BCB 8: Katulong daw!

1910 Words
---------- ***Atasha's POV*** - Wala akong nagawa nang pilit akong dinala ni Sancho sa bahay nya para gawin nyang katulong. Nakasimangot ako habang papunta kami ni Sancho sa bahay nya. Alam ko kasi na magsisimula na ang pinakamatinding dagok sa buhay ko at ito ay ang makasama at araw- araw na makikita si Sancho. Isang kalbaryo sa buhay ko si Sancho. Okay lang sana kung isa kina Savino at Santinir ang tumangay sa akin, baka ipagpasalamat ko pa, pero itong si Sancho. Sa lahat, talagang si Sancho pa. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinakamalaking kasalanan ko at sa maniac na 'to ako napunta. Pero nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na kaming nakarating ni Sancho sa bahay nito. Ang laki ng bahay nito. Mas malaki ito kaysa sa bahay naming dalawa ni daddy noon. At saka, ngayon palang ako nakakita ng isang bahay na gawa sa salamin. Excited akong pumasok sa loob, iniisip ko na ang gusto kong gawin sa bahay na 'to. Gosh! Gawa pa sa marmol ang sahig ng bahay ni Sancho. Ang ganda talaga, pakiramdam ko pati siguro basahan dito ay mas sosyal pa sa akin. Nasa loob na kami ng bahay ni Sancho. Tahimik at walang mga katulong na sumalubong sa amin. Napakaganda ng bahay ni Sancho pero wala itong halos gamit. Sa madaling salita, napaka- empty nitong bahay ni Sancho. Parang napaka- bored tuloy na tumira dito. Hindi ko yata kayang tumira sa napaka- bored na lugar na ito kahit pa maganda itong bahay kaya dahil sadyang makapal ang mukha ko, sinabi ko kay Sancho ang mga kailangan nyang bilhin para magkabuhay naman itong bahay nya at magustuhan ko naman ang tumira dito. "Hoy pandak, gusto ko lang ipaalala sayo na dinala kita dito bilang katulong, hindi bilang asawa ko. Gusto ko yatang masuka sa sinabi nya. "Sino naman kasi ang nagsabi na gusto kong maging asawa mo?" napataas ang kilay ko. "Gusto ko lang naman maging komportable. Paano ako maging mabuting katulong sayo kung hindi ko gusto itong bahay mo? At saka gusto ko lang ipaalala sayo na dapat mong gawin lahat para sumaya naman ako dahil pinilit mo lang naman ako para maging katulong mo. Sabi nga nila, happy maid, happy life." "Happy wife, happy life yon. Hindi happy maid." "Oo nga. Pero sa sitwasyon nating dalawa. Happy maid, happy life. Kasi hindi mo naman ako magiging asawa, nakakasuka kaya yan. Kaya dapat mong gawin ang lahat, para mapasaya mo ako, para maging maayos yong pagsasama nating dalawa." Nag- close yata ang ilong nya sa sinabi ko. Alam kong nababanas sya sa akin. "Alam mo, kung gaano ka kaliit, ganun din kakapal ang mukha mo." mapang- uyam nyang sabi pero makapal talaga mukha mo kaya bahala sya sa buhay nya. "At saka ayaw ko rin maging asawa ka. Hindi ako mahilig sa mga pandak, para lang akong nagpapakasal sa bata." Hinarap ko sya at pinamaywangan. "Hoy Sancho, ipaalala ko lang sayo na sa ating dalawa, ikaw iyong dumedede. Ang lakas mo pang makadede sa akin. Ngayong, sa tingin mo, sino ang mas mukhang bata sa ating dalawa." "Ibang pag-dede yon. Mas masarap iyon kaysa sanggol ang gumagawa. Umuungol ka nga!" Tinaasan ko sya ng kilay. Ang hambog talaga ng hudas na ito. Puro kalaswaan lang talaga ang nasa isip nito. Mayamaya lang, nakaagaw sa pansin ko ang malaking portrait na nakasabit sa dingding na nasa hagdanan na bahagi. Agad akong lumapit dito. Sa tingin ko, portrait ito ng pamilya nya dahil nandito sya, pati na ang mga crush ko na sina Santinir at Savino, pati na yong kuya nya na nakita namin sa hospital, pero bakit nandito din si Saven at Nicollo. Wag nyang sabihin na kapatid din nya ang kasing demonyo nyang si Saven. Diba pinsan nya lang si Nicollo at hindi kapatid? "That's my family portrait!" aniya. Nakatitig lang talaga ako sa portrait. Ang gorgeous pala ng parent nya kaya hindi na nakapagtataka na magagandang genes ang nakukuha nilang magkakapatid. May isang babae pala silang kapatid. "Kapatid mo din ba si Saven?" "Oo." sagot nya. "Kaya pala, magkasing- demonyo kayo." "Hindi ako demonyo, sa aming magkakapatid, hindi lang ako ang pinaka- guapo, ako din yong pinakamabait, pinaka- gentleman at pinakamayaman. Ewan ko. Nasa akin na talaga lahat kaya napaka- swerte mo at ako ang nagiging amo mo." Hindi ko na naman mapigilan ang pagtaas ng kilay ko. Wala ba talaga sa bokabularyo nya ang salitang humble? Puro nalang kasi kahambugan ang naririnig ko sa kanya. Mula nung tinangay nya ako at dinala nya sa yate nya, puro nalang pagmamalaki sa sarili nya ang naririnig ko sa kanya. "Okay lang naman kung ipagmalaki mo sa akin ang mga katangian na yan, dahil sa isang bagay lang naman ako hindi sang- ayon sayo." "And what is it?" "Yong ikaw ang pinaka- guapo sa inyo. Tignan mo nga itong portrait nyo, ang gwa- guapo ng mga lalaking kasama mo dito. Ang guapo mo pag wala kang katabing guapo. Grabeh, naging dugyot ka bigla nang itinabi ka sa mga kapatid mo. Yong mukha mo naging ordinaryo. Napaka- guapo naman kasi nitong mga lalaking katabi mo." "What did you say?" tila umuusok ang ilong nya sa sobrang inis. Totoo naman, ah! Naging honest lang ako. Liars go to hell pa naman. "Kailangan talagang ulit- ulitin?" napatitig na naman ako sa portrait. "Mabuti pa itong my loves Santie ko, angat parin ang kaguapuhan. At itong darling Savino ko naman, ang hot parin. Ideal man ko pa naman ang isang piloto." tila kinikilig kong sambit. "What did you call to my brothers?" "Loves and darling? Hindi ka naman siguro nagseselos." pang- iinis ko pa sa kanya. "Yucks! Maghunos- dili ka Atasha. Ako magseselos?" laking mata nyang sambit, tumawa pa syang ng malakas. Mabilaukan sana sya ng laway nya. "Pwede ba, malayo ka sa standard ng babaeng gugustuhin ko. Well, gusto ko lang sabihin sayo, na yang mga pangit kong mga kakambal ay masasama ang mga ugali. Maliban pa dyan, iyang si Santie, may napili na ang parent ko para maging asawa nya. Then, si Savino, may asawa na yan. Iniwan lang ng asawa kasi pangit ang ugali. Napakapangit ng ugali ng Savino na yan." "Ganun ba?" na- broken hearted yata ako bigla. At dalawang beses akong na- broken hearted. "Bakit nakasimangot ka dyan? Don't tell me, dinibdib mo ang mga sinasabi ko. Kamukha ko naman ang mga iyan at saka hindi lang si Savino ang marunong magpalipad ng eroplano, marunog din ako." "Hindi nga! Piloto ka ba?" "Hindi. Pero mahilig ako sa mga laruang eroplano, marami nga akong collection nito. At alam ko kung paano paliparin ang mga ito." Napanganga ako. Sagad talaga sa kabaliwan itong si Sancho. Medyo pagod na pala ako kaya kailangan ko nang magpahinga. Dagdag lang sa stress ko itong si Sancho. Na- stress ako sa kabaliwan nya. "Oo nga pala, saan na ang kwarto ko? Gusto ko nang magpahinga?" "Anong magpahinga? Maglilinis ka pa." Ang sarap talaga nyang suntukin. "Kararating nga lang natin dito tapos palilinisin mo ako agad. At saka, bigyan mo naman ako ng time para makapag- move on." "Move- on? Bakit ka magmo- move on?" kunot- noo nyang tanong. "Dahil broken hearted ako. Sinaktan nina Savino at Santinir ang puso ko. I need time to move on. Sa tingin ko, sampung taon siguro." Dumilim ang kanyang anyo at naging matalim ang titig nya sa akin. "Ito tulong para maka- move on ka. May putok ang mga kapatid ko na yon. At hindi nagto- toothbrush, kaya bad breath ang mga iyon at isang beses lang naliligo ang mga iyon sa isang linggo. Hindi nagpapalit kahit brief. " At nagawa pa nyang siraan ang mga kapatid nya. Wala na talaga sa tamang pag- iisip itong si Sancho. "Hindi kaya ikaw ang hindi nagpapalit ng brief." sa lahat, ito pa talaga ang nasabi ko. Sa lahat ng sinabi nya, yong brief pa talaga ang pumapasok sa isip ko. Naalala ko na naman kasi ang malaki at masarap nyang ahas. Bweset! Bakit ba hindi mawala- wala sa isip ko ang ahas na yon. "Paano ako magpalit ng brief, hindi naman ako nagbi- brief." Nag- init bigla ang pakiramdam ko. Nahawaan na yata ako sa kamanyakan ng lalaking ito. Sh*t ang lalaking ito! "Pwede ba ihatid mo na ako sa magiging kwarto ko. Gusto ko yong may malaking kama kasi magalaw akong matulog. Lagi akong nahuhulog pa maliit yong kama ko. Okay? At saka, gusto ko sana yong may magandang view, yong paggising ko sa umaga, gaganda agad yong mood ko, dahil sa magandang view. Okay?" "Ang dami mong request. Ipinaalala ko lang sayo na dinala kita para maging katulong, para pahirapan. Hindi para gawin reyna." "Pahirapan mo ako basta ibigay mo lahat ng request ko." He growls. At parang ungol sa pandinig to. Kung ano't- ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Dinala nga ako ni Sancho sa isang malaking kwarto na may malaking kama. Pero---- "Sabi ko may magandang view. Bakit ang pangit ng view dito? Yong kalsada ang nakikita ko. At saka---" napatingin ako sa malaking portrait na nakasabit sa harap pa mismo ng kama. Portrait ito ng hinayupak na naka- brief lang. Ang hilig talagang maghubad ng lalaking ito. "--- bakit nandyan yang larawan mo? Ayaw ko sa kwarto na ito." "I gave you what you want. Wag ka ng maarte. Malaking kwarto na may malaking kama. At may magandang view. Yang portrait ko, yan ang magandang view na hinahanap mo." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Hindi naman gaganda ang mood ko sa tinutukoy nyang view. Baka lalagnatin pa ako kasi kahit napakalamig ng aircon, iinit yong pakiramdam ko lagi. "Pwede ko din yang palitan, meron akong nude picture doon. Sayo ko lang ipapakita iyon. Ang swerte mo talaga." Ang landi talaga ang impaktong ito. "No. Thanks. Takot ako sa ahas lalo na yong may malaking ulo. Baka bangungutin pa ako." "Bangungutin pa. Umuungol ka sa ahas na yon." napangiwi ako. Dahil sa lalaking ito, nagiging malandi na ang utak ko. "Ikaw din. Tinanggihan mo ang grasya." "Ewan ko sayo. Basta gusto ko, alisin mo itong portrait mo dito sa loob ng kwarto ko. Mahiya ka naman, kwarto ko ito." "Pamamahay ko ito." "Ano ngayon? Kwarto ko naman ito." "Ayaw." umiling- iling pa sya. Nag close open na yata ang ilong ko sa inis sa tarantadong nasa harapan ko. "Anyway, maliban sa paglilinis at paglalaba, kailangan mo rin akong ipagluto. Alas otso ng umaga ang alis ko papunta sa opisina, kaya 7:30 ako kumakain. Nagkaintindihan ba tayo pandak?" "Oo. Naintindihan kita. Kung pandak ako, manyak ka naman. Hinayupak!" naiirita kong sambit. Pag maiinlove ang lalaking ito sa akin, kakaiba pa naman ang kamandag ko, who you talaga ito sa akin. Paluluhurin ko muna ito sa harapan ko saka ko babasterin. "Anyway, pag tulog pa ako ng 7:30, wag mo na akong gisingin, mauna ka nang kumain." "Ano?" laking mata nyang sambit. "At saka, magluto ka ng masarap na pagkain ngayon. Gusto kong kumain ng masarap. Sige lumabas ka na ng kwarto ko. Pagod ako, kailangan kong magpahinga. Gisingin mo nalang ako pag nakapagluto ka na. Okay?" "Okay." sagot naman nya. At humakbang sya palabas sa kwarto pero natigil sya bigla at matiim ang titig nya nang napalingon sya sa akin. "Hoy Atashang pandak! Bakit ako ang inutusan mo, huh? Ipaalala ko lang sayo, ako ang amo at ikaw ang katulong dito." Oo nga pala. Katulog pala ako dito. At amo ko pala itong hudas sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD