BCB 7: Kaluluwa!

2038 Words
-------------- ***Atasha's POV*** - Kahit sakit lang sa tiyan ang naramdaman ni Sancho, dinala parin namin ito sa hospital. Ang arte talaga ng Sancho na ito, ako nga, kung mananakit ang tiyan ko, lana lang ang gamot nito. Ginawa kong haplas sa tiyan ko ang lana. Pero itong si Sancho, may pa- hospital pa. Hindi naman nakakamatay ang pananakit sa tiyan. Hindi naman siguro dahil sa orasyon ko kaya sumasakit ang tiyan ng Sancho na yon. Baka nalalamigan lang ito, napakahambog kasi ng hinayupak na yon, lagi pa naman ipinagmamalaki sa akin ang hubad na katawan. Hindi naman ako nagkaka- interest sa katawan ng Sancho na yon, kahit pa masarap yong bumayo. Nakita ko ang isa sa mga kakambal ni Sancho, ang bago kong crush na si Santinir na kausap ang isang doctor. "I'm sorry pero sa tingin ko hindi nya makakayanan. Medyo malala talaga." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nanganganib ang buhay ni Sancho? Malala ang kalagayan nito? Bigla akong napalakad palayo. Bakit naguilty ako sa kalagayan ngayon ni Sancho. Wala naman akong kasalanan dito. Ang Sancho na yon ang may kasalanan sa akin. God! Hindi ko kasalanan kung bakit nag- aagaw buhay ngayon si Sancho. Hindi naman effective ang orasyon ko. Saan kaya ang kwarto ni Sancho? Palakad- lakad ako ngayon habang sinisilip ang sa tingin ko kwarto ni Sancho. Napahinto ako nang nakita sina Savino at Santinir sa isang kwarto, may mga tao sa loob na umiiyak habang pinalilibutan ng mga ito ang kama kung saan may nakahiga na sa tingin ko bangkay na dahil sa tinatakpan na ng puting kumot ang buong katawan nito. Papasok sana ako sa loob kaya lang nahihiya ako. Nahihiya ako sa buong kamag- anak nina Santinir at Savino. Malungkot man isipin pero talagang hindi na nakayanan ni Sancho ang pananakit ng tiyan nito at tuluyan na talaga itong bumigay. Nalungkot din naman ako para sa binata kahit pa ipinagdarasal ko noon na sana kunin na ito ni Lord. Kailangan ko na palang umalis. Pero saan ako pupunta ngayon? Ni piso ay wala ako. Yong iba kong gamit ay nasa yate ni Sancho. Hahayaan ko muna na magluksa sandali sina Savino at Santinir sa pagkamatay ni Sancho, saka ako hihingi ng tulong sa mga ito. Hindi na ako dapat mahiya, si Sancho ang dahilan kaya nagkakagulo ngayon ang buhay ko. Dapat lang na humingi ako ng danyos sa mga kapatid nito. Pumasok ako sa loob ng chapel ng hospital, hindi para magdasal kundi para tumambay lang dito. Mukha kasing magandang tumambay dito dahil maliban sa madaming upuan, tahimik at maaliwalas din ang lugar. Ilang minuto na akong nakaupo dito nang napatingin ako sa rebulto. At biglang pumapasok sa isip ko ang nangyari kay Sancho. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at kinausap ko ang rebolto. Wala naman ibang tao dito sa loob kaya wala naman makakarinig sa akin. "Lord, alam kong bad itong sasabihin ko sayo ngayon pero pasensya na talaga kung hindi ko mapigilan magpasalamat sayo dahil kinuha mo na si Sancho. Nakakalungkot naman talaga itong pagkawala nya at naawa naman ako sa mga maiiwan nya pero hindi ko talaga mapigilan na gumaan ang pakiramdam ko sa isipin na wala na ang Sancho na yon. Sa wakas, wala nang lalaking manggugulo sa tahimik kong buhay. Malaya na ako muli. Sa bahaging ito, talagang masaya ako kaya, fine, aaminin ko na marami talagang advantages sa akin ang pagkamatay ni Sancho, kaya kahit sinasabi ko sa sarili ko na dapat akong malungkot sa pagkawala na ito ni Sancho, hindi ko talaga mapigilan ang makadama din ng saya. Alam kong nakakalito. Fine. Masaya na nga ako dahil patay na ang Sancho na yon. Wala na ang kinaiinisan kong lala----" "What did you say?" Boses na pamilyar sa akin kaya agad akong kinilabutan. Ayaw kong lumingon dahil baka tama ang hinala ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at sunod- sunod akong napailing. Imahinasyon ko lang ang narinig ko. Wala talagang nagsasalita sa likod ko. "Sancho please, tanggapin mo na ang katotohanan, pumasok ka na sa liwanag." hindi ko mapigilan sambit. "What the f*ck! Anong liwanag ang pinagsasabi mo?" Narinig ko na naman ang boses ni Sancho. May malamig na hangin na dumaan kaya tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. "Kahit patay ka na, ang lutong mo pa rin magmura. Magbago ka na. Kaya siguro hindi mo makita ang liwanag, dahil baka hindi ka naman talaga sa langit mapupunta. Ini- expect ko naman talaga na hindi ka matatanggap sa langit, eh!" "What the hell are you talking about?" "Hell? Oo nga, sa hell ka mapupunta." "Atasha, what are you------" Bigla akong napalingon dahil gusto kong masiguro na narinig ko lang ang boses ni Sancho, na wala na ito kaya sigurado ako na hindi ko na ito makikita. Pero sobrang panlalaki ng mga mata ko nang paglingon ko, sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Sancho, napakaputi ng mukha nito, putlang- putla ito, puti din ang suot nito sa katawan. Hindi ko mapigilan ang sarili at agad akong napasigaw. Noon, hiniling ko na sana magkaroon ako ng third eye para makita ko naman ang papa ko pero ngayon, hindi ko na hiniling ang bagay na yon. Sa lahat ng kaluluwa na pwedeng magpakita sa akin, ito pang kaluluwa ni Sancho ang nakita ko. Anong klaseng torture ito? "No! Patay kana Sancho! Please lubayan mo na ako. Sumama ka na sa liwanag!" napaatras ako. Tumatayo na yata pati maliliit kong mga balahibo sa pinakatago- tago kong yaman dahil sa sobrang takot na naramdaman ko. Oo. Tinatago ko pa yong sa iba. Pero hindi na yong nakatago kay Sancho kasi nakita na nya, kinakain pa nga. Bweset! Nagawa ko pa talagang alahanin ang bagay na yong kahit kaluluwa na nga ni Sancho ang nasa harapan ko at baka nanganganib ang buhay ko ngayon. Naalala ko, sabi nga pala nitong si Sancho, hindi ako makakatakas sa kanya. Gosh! Baka plano akong dalhin ng lalaki na 'to sa kabilang buhay. "Sancho please, wag kang lumapit sa akin. Pabayaan mo na ako. Wag mo naman akong isama pati sa kabilang buhay, bata pa ako, marami pa akong mga pangarap. Pumasok ka na sa liwanag. Don't worry ipagdarasal ko ang kaluluwa mo. Tatlong beses sa isang linggo, hindi ako titigil hangga't hindi ka mapunta sa langit." "What the hell, Atasha. I don't know what you are talking about." galit na sambit ng kaluluwa ni Sancho. "Kung paraan mo ito para makatakas ka sa akin. Pwes, sinasabi ko sayo na hinding- hindi mo ako matatakasan. You will go with me wherever I go. Walang makapaghihiwalay sa ating dalawa." Mas lalo akong natakot. Tama nga ako. Plano nya akong isama hanggang sa kabilang buhay. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatakbo ako. Napalingon ako sa kanya kahit nagtatakbo parin ako. Nakasunod lang ang tingin nya sa akin. Basang- basa ko ang kalituhan sa mga mata nya. Hindi pa siguro nya alam na patay na sya. Mayamaya lang, mas bumilis ang takbo ko nang tumakbo din si Sancho para sundan ako. Kailangan kong makakita ng mapagtaguan. Pero paano ba pagtataguan ang isang patay? Nakita ko sina Santinir at Savino na pasalubong sa akin. Nang tuluyan na akong nakalapit sa mga ito, mabilis akong sumiksik sa gitna ng dalawa. Sobrang bango ng mga ito kaya mas lalo kong isiniksik ang sarili ko. Humawak din ako sa braso ng dalawa. "Tulungan nyo ako! Hinahabol ako ng kaluluwa ni Sancho." "Kaluluwa?" sabay na sambit ng dalawa. "Oo. Alam kong wala na si Sancho, pumunta lang naman ako sa may chapel para sana ipagdarasal si Sancho pero biglang nagpakita ang kalulu--- Nandyan na sya! Galit na galit syang humakbang papunta dito. Plano nya akong isama kahit sa kabilang buhay." takot na takot kong sambit. "Saan? Wala akong nakita." si Santie. "Me too." Ani naman ni Savino. "Nasa harapan nyo." Mas lalo akong natakot sa kaluluwa ni Sancho nang tila nag- close open ang ilong nya na nakatingin sa aming tatlo. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking sarili sa mga kakambal ni Sancho. Ang bango talaga ng mga ito. Dahil sa mga ito, biglang naging ordinaryo ang bango ni Sancho. Dahil kina Santinir at Savino, biglang naging dugyot ang halos perpekto na daw na si Sancho. "Atasha, wala akong nakita. May nakita ka ba, bro?" si Savino. "Wala din." "Hindi nyo talaga sya makikita kasi sa akin lang sya nagpapakita. Ako lang ang plano nyang dalhin sa kabilang buhay. Plano nya akong gawin slave hanggang doon. Ganyan sya kapatay na patay sa aking beauty." "Stay away from her, assholes!" galit na sabi ni Sancho at matalim ang titig nya sa mga kapatid. Kuyom na kuyom ang kamao nya na parang gustong manuntok ano man oras. "Nakakatakot naman pala." si Santinir. "Sinabi mo pa." Ani ko naman. "Anong hitsura ngayon ni Sancho? May mga dugo ba sa mukha nya?" tanong ni Savino. "Ganun parin naman. Kaya lang ang putla nya." "Sa tingin mo maririnig nya kami?"si Santinir. "Ewan ko." "Okay, susubukan natin."tila bulong na pagkakasabi ni Santinir. "Ang ganda mo Atasha, yayain sana kita ng date." malakas na sabi ni Santie na nagpakilig sa akin. Gosh! Iba talaga ang kamandag ko. "F*ck you, asshole. Maghanap ka ng sayo. She's my property. Stay away from her." "Property daw nya ako. At layuan mo daw ako." "F*ck bro, narinig nga tayo." si Savino "Halos patayin na nga kayo ng titig nya. Please, wag nyo akong ibigay sa kanya. Kuyom na kuyom ang kamao nya, parang susuntukin kayong dalawa." Takot na takot na talaga ako nang--- "Tito Sancho, bakit ganyan ang face mo? Ang puti." tanong ng dalawang batang lalaki na dumaan, sa tingin ko kambal ang mga ito. Grabeh! Ang guapo ng mga batang ito. Napabitaw ako kina Savino at Santinir. Saka ako napaharap sa mga bata. "Nakikita nyo sya?" tanong ko sabay turo kay Sancho. "Oo miss. Bakit naman hindi namin sya makikita?" kunot- noo na tanong ng isang bata. "May third eye kayo?" Napakunot- noo ang isa, habang ang isa naman--- "Hi miss beautiful, ako nga pala si Prince. Ikaw?" Ani ng isa na nagpapa- cute sa akin. Ang guapo! Sayang! Bakit naging bata pa ito? Magaling pa naman itong tumingin ng mga magaganda. "Tumigil ka totoy, hindi ka pa natutuli." si Sancho. "Pwede ba Sancho, wag ka ngang pumatol sa bata. Isip bata ka talaga! Magaling lang talagang tumingin ng maganda ang batang ito." saway ko kay Sancho. Nakalimutan ko nang kaluluwa sya. "We're 8 and we're going to be circumcised months from now." ani nitong bata na medyo seryoso. "Hindi naman kami katulad sayo Tito Sancho, na 12 years old nang natutuli dahil sa takot." Ani ng pilyong bata, nagtawanan ang dalawang bata, sumabay pa sina Savino at Santinir. Habang ako naman, ini- imagine ko pa talaga kung gaano na kalaki ang ano ni Sancho ng mga panahon na yon. Medyo biniyayaan pa naman sya sa departamentong ito. "What the! Sinong nagsabi sa inyo?" nanggigil na tanong ni Sancho. "Si daddy!" sagot naman ng pilyong bata. "Medyo natatakot kasing magpatuli si King kaya ikaw yong ginawang example ni daddy." "Hindi talagang mabuting ama yang daddy nyo. Puro kalaswaan ang itinuturo sa inyo. Sana hiwalayan ng mommy nyo yong daddy nyong pangit. Hindi ko na talaga yong dadamayan, pagtatawanan ko na yon." Mayamaya lang.... Masama ang tingin ko kina Savino at Santinir, niloloko lang pala ako ng dalawang ito. Hindi naman pala patay itong kakambal nila na kampon ng kadiliman. Bakit ko nalaman? Dumating kasi ang parent ng kambal. Kuya pala ng tatlong ito ang ama ng kambal. Kaya pala napakaguapo ng dalawang bata kasi totally gorgeous naman pala ang magulang ng mga ito. Tawang- tawa sina Savino at Santinir ngayon. "Buhay ka pa pala." taas kilay kong sabi kay Sancho. "Buhay ako. Buhay na buhay. Bakit parang dismayado ka na buhay ako?" Napataas ang kilay ko. "Masamang damo ka nga pala kaya matagal kang mamatay." nakasimangot kong sabi. "Masamang damo! Yan sayo ang medyo madamo." Sandaling nag- loading ang isip ko sa sinabi nya. Kung hindi pa sya napatingin sa ibabang bahagi ko, hindi ko pa sya ma- gets. Nag- init ang pisngi ko bigla. Bweset na lalaking ito! Hindi na kaya ako nakapag- ahit ng ilang buwan. Hudas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD