BCB 6- Pangit!

1570 Words
Atasha's POV Isa sa pinakaayaw kong gawin sa buhay ay ang magluto. Ang Lola ko kasi ang laging nagluluto doon sa Isla. Paano naman ako makapagluto? Hindi pa nga sumisikat ang araw, umalis na ako sa bahay namin para pumunta sa tabing dagat, hinihintay kasi namin ng matalik kong kaibigan na si Akeelah ang pagdaung ng bangka ng mga mangigisda para makabili kami ng sariwang isda na syang ititinda namin sa pwesto namin sa merkado. Halos buong araw ko ay nasa merkado lang ako at nagtitinda, gabi na akong umuwi. Lalo na nung dinala ni Saven si Akeelah sa Manila, mag- isa nalang akong mina- manage ang maliit naming negosyo. Akala ko maganda ang buhay ng kaibigan ko dito pero demonyo ang Saven na yon. Kaano- ano kaya ni Sancho si Saven? Hindi ko pa pala naitanong ito sa hinayupak na kasama ko. To continue the story, nung bumalik ang kaibigan kong si Akeelah sa Manila para bawiin ang anak nyang ninakaw ni Saven at ng asawa nyang, long lost twin sister pala ni Akeelah, sumama ako para samahan ang kaibigan ko sa laban nya, kasama namin si Erwin, ang long time manliligaw ni Akeelah na taga amin din. Nabawi na sana ni Akeelah ang anak nya pero hindi ko naman alam kung ano na ang nangyayari sa kanya dahil tinangay nga ako ng hudas na si Sancho. Sana okay lang si Akeelah. Sana nasa pangangalaga sya ngayon ni Erwin. Naalala ko bigla ang sinabi ko kanina kay Sancho tungkol sa pinsan nyang si Nicollo. Hindi talaga kami close ni Nicollo, muntikan ko na ngang hinabol iyon ng walis tingting nung pinuntahan nya si Akeelah sa isla. Totoo naman na nangako syang tumulong sa kahit anong paraan pero hindi naman sya sa akin nangako, kay Akeelah naman. Teka lang, parehong pinsan nina Saven at Sancho ang Nicollo na yon. Magkaano- ano kaya ang dalawa? Medyo hawig kasi ang mga ito. Magkapatid ba sina Saven at Sancho? Hindi malabong magkapatid silang dalawa. Pareho silang kampon ng kadiliman. Sa wakas tapos narin ako sa pagluluto. Bahala ang Sancho na yon. Tignan natin kung hindi sya mapapanot sa konsumisyon sa akin. Iinisin ko sya ng todo hangga't sa ayaw na nya akong makita at nang makalaya na ako mula sa kanya. Ang galing talaga ng plano ko. Ang talino ko talaga kahit hindi halata. "What is this? Anong klasing luto ba ito? Ang sama ng lasa." reklamo ni Sancho pagkatapos nyang tikman ang niluto ko. Ini- expect ko na talaga ito. Maliban sa hindi talaga ako ganun kagaling sa pagluluto, talagang sinadya kong hindi ayusin ang pagluluto. "Anong sinabi mo kanina?" nakapamaywang kong tanong sa kanya. "Sabi ko magluto ka. " "Yon naman pala. Ang sabi mo magluto ako. Hindi mo naman sinabi na magluto ako ng masarap na pagkain. Ginawa ko lang naman ang inutos mo. Sa susunod kasi, ayusin mo ang utos mo. Kasalanan mo yan, kung ano ang nakahanda sa mesa, iyan ang kainin mo." Pinagalit ko ang boses ko. Pero lihim talagang nagbunyi ang isip ko. Kitang- kita ko kasi sa mga mata nya ang inis. "Ewan ko sayo." taas kilay kong sambit saka ako tumalikod para iwanan sya. Hindi ako kakain sa inihanda ko sa kanya, kasi may sinambit akong orasyon doon. Hindi man ako sure kung tama yong orasyon ko, pero mas mabuti nang nag- iingat ako. Kung sasakit mamaya ang tiyan ng Sancho na yon, ibig sabihin tama ang orasyon ko. Kung hindi naman, next time muli. Sabi nga nila, try and try until you succeed. Later..... "Atasha! Atasha!" napabalikwas ako sa pagbangon mula sa sofa na hinigaan ko nang marinig ang boses ni Sancho na tinatawag ako. Ano na naman kayang problema ng lalaking iyon? Ang sarap pa naman ng tulog ko. Ang ganda ng panaginip ako. Isa daw akong magandang prinsessa na pinag- aagawan ng mga nagkakaguapuhan at nagkikisigan na mga prinsepe, tapos naputol lang ang magandang panaginip ko na yon, dahil sa nakakairitang boses ni Sancho. Mabibigat ang mga paa na humakbang ako palapit sa kwarto ni Sancho at agad ko itong binuksan. "Ano bang problema mo?" pataray kong tanong. Wag nyang sabihin na horny na naman sya at gusto nyang maka- score sa akin. Puputulin ko talagang yang ahas nyang may malaking ulo. Pagkatapos akong gawin parausan, iinsultuhin lang ako. Kahit masarap ang ginawa nya sa akin, hindi ko parin matatanggap ang pangingisulto nya sa akin. Ano sya! Hello! "F*ck! Tulungan mo ako. Ang sakit ng tiyan ko." aniya sabay nya sa tiyan nya. "A- Anong sabi mo?" nakanganga kong tanong. Kailangan ulitin nya ang sinasabi nya. "Sabi ko masakit ang tiyan ko." Nanatili parin akong nakanganga. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa narinig kahit alam ko na dapat akong matuwa dahil napatunayan ko na effective pala ang orasyon ko. Hindi ko naman inaasahan na magtatagumpay ako. "Ano pa ba ang ginagawa mo? Wag kang tutunganga lang dyan. Help me. Ikuha mo ako ng tubig na maiinom." Bigla tuloy akong nabuhayan ng guilt nang nakita ko ang pagkislot ng hitsura nya dahil siguro sa sakit na naramdaman. Sorry sya, hindi ko nga naman kasi lubos akalain na maging effective ang orasyon ko. Mabilis naman akong tumalima sa utos ng hinayupak. Mabilis akong bumalik sa kwarto nya habang dala ang isang basong tubig. Naabutan ko sya na tumayo at may kinuha na kung ano sa loob ng cabinet. "May gamot ka pala." Ani ko nang makita ko na mga tableta ang kinuha nya. "Kailangan ko itong dalhin lagi. Mahina ang tiyan ko lalo na sa mga pagkain na bawal sa akin. Kaya kailangan ko lagi na may baong gamot." aniya, napataas ang kilay ko. Hindi ko pala kasalanan, talagang sakitin sya. He take his medicine. Bweset! Habang nilunok nya ang tubig ay hindi ko din mapigilan mapalunok habang nakatingin sa nakakaakit nyang Adams apple. "Hoy, bakit titig na titig ka na naman sa akin? Alam kong guapong- guapo ka sa akin, wag mo lang masyadong ipahalata." Napataas ang kilay ko. Guapo nga. Makapal naman ang mukha. Mas lalo sanang sumakit ang tiyan nya. Pipi kong kahilingan na natupad nga dahil ngayon, parang sumisigaw na sa sakit ng tiyan nya si Sancho. Awang- awa na nga ako sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maibsan ang pananakit ng tiyan nya. Kaya gamit ang cellphone nya, tinawagan ko na si Nicollo para matulungan ako tungkol sa pinsan nito. Awang- awa na kasi ako kay Sancho, hindi kasi sya nakakatuwang e- bully pag may dinaramdam sya. Ito ang dahilan kaya naaawa ako sa kanya at wala ng ibang pa. Sabi ni Nicollo sa akin, ilang minuto lang daw ay may darating na isang chopper plane na syang kukuha sa aming dito para madala si Sancho sa hospital. Ang swerte ko naman, sa wakas, ma- experience ko narin ang makasakay ng isang chopper. Napalabas ako nang may narinig akong tunog ng isang chopper. At nakita ko nga ang isang chopper plane na nasa itaas nitong yate na sinasakyan namin. May isang lalaki na bumaba mula sa nakabitay na hagdan, hanggang sa tuluyan itong nakababa. Nang tuluyan napatingin sa akin ang lalaki, agad akong napanganga dahil sa angkin nyang kaguapuhan. Alam kong kamukha nya si Sancho pero ang guapo talaga nya sa paningin ko. Gosh! Nagkaroon yata ako ng crush sa kanya agad- agad. "Hi, I'm Santinir, where is my twin brother." Gosh! Kung gaano sya kaguapo, ganun naman kapangit ang pangalan nya. Twin Brother? Kambal ito ni Sancho. Well, halata naman. Pero, ang guapo talaga nitong si Santinir sa paningin ko, biglang naging ordinaryo ang hitsura ni Sancho. Medyo nauutal pa ako habang itinuro kung nasaan ang kakambal nitong sakitin. Nagpasiuna sya sa paghakbang sa akin. Sinamantala ko ito, inayos ko sandali ang buhok ko para presentable naman ako sa harapan ni Santinir. Sa wakas, naisakay narin namin si Sancho sa chopper. "Don't forget to wear your seatbelt at headset guys." Ani ng piloto, sabay lingon nito sa amin. At napanganga na naman ako dahil napakaguapo rin nito. Medyo kamukha din ito nina Sancho at Santinir, pero mas darker lang ng kunti. Pero ang hot nyang tignan lalo pa't piloto sya. Pangarap ko pa naman ang makapangasawa ng isang piloto. Palipat- lipat ang tingin ko kina Santinir at sa piloto, hindi ko na alam kung sino sa kanila ang pakakasalan ko sa panaginip ko mamaya. Pero, okay lang naman sa akin kung silang dalawa nalang. Hindi naman siguro kukurutin ni Lord ang singit ko, kung nagdadalawang isip ako kung sino ba kina Santinir at sa piloto ang tunay kong crush. "Bakit ganyan ka makatingin sa mga kakambal ko? Lalong- lalo na kay Savino,?" kunot- noo na tanong ni Sancho na nasa tabi ko. Nagsingabot ang kilay nya at nag- isang guhit siguro ang labi nya. Savino? Gosh! Ang pangit din ng pangalan. "Ang guapo naman pala ng mga kapatid mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" kinikilig kong sambit. "Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang pinakapangit sa inyong magkakapatid." "What did you say?" tanong ni Sancho sa naiiritang tinig. "Don't worry, ikaw man ang pinakapangit sa inyong tatlo, ikaw naman ang may pinakamagandang pangalan. Grabe, ang papangit ng pangalan ng mga kakambal mo." Kung kanina si Sancho lang ang nakatingin sa akin sa naiinis na titig, ngayon silang tatlo na. Nakakatakot ang titig nila. Gosh! Narinig ba nila ako? Anong gagawin nila sa akin? Itatapon ba nila ako sa dagat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD