki na ubod ng kapal ang mukha, na gusto pa yata nya na ipagmalaki ko na kinidnap nya ako. Hindi pa ako dinalhan ng damit pamalit ng hudas na kidnapper ko. Inayos ko ang closet ng hinayupak na si Sancho, halatang sinadya nyang ikalat ang mga damit nya para may maiutos sya sa akin. Kaya todo simangot ako. Nakakainis, wala talagang puso ang Sancho na yon. Oppps! Wala nga pala syang puso sa mga babae, kaya nga ginawa lang nyang laruan at parausan ang mga ito. Tila nagliwanag ang mga mata ko nang nakita ko ang isang hindi gaano kalaking T- shirt na mukhang bago pa at isang boxer short na mukhang hindi pa nagagamit dahil meron pang price tag. Agad akong napaisip nang nakatingin sa mga ito. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo ni Sancho dito sa loob ng kwarto nya, dalang- dala ko ang T- shirt at boxer short na nakita ko. Hinubad ko lahat ng suot ko at naligo pa ako sa shower. Ang sarap sa pakiramdam ang makaligo muli. Ngayon ko lang na- realize na nakakamiss pala ang tubig. Masaya akong naliligo, pakanta- kanta pa ako habang sinasabon ang sarili ko gamit ang sabon mismo ni Sancho. Anong sabon ang gagamitin ko? Ito lang namang sabon ni Sancho ang nandito. Kaya makikishare lang muna ako sa lalaking yon. Wala naman sigurong mikrobyo itong sabon nya, mukha naman malinis sa katawan ang lalaking yon. Ang sarap talaga ng warm water na galing sa shower. For almost 7 years, ngayon ko lang muli naranasan ang maligo sa ilalim ng shower. Nakakamiss din naman pala. May shower kaya kami noon. Anak mayaman ako, kaya lang bumagsak ang negosyo ng ama ko nung nagkasakit sya. Bata palang ako, namatay na ang mommy ko dahil mahina ang puso nito. Hindi na nag- asawa ang daddy ko, ibinuhos nya lahat ng panahon nya sa akin at sa pagpapalago ng negosyo nya. Pero nung nagkasakit ang daddy ko, napabayaan nya ang negosyo nya at naubos naman ang naipon nya sa pagpapagamot nya. To save my father life, I made a big mistake of my life. Ito ang dahilan kaya nandito ako ngayon sa poder ni Sancho. Mistake iyon dahil naluko ako ng mga itinuring kong kaibigan. Hindi lang tuluyan nawala sa akin ang ama ko, kailangan ko pang magtago at lumayo para hindi lang ako makita ng mga taong naghahanap sa akin, walang iba kundi ang mga tauhan ni Sancho. Sa pagtatago ko, napadpad ako sa Isla Noval at napunta sa poder ni Aling Lucing, dahil wala akong mapupuntahan at mag- isa nalang sya sa buhay, kinupkop nya ako at itinuring nya ako bilang isang tunay na apo. Oo. Hindi ko tunay na kadugo ang Lola ko at walang nakakaalam nito kahit pa ang matalik kong kaibigan na si Akeelah. Sa ikalawang pagkakataon nagkaroon ako na matatawag kong pamilya, pero kinuha din si Lola sa akin. At nandito ako sa Manila para samahan si Akeelah sa laban nya para mabawi ang anak nya. Para sa akin, si Akeelah nalang ang natira sa buhay ko na syang mahalaga sa akin. At gusto ko syang damayan sa pinagdadaanan nya ngayon. At ang naging kapalit nga nito ay nandito na ako sa poder ng lalaking pinagtataguan ko sa loob ng anim na taon. Napatingin ako sa pinto nang narinig ko ang pagbukas nito. Napasigaw ako sa pagkagulat nang si Sancho ang sumalubong sa paningin ko. Sya naman ay laking mata na pinasadahan ako ng tingin. Saka ko palang napagtanto na hubo't hubad pala ako sa ilalim ng shower. Napasigaw na naman ako at mabilis na itinakip ang palad ko sa dibdib ko. Pero, napako ang paningin nya sa ibabang bahagi ko, mabilis ko naman nailipat ang palad ko sa ibaba ko. Nalipat na naman ang mga mata nya sa dibdib ko, kaya nailipat ko na naman ang mga palad ko. Palipat- lipat ang palad ko na takpan ang mga maseselang bahagi ng katawan ko. "Bweset kah! Bastos! Maniac! Tumalikod ka nga." pasigaw kong sambit. Napaka- ungentleman talaga ng hinayupak na to. Pero, imbes na gawin nya ang sinabi ko. Nakangisi syang pumasok sa banyo. "A- Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. "This my shower, nasa akin ang lahat ng karapatan na maligo dito kahit anong oras ko gustuhin." Naninigas ako at para akong ipinako sa kinatayuan ng mabilis nyang hinubad ang suot nyang sando at tuluyan lumantad sa aking mga mata ang kanyang halos napaka- perpektong katawan. Ang katawan nyang hindi ko kailanman makakalimutan. Sya lang ang tanging lalaki na nakaangkin sa akin. Napaatras ako nang humakbang sya palapit sa akin hanggang sa umabot na ako sa dingding. Agad nyang iniharang ang palad nya sa magkabilang gilid ko. Pinasadahan na naman nya ng tingin ang hubad kong katawan. Hindi ko na ito tinakpan , kasi wala din naman kwenta, nakita na nya. Nag- init ang katawan ko dahil sa ginawa nya kahit basang- basa parin ako ng tubig sa shower. "Alam mo ba hanggang ngayon saulo parin ng isip ko ang ginawa nating noon? Parang naamoy ko parin ang natural mong bango." Tila bulong na pagkakasabi nya na nagpalakas sa t*bok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD