BCB 5- Galit?

1238 Words
Sancho's POV Hanggang ngayon banas na banas parin ako. Sinabihan pa naman ako ng Atasha na yon na napaka- lousy ko. Ngayon palang may babaeng naglakas loob na sabihan akong lousy at ang Atasha pa na yon. Ang dami ng atraso sa akin ng babaeng iyon. Hindi ko napigilan ang sarili at naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit. Sinabihan pa talaga ako na lousy, pero kung makaungol halata naman sarap na sarap sa ginawa ko. Lahat ng babae ay halos mababaliw sa akin dahil sa maliban na biniyayaan ko ng malaking alaga, magaling din akong bumayo. Kaya lahat ng babae ay satisfy sa akin, tapos sinabihan lang ako na lousy ng Atasha na yon. Kahit alam kong nagsisinunggaling ang Atasha na yon pero talagang nakakainsulto parin iyon sa pagk*lalaki ko. Banas na banas talaga ako sa babaeng yon. Gusto kong gumanti sa babaeng yon at ipamukha dito kung sino ang kinakalaban nito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naiinis ng sobra sa isang babae. Yong pandak na Atasha na yon, pasalamat yon na may malaking utang pa yon sa akin, dahil kung wala, baka itinapon ko na iyon sa dagat. At hahayaan ko yon kainin ng mga pating. Tunog na naman ng cellphone ko ang dahilan kaya napatigil ako sa pag- iisip kung paano makaganti kahit papaano sa Atasha na yon. Pangalan na naman ng kapatid kong si Saven ang nabasa ko sa screen. Medyo nakadama na ako ng irritasyong sa kapatid ko na ito. Bakit ba sya check na check kay Atasha? Doon nalang sya magpokus kay Akeelah at wag na nyang idamay si Atasha. Nakakainis isipin na may ibang tao lalo na kung lalaki ang nagmamalasakit sa pandak na yon. Hindi ko sinagot ang tawag. At pinindot ko ang silent mode ng cellphone ko. Bahala ang Saven na ito sa buhay nito. Naalala ko na naman ang alipin ko, kailangan pala nya akong pagsilbihan. Asan na kaya ang pandak na yon? Palakad- lakad ako habang hinahanap ng mga mata ko ang nakakabanas na si Atasha. Hindi ko talaga maisip kung saan kinuha ng babae na yon ang lakas ng loob para insultuhin ako. Gaganti talaga ako sa babaeng yon dahil sa iniinsulto nya ang pagk*lalaki ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Atasha na nakahiga sa beach mat ko, nasa may upper deck sya. Hindi na mainit ang panahon dahil medyo hapon na. At hindi lang ito ang ikinalaki ng mga mata ko kundi ang katotohanan na suot din nya ang T- shirt at bagong boxer ko. "Atasha! Atasha!" pagalit kong sigaw sa pangalan nya. Agad naman syang napatayo at napatingin sa akin. "Ang ganda ng buhay mo. Gusto ko lang ipaalala sayo na dinala kita dito hindi para magbuhay- reyna kundi para maging alipin ko. Ang sarap ng buhay mo dyan. At suot mo pa yang damit ko. Alam mo bang mahal yan? Baka pati buhay mo ay hindi na kayang pambayad sa laki ng utang mo sa akin." nayayamot kong sambit. Masyado pa naman akong possessive kahit sa mga gamit ko at hindi ko ipinapagamit ang mga ito sa kahit sino. Mas nanaisin ko pa na itapon ang mga ito kaysa gamitin ng iba. "At ano ang gusto mong isuot ko? Bigla mo nalang akong tinangay, hindi mo man lang ako dinalhan ng damit. At saka priceless ang buhay ko, hindi ito pwedeng ibayad sa sinasabi mong utang ko sayo." tumayo sya. Hindi ko mapigilan na tumitig sa kanya, she looks good wearing my T- shirt, but she is better without anything on it. Bweset! Nabuhay na naman ang manoy ko dahil naalala ko na naman ang ginawa namin kanina. Pero nang naalala ko ang sinabi nya na lousy ako, nabuhay na naman ang galit ko. " Alam mo, pagbalik ko talaga sa Manila, pupuntahan ko agad sa pinsan mong si Nicollo. Hihingi ako ng tulong sa kanya at itatanong ko sa kanya kung legal ba yan sinasabi mong utang ko sayo." Mas lalo akong nainis nang narinig ang pangalan ng kapatid kong si Nicollo. Hindi ko talaga pinsan si Nicollo, kapatid ko sya. Close ba sila ni Nicollo? Naalala ko bigla na kay Nicollo ko nga pala sya dapat dalhin. Naikuyom ko ang kamao ko. Ang kapatid kong si Saven ay laging nangungumusta sa kanya, tapos close sila ng kapatid ko na naman na si Nicollo. Kailangan kong malaman kung gaano sila ka- close ni Nicollo. Hindi pwede na may close sya sa kahit sinong kapatid ko. Bakit? Dahil alipin ko sya. She is my slave. At akin lang sya. Isa na sya sa mga property ko. Kaya ako lang ang dapat susundin at close nyang lalaki. "Buong akala mo ba talaga tutulungan ka ng kapa-- pinsan ko." "At bakit hindi? Sabi nya, he's willing to help me. Sabihin ko lang daw at kaya nyang gawin halos lahat para sa akin. May crush kasi sya sa akin. Slight lang naman." Sa tingin ko naghugis linya ang labi ko sa sinabi nya at parang umusok na ang ilong ko sa inis. Bweset talaga ang Nicollo na yon. "Hoy alipin, magluto ka nga ng hapunan. Dinala kita dito para pagsilbihan ako, hindi para hihilata ka lang dyan. " pagalit kong sabi saka ko sya tinalikuran. Mabilis akong nagmartsa para iwanan sya dahil banas na banas ang pakiramdam ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinayal ko ang numero ni Nicollo. Agad naman akong sinagot ng tinawagan ko. "Saan mo dinala si Ata------" "You know how much I hated if someone is trying to steal what is mine." ani ko sa nangangalaiting tinig. "What is your problem, asshole?" galit din ang nasa kabilang linya. "I want you to stay away from Atasha, she's my slave, dimwit!" Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. "How can I stay away to someone who has a crush on me?" Mas lalo akong nakadama ng irritasyong sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa cellphone, sobrang pagkakuyom ng kamao ko. Nakaigting ang panga ko habang tila susunugin naman sa titig ko ang buong dagat. "Stay away from her, moron." galit na galit ako at mabilis kong pinatay ang tawag. Kung nasa harapan ko lang ang kapatid na si Nicollo baka sinuntok ko na ito. Gaano kaya ka- close ang dalawa? Nagkaligawan na kaya ang mga ito? Gayung parehong crush ng mga ito ang isa't- isa. Hindi naman ako insecure sa hitsura ng kapatid ko. Naniniwala kasi ako na sa aming magkakapatid, ako ang pinakaguapo at pinaka- lovable. Nagkataon lang siguro na unang nakita ni Atasha si Nicollo kaya dito sya nagkaroon ng crush. At hindi lang nagkaroon ng crush si Atasha sa akin, kasi nabo- bother sya sa kasalanan nya sa akin. Dahil pag nagkataon na hindi, baka matagal nang nagkandarapa si Atasha sa halos perpekto kong hitsura. Kinalma ko ang sarili ko, saka ako pumasok sa kwarto ko. Napailing ako nang ini- imagine ko pa na nakahiga sa kama si Atasha, habang pinaliliguan ko ng halik ang hubad nyang katawan. Gumapang ang init sa katawan ko at nabuhay na naman ang aking pagk*lalaki. Sobra ang paninigas nito. Hindi. Hindi pwede ito. Hindi ko dapat pagnasaan ang pandak na yon. Wala kasi akong ibang babae na kasama kaya ang Atasha na yon ang ini- imagine ko. Pero, pag nasa syudad na ako muli at pinalilibutan ng mga babae, sigurado ako na kahit maghubad pa ang Atasha na yon sa harapan ko, hindi ko yon pagnanasaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD