Lucas POV
Tapos na ang maghapon kong trabaho na bagot na bagot, gustong gusto ko na talagang umuwe. I need to see and ask her. Kung gusto niya na ba ang Jerome na yon. I want to clear my doubts.
"Luc, let's dinner my treat!"Masayang pagpasok ni Sophia sa office ko, s**t! Ngayon pa talaga siya nagyaya. Wala ako sa mood mag dinner kasama siya o kumain sa labas.
" Sophia. I'm tired gusto ko nang umuwi at magpahinga." Kumunot ang noo niya at mukhang hindi naniniwala sakin.
"Talaga lang ha? Eh wala ka kayang ginawa maghapon, kundi tingnan ang oras lang. Do you have a problem?" Seryosong tanong niya habang naka taas ang kilay.
"Wala akong problema, hindi ba pwedeng I'm not in a mood lang talaga. " Ang tagal naman nitong umalis kailangan ko na agad umuwi.
"Okay, kami na lang Nilo." Good! Sabay hatak kay Nilo na kinabigla naman nang gago, nakakatawa itsura ni unggoy!
"Alright bye." Nag paalam na ko at mabilis pumunta ng parking lot, pagdating ko sa kotse ko, pinaharurot ko agad ang takbo.
Sana nasa bahay na siya. Nakita kong nag red light kaya nag stop ako. s**t! kung pwede lang talagang umandar na ko, pero bigla akong napatingin sa isang bagong restaurant na malapit lang sa kalsada and I sawJanine na may kasamang lalaki.
Siya kaya yung si Jerome? Buti na lang nag red light kundi, hindi ko makikita si Janine. Kinabig ko ang kotse ko para makapunta sa restaurant.
Pumasok agad ako at umupo ako sa medyo malapit na upuan talaga nila. Lumapit sakin ang waiter, sinabi kong later at may hinihintay pa ako.
" Oh bro?! Akala ko ba your going home na?" Putek nagulat pa ako. Nakatingin si Nilo and Sophia sakin na mga mukhang tanga este nagtataka. Parang hinihintay nila ang isasagot ko.
"Yeah, pauwi na ko. Eh, nakita ko may
bagong restaurant pala malapit lang sa dinadaanan natin, na curious ako baka masarap. Kaya pumasok na ko nagutom ako eh at para na rin kapag may balak tayong kumain sa labas nila Vince, dito tayo." Paliwanag ko at tumango naman si Sophia. Pero si Nilo nakakunot noo pa din at iaaligid pa ang paningin kaya tinapik ko ang upuan para dun mabaling ang tingin niya at nang umupo na din siya. Feeling detective pa ang putcha!
"Eh bakit wala ka pang order?" Tanong ni Sophia. Nakinangisi naman ni Nilo.
"Aah! Kasi mag message sana ko sa inyo na dito na lang tayo kumain. Eh nakarating na kayo. " Pagkukunwari ko, ang dami naman tanong.
"Ahh, okay." Sabi ni Sophia at umupo na silang dalawa. Nag order na kami mukha naman masasarap ang mga pagkain pero wala sa mga pagkain ang atensyon ko, wala nga kong pake kung masarap ba to eh, habang kumakain kasi ako tinitingnan ko lang si Janine. Nakangiti siya palagi, minsan naman tumatawa siya kasi parang nag bibiruan siguro sila.
Parang ang dating Janine ang nakikita ko ngayon. Nakangiti, sobrang kampante, ang masaya niyang mukha at pakikipagbiruan na makikita mo lang sa kaniya kapag kumportable ang kausap niya. Simula nang pinahirapan ko siya nawala lahat yun. Sobra ba ang ginawa ko sa kanya?
Nagpaalam si Sophia papuntang rest room. Nakita kong tumayo na sila Janine at mukhang pauwi na. Gusto ko na ding umuwe para naman makausap ko ang asawa ko, kaso hindi ako makaalis nito eh.
"Bro sige na, umuwi ka na." napatingin ako kay Nilo na nakangiti.
" Pogi ako pero hindi ako bulag. Masyado kang todo deny pero kilala ka namin Bro mula ulo hangang puso. We support you all the time" Nakunot ang noo ko sa mga sinabi niya ang lalim nun ah!
"Hey! Wag ka ngang kung ano ano ang iniisip. Pagod lang ako kaya gusto ko na agad talagang umuwi." Natawa sya ng malakas at binato ako ng yelo.
" Okay sabi mo eh, sige na umalis ka na ambaho ng mukha mo! Good luck!" Baliw neto at umalis na ko agad ng walang sabi sabi.
Nakarating agad ako sa mansion. Pagdating ko dun excited akong pumasok, hindi ko nga alam kung maayos pa ang pagka park ng kotse ko eh. Tinanong ko agad ang guard kung umuwi na si Janine, hindi pa daw. Dapat kanina pa yun ah! Maya maya May narinig akong tumigil na sasakyan, sa tapat ng mansion.
Lumabas agad ako, pag bukas ko si Janine nasa loob ng kotse nung Jerome. Mukamhang nagtatawanan ulit sila, di pa sila sawa kanina kakatawa?
Bumaba si Janine at dumila dun sa pangit saka tumakbo na parang bata. Bumaba din yung pangit para habulin si Janine, nawala na sila sa paningin ko, kaya kinuha ko ang kotse ko para sundan kung san sila pumunta. Pagkaliko ko sa may kanto parang bata sila na nasa damuhan na nagkikilitian.
Natumba sila at nakita kong palapit na ang mukha nung Jerome kay Janine mukhang hahalikan siya nito.
Shit! Agad akong bumusina at ayun nagulantang sila, akala nila makaka score sila? No way matalino to noh!
Pagkababa ko sinita ko agad sila. Lumapit sila nang magkahawak kamay na akala mo haharap sa magulang. s**t sila na ba?! Tinanong ko si Janine, bakit ngayon lang sya umuwi, s**t! anong oras na kaya. Nag overtime daw sila at nagpresinta yung pangit na ihatid siya.
Kumain lang daw sila, eh mas nauna pa nga akong umuwi sa kanila eh. Tinanong ko kung sino sya puta! Nag- init ulo ko nung sinabi nyang girlfriend niya daw ang asawa ko! At yun tumba siya, hinatak ko si Janine at dinala ko sya sa likod ko.
At sinabihan ko yung unggoy na layuan niya ang asawa ko, gago amputch! ang sagot ba naman sakin hindi daw, Lalo na kung ako ang nagsabi. Eh ang angas pala nitong gago na to eh!
Susugurin ko na siya nang nagulat ako sa ginawa ni Janine. Pinigilan nya ko at humarang sya dun sa pangit na yun! At may sinabi sya na nakapag panghina sakin na pagod na daw siya na mahalin ako. Hindi ko na maintindihan ang iba dahil para akong nalungkot at nasaktan.
Lumapit sakin yung pangit at pinigilan ni Janine tapos bumulong yung Jerome kay Janine at hinayaan na lang ni Janine na lumapit sakin.
"Pre, sulitin mo na ang araw mo na nandyan si Janine sa mansion mo. Dahil magiging akin na sya." Natulala ako dun. Ano ba dapat kong gawin? Bakit ako ganito? Umalis na siya nang nang aasar ang mga titig sakin at si Janine pumasok na sa loob na hindi man Lang ako tiningnan.
" What's wrong with you Luc? What is the meaning of that? Yung kanina bat ka nagkaganon sa kanila, dapat nga maging masaya ka dahil mawawala na sa buhay mo ang babae na yun. In love ka na ba kay Janine? Pano na ang plano? Si Jewel papano and yung promise mo sa kaniya?" Nakita niya pala ang lahat, hindi ko kasi siya napansin dahil masyado akong kinabahan o natakot sa nakita ko kay Janine. Hindi na ko sumagot at binalewala ang mga tanong niya dahil sa ngayon wala akong isasagot, maski ako aminado ako sa sarili kong gulong gulo na. Sumakay ako ng kotse ko at umalis na muna para mapag isa pupunta muna ko ng bar na malapit para magpalipas.
"Hi Luc! Long time no see ah! Simula nung kinasal ka lang, hindi ka na nagpupunta dito?" Sabi ng bar tender na suki namin dito.
Kasi simula nang kinasal kami ni Janine never na kong nag na night life, kahit cold ako sa kanya, I respect her pa rin naman, kapag gusto kong uminom sa bahay na lang o kapag gusto kong may kainuman barkada ko na lang ang pumupunta. Ewan ko ba? Gusto ko lang nasa bahay ako pagtapos ng work.
May tumabi saking babaeng sa tingin ko model pero nginitian ko lang yung babaeng bumati sakin wala kong interes sa mga ganyan.
"Scotch." Pagkabigay sakin ininom ko agad, bitin. Kaya humingi pa ko ng isa Nang iinumin ko na may humawak sa kamay ko.
"Selfish." Pag lingon ko si Vince kasama sila Diego and Nilo. Mga gago kong barkada pala to. Kulang pa kami ng isa si Jeric ilang taon nang nasa America para mag move on. Pero uuwi na yun soon dahil ikakasal na sya.
"Tss. daldal mo talaga Monteverde!" Inis kong sabi kay Nilo, nagtawanan silang tatlo. Kumuha kami Ng vip room para daw walang istorbo sabi ni Vince, masyado kasi tong introvert ayaw niya ng maingay.
"Bro, what happened?" sabi ni Diego sakin ng may pilyong ngiti. Ininom ko ang alak sa baso na hawak ko at saka nagsalin pa ulit.
"I don't know. " Tipid na sagot ko. Dahil hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito?
"Are you still In love and waiting to Jewel? " tanong ulit niya na parang gigisahin ako.
"Yeah syempre naman." Mabilis kong sagot dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko. He nodded at di na nagsalita pa.
" Eh si Janine? Why are you acting like jealous husband?" Napatingin ako kay Nilo, binalewala ko ang tanong nya at ininom ko lang ulit yung alak ko .
" Hindi mo alam ang sagot, diba?" seryosong sabi ni Vince na kapag talaga sya ang nagsasalita parang medyo nakakakaba. I nodded to him dahil hindi ko alam kung ano ba si Janine sakin.
"Naguguluhan ka Bro, pero you need to be a man. Choose the right decision para wala kang masaktan at Hindi ka din masaktan sa huli." Natahimik ako sa sinabi nya, papano ako pipili eh di ko nga alam kung bakit ako ganito?
" Kailangan maging fair ka Bro. If you still in love to Jewel hayaan mo na si Janine maging masaya kay Jerome." Pagkasabi ni Nilo nun bigla akong nakaramdam nang inis. Binagsak ko ang baso ko sa mesa.
" Bro I don't know kung ano ang nangyayari sakin. All I know as long as me and Janine are not annulled, she's mine and my wife. No one can steal my wife! " Seryoso kong sabi pero sila naman natatawa na lang, mga gago putcha! Panira ang mga to.
.
"Ano ang gusto mong mangyari?" Pagkatanong Ni Vince nun tumingin sila sakin nang may laman, I smirk.
.
" I fight for Janine, hindi ko hahayaang kunin nya ang asawa ko dahil hindi pa kami annulled ni Janine at kay Janine pakikisamahan ko sya nang mabuti hanggat na sakin pa sya." nagtawanan sila na pinaghahampas pa ang lamesa ni Diego at si Nilo naman ay kung makatulak tulak kay Vince.
"Selfish." Sabi ni Vince
"Crazy." Sabi ni Diego tumingin ako Kay Nilo.
"Sige Bro, mag salita ka double pay ka sakin!" Sabi ko kay Nilo. Lalong natawa silang tatlo.
"Tae mo Bro lakas mong mang black mail akala mo naman maganda magpasahod, pangkain lang naman ambag, libre ko pa minsan!" Binato ko siya ng yelo at mabilis nakaiwas ang gago.
" Basta bro we support you all the time kahit ambaho mo! " Ngumiti yung dalawa at nag thumbs up sakin kaya na relief ako dahil may mga kasangga ako.
"Tang Ina nakakamis yung gagong Jeric na Yun ah!" sabi ni Diego na pinakita pa ang picture ni Atty.
"Gago Kasi walang nagtatakip sa mga kagaguhan mo sa sarili mong bar! User friend ang putcha! " Natawa kaming lahat sa sinabi ni Nilo, nagsalita ang hindi! Si Diego kasi at si Nilo ang laging may mga ginagawang kagaguhan samin. Putcha ang sarap magka ganitong barkada na laging nanadyan para sayo at para suportahan ka.
"Thank you mga bro. " Sabi ko nang seryoso sa kanila sabay inom ng alak.
"Bro kelan ka pa naging cheesy? Yuck! " Sabi nang gagong Nilo habang may ka chat na isa siguro sa mga babae niya.
Hindi ko pa din alam kung bakit at kung ano ang rason ko bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon kay Janine. basta't alam ko kailangan ko lang syang ipaglaban Kay Jerome hangga't nasakin pa siya at ako pa din ang may karapatan pa din sa asawa ko, may the best man win!