Breakfast
Chapter 1
Agad akong nagising sa ring ng cellphone ko,kaya agad kong kinapa kapa sa side table para masagot ko agad ang tawag ng bestfriend kong si Cindy.
Alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Hiniling ko talaga ang favor na ito kahit labag sa loob niya.
Kailangang gisingin niya ako tuwing alas singko ng madaling araw bago siya umuwi sa bahay nila galing trabaho.
Isa kasi siyang call center kaya pagtapos niya sa work tatawagan niya ko, ayoko kasing umasa sa alarm clock, tulog mantika ako eh. Kapag narinig ko yung alarm i ooff ko lang tapos makakatulog na ulit ako.
Hindi katulad ni bes. Maasahan siya talaga, hindi nya ko tatantanan hangga't hindi ako nagigising at lalo na kapag inaantok pa ko.
Almost two years ko na tong pinapagawa sa kanya, pero kahit minsan hindi ko narinig na umangal o nagalit siya sakin. Minsan nga, ako pa ang nagsusungit sa kanya kasi mapang asar minsan, tsk.
"Hello,good morning Mrs. Samaniego. Kailangan nyo na pong bumangon sa kama para maligo agad! Syempre kailangan niyo pa pong ipagluto ang pinakamamahal nyong asawa na walang ginawa kundi sungitan kayo at alilain!" Eto na naman siya! Hindi ako maka singit ang haba kasi nang litanya na naman niya. Hindi siya nagrereklamo sa pinapagawa ko sa kaniya kundi sa pagsisilbi ko sa asawa ko.
"Oo, eto na gising na! Kausap mo na nga ako diba!?" May pagka sarcastic kong sagot, pano naman ayan na naman kami sa sermon niyang walang katapusan!
"Ah! Ganon ba?! Gising na po ba kayo?! Eh di wow! Eh di ok! Eh ikaw? Kelan ka gigising sa katotohanan at kamartiran mo?! Kasi isang araw, ikaw na ang ipapalit Sa rebulto ni Rizal sa Luneta dahil sa pagiging-" Inend ko na yung tawag nya kasi alam ko magtatagal na naman yung sermon nya sakin at wala na kong magagawa.
Hindi na siya nasanay, alam naman niyang kailangan ko tong gawin. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Lucas. Lahat gagawin ko para lang mahalin niya ko. Lalong lalo na ang mapatawad niya ko sa maling nagawa ko sa kanya at sa babaeng pinaka mamahal niya.
Natapos na din akong maligo at mag prepared ng breakfast ni Lucas. Dahil mamaya ay baba na din yun. Maaga kasing pumapasok yun sa trabaho, pero nagtataka ako minsan, ang aga niya palaging pumasok kami naman ang may ari ng kumpanya.
Baka pinapasok niya na din pati pagiging guard? Kidding! Masyado lang madaming ginagawa sa kumpanya kaya lagi siyang maaga pumasok. Sipag talaga ng asawa ko kaya mas lalo akong humahanga at mas lalo ko siyang minamahal.
May narinig na akong yabag nang lakad pababa ng hagdanan. Naku! siya na yan. Sana naman good mood sya ngayon. Wag sanang mag sungit na naman.
Pumunta ako agad sa hagdan para salubungin siya. Pagdating ko don, hays nakababa na pala siya. Ang bagal ko kasing maglakad eh!
"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya at nakangiti pa.
" Ano ang maganda sa morning kung nakikita palagi kita. " Matabang niyang sabi sakin na nakasimangot pa.
"And why are you here? Masiyado mong sinisira ang araw ko." Inis na inis niyang sabi sakin.
"Much better na bumalik ka na lang sa kwarto mo." Masungit niyang utos nang hindi man lang nakatingin sakin.
"Ahm, wait!" Masigla kong sabi sa kanya, nang tatangkain niyang umalis agad. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan at sumusuko ako.
" Nag luto ako ng breakfast for you, Sana naman kainin mo." Malambing kong hiling sa kanya. Pero narinig ko lang na nagmura sya. Kaya medyo nakaramdam ako ng takot pero kailangan hindi ako matinag, kaya ko to!
"And who told you na ipagluto ako?" Inis niyang sabi.
"K-Kasi tulog pa si Manang Lita, ayoko naman kasing distorbohin sila. Baka kasi napagod kahapon sa pag-uutos sa mga katulong natin dito sa mansyon." Pagpapaliwanag ko, madami talaga kasi kaming mga katulong. Sila ang nag luluto ng breakfast ng asawa ko kunyari. Kakuntsyaba ko kasi sila, kapag ako kasi ang nagluto ng food, hindi nya kakainin .
"Kaya nag presinta ako na, m-magluto." Nililihim ko na lang kaso ngayon, gusto ko lang kasing subukan.
Malay mo kainin niya yung luto ko na alam niyang gawa ko. Kasi ito yung araw na special sakin. Ito kasi yung araw na unang pagkikita at nakilala ko siya.
Flashback
3 yrs ago... At cafeteria
Magkasama kami ni Bes kumakain dito sa cafeteria. Break time naman kasi namin ngayon, dito na lang namin naisip kumakain kesa lumabas pa kami.
At eto daldal lang siya ng daldal na naman. grabe tong tao na to walang kapaguran sa pagsasalita.
"Bes grabe! ang pogi nung prof. natin kanina. Ang galing niyang magturo kaya tuloy inspired palagi ako mag-aral eh." Pumipikitpikit at kumikislap pa ang mga mata niya habang sinasabi niya yun. Lantod lang eh.
"Lahat naman magaling magturo, tch. Dun ka lang talaga nakikinig at nag papasikat kasi nga crush mo!" Naiinis kong sabi sa kanya ang dami kasing palusot eh. Hindi na lang aminin.
"Syempre naman! Ang sarap kayang mag-aral, kapag ganong mga mukha nakikita mo! Palibhasa kasi walang crush!" Pagduldulan ba sa mukha ko.
"Kaya ganyan bitter!" Ouch sa tenga ko pa talaga sumigaw. Grabe tong babae na to pati ako dinadamay sa kalandian nya. Eh Sa wala pa kong crush eh.
Bakit ba?! Required ba na dapat my crush ka kapag nasa school? Baliw din neto eh, Ayoko na lang magsalita nakakapagod eh.
"Naku! sinasabi ko sayo bes. Kapag nag ka crush ka. Baka hindi lang ito ang gawin mo! Baka mas matindi pa ang kabaliwan mo!" Hay! Naku! Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na para pumunta sa next subject ko. Hindi naman kami magkaklase sa ibang subject.
Hindi matatapos ang pang aasar nitong best friend ko, kaya sisibat na ko. Nagpaalam na ko at naglakad kahit tinatawag ako ni bes hindi ko na lang nilingon dirediretsto akong naglakad.
Nang bigla na lang may bumangga sakin.
Ouch! Ang sakit ng pwet ko dun ah!
Napaupo kasi ako putek! Sino ba tong nakabunggo sakin? Humanda to sakin?!
Hay! Hindi ko makita mukha niya dahil napayuko ako at napapikit sa sakit.
"Sorry Ms. Hindi ko sinasadya." Grabe hindi nya sinasadya eh ang sakit nun? Pano pa kung sinadya niya.
"Anong sorry? huh?! " Bigla akong napatingin sa kanya at medyo nawala ang galit ko.
"H-hi." Grabe sino tong mukang anghel na lalaki na to? Nasa langit na ba ko? Patay na na ba ko? Teka, napaupo lang naman ako ah?
Pero kung nasa langit na ko ayoko nang umalis dito, makasama ko lang siya. Ang ganda ng mga mata niya. Ang ilong niya ang ganda ng pagkatangos at ang labi niya ang pula parang ang sarap halikan.
"Ms! Ms! Are you okay? May masakit ba sayo? Kailangan ka bang dalhin sa clinic? Ms. magsalita ka?" Medyo kabado niyang tanong pero hindi ma absorb ng mga brain cells ko ang sinasabi niya.
Grabe ang ganda kasi ng boses niya. Nakatulala lang ako sa kaniya. Pero hindi ko maintindihan mga sinasabi nya, kasi sobrang naka focus lang ako sa napakagwapo nyang mukha.
"Ms!" Sigaw na niya kaya nagulat na lang bigla ako.
"Ang gwapo mo!" Bigla kong nasabi, nagulat kasi ako eh. Tumawa siya nang malakas.
"Ang dami ngang nagsasabi sakin nyan." Nakangiti nyang sabi at kumakamot ng ulo. Medyo mayabang din to eh. Pero nakakatuwa siyang tignan kahit may pagka mayabang.
"I'm Lucas Samaniego and you are?" Pakilala nya at sabay lahad ng kamay niya sakin. Habang nakatingin na parang inoobserbahan ang kilos ko.
"Ms?"
"H-Hi! I'm Janine Arenas." soon to be your wife charot! Kahit sa isip ko lang.
"Ahm. may masakit ba sayo, Ms.Janine?" tanong niyang may totoong pag-alala sa mukha.
"Don't worry, wala naman masyadong masakit sakin. Yung balakang ko lang pero okay na ko. Lalagyan ko lang ng hot compressed to mamaya pag-uwi ko sa bahay. Wag ka nang mag- alala." kunyaring sabi ko pero ang sakit talaga. Ayoko naman mag alala pa kasi siya.
"Ganon ba? Pasensya na talaga. Ito ang calling card ko, text me if may masakit sayo. Nagmamadali kasi ako eh. Sige alis na ko huh? Nice meeting you Janine." Nakangiting sabi nya at nagpaalam na siya.
"Nice meeting you too Lucas see you again. " Habol kong sigaw sa kaniya. Kahit gusto ko pa siyang kausap. Sana magkita kami ulit.
End of flash back
Nasa dining table na kami. Yes! Kakainin niya na rin tong hinanda ko. Agad kong nilagyan ng kape ang tasa niya. Yung plato niya nilagyan ko ng mga pakain.
Teka tubig nga pala! Nilagyan ko din ang baso nya. Masyado akong natataranta baka mamaya kasi mabilaukan to or mapaso, mainit pa naman ang kape.
Tinitingnan ko siya paminsan minsan. Para makita ko kung anong reaksyon niya habang inaayos ko ang mga pagkain. Pero poker face lang siya eh hay! Sasabay na nga lang ako. Sinisimulan na din naman nyang kumain, kaya kakain na din ako.
"What are you doing?" Napatayo ako agad nang nagsalita siya. Ang cold nang pagkatanong niya sakin. Ni hindi man lang ako tiningnan, sa pagkain lang siya nakatingin.
"Ahm, uupo at sasabay na sayo mag breakfast." Nakangiti kong alanganin sa kanya.
"Wag ka munang kumain. Call manang and all maids. Sumabay na sila saking lahat." Pag uutos niya, kung makautos din to eh wagas. Kung hindi ko lang mahal to.
"Ahm. Mamaya na lang siguro sila, pagtapos nating dalawang kumain." Hindi naman sa ayoko silang kasama mag breakfast. Ano kasi, first time tong nangyari na kumain siya ng luto ko. Kaya gusto ko siyang masolo. Sila naman ang lagi kong kasama kumain eh.
"s**t!" Nagulat ako sa sigaw niya.
"I said call them! Bingi ka ba?!" Padabog niyang nilapag ang kutsara na galit.
"O-okay sige t-tawagin ko na sila wag ka kang magalit. Ituloy mo lang yung pagkain mo huh?" Mahinahon kong sabi at agad kong tinawag yung tatlong maid at Si Manang.
Nandito na silang lahat sa lamesa. May isa pang bakanteng silya sa tabi ni Lucas, yes! ang galing talaga nila Manang. Alam nila kung san nila ko papapwestuhin, uupo na ko sa tabi ni Lucas nang biglang.
"Wait! Oops! I forgot tawagin mo din pala si Nilo dito." Ano bang trip nito at bakit lahat kami gusto niyang makasama sa pag aalmusal? Yung totoo hanggang ngayon na lang ba buhay nito? Wag naman po mamahalin pa ko nito!
"Sir ako na lang po ang tatawag." presinta nang isang kasambahay namin.
"No! stay there. Ipagpatuloy mo lang ang pagkain mo. Gusto ko na ang b***h ang tumawag. " Lagi na lang niya ko tinatawag nang ganon. Sobra ba galit nya sakin? Kaya pati pangalan ko ayaw niyang banggitin, tsk.
"Sige umupo ka na lang diyan. Ako na lang ang tatawag kay Nilo." Tumingin sakin si Manang nang may awang tingin at nginitian ko sya.
Natawag ko na din yung driver namin. "Nilo sit down. Sabayan mo na kaming kumain ng breakfast." Utos nya kay Nilo na driver namin. Ang hunk nitong driver na to.
"Okay, thank you Sir." Biglang umupo yung driver namin.Tumingin sakin ng may sarcastic na ngiti galit ba sakin to? Kasi kahit anong pagtrato ko sa kanya ng maganda ayaw nya pa din sakin.
"Iho, saan naman uupo si Janine?" Sabi niya kay Lucas at tumingin sakin si manang.
"Kung gusto mo Janine dito ka na lang sa upuan ko." sabi pa nya, umiling lang ako at sinenyasan ko sya na okay na ko.
"Okay, kapag umupo sya dyan papasok na ko sa office ko. Yun ba ang gusto mo b***h?" Nagkatinginan sila nung driver niya parehas pa silang ngumisi habang kumakain.
"Ahh, hindi Lucas kumain ka lang. I enjoy mo lang yang pagkain mo." sabi ko na lang para hindi siya umalis. Biglang sumabat yung driver.
"Oo nga naman Sir. Enjoyin nyo na to baka mamaya mawala ka na naman sa sarili mo. Baka anong meron dito sa almusal." Nang -asar pa eh. Kung lasunin ko kaya tong Nilo na to? Hayaan ko na nga lang at least kinain nya yung gawa ko. Ayaw niyang kinakain ang luto ko nakakatakot daw. Kasi dahil sa nangyari noon.
Flash back
Kailangan maging akin sya! Lahat gagawin ko para hindi matuloy ang kasal nila!
Pabalik balik kong lakad sa bahay namin. Hindi ko kakayanin kapag napunta siya sa iba. Narinig ko na ang sasakyan niya sa labas na pumarada. Lumabas ako para salubunginn siya.
"Lucas n-nandito ka na?!" Medyo kabado kong sabi sa kanya.
"Oo naman basta ikaw malakas ka kaya sakin. Oh, ano ba surprise mo?" Grabe ang ganda ng ngiti nya sakin.
"Ahh A-ano ginawan kita ng cake nag bake ako kanina dun t-tayo sa kusina." Pagpunta namin dun agad kong hiniwa ang cake at ibinigay sa kanya.
"Sarap naman nito. Ikaw talaga ang sarap mong mag bake." Habang Sarap na sarap siya sa pagkain ng cake. Ginawan ko agad siya ng tea at inilagay ko dun sa tea ang isang tablet ng ecstasy.
"Eto inumin mo muna baka mabulunan ka. Hinay hinay lang naman." Kinuha nya ang tsaa sakin at ininom nya na ito
"Sarap ahh pati nung tsaa the best ka talaga!". Ngumiti na lang ako kahit kabado ako lalabas muna ko para maalis yung kaba ko.
"S-sandali Lang" Biglang sabi nya.
End of flash back
"Go to your room . Mamaya ka na lang bumalik dito kapag nakaalis na ko. Naalibadbaran ako sa presensya mo eh kapag naalala ko lahat." Inis nyang sabi sakin agad na din akong umalis at pumasok sa kwarto ko kasi baka magalit pa sya sakin at mas lalong hindi niya na ko pansinin.
Ganon talaga sya sanay na ko kailangan kong patatagin ang dibdib ko dahil alam ko lahat nang ito ay may magandang mangyayari at mahal ko sya.