Bestfriend

1995 Words
Cindy POV Pagkatapos kong tawagan si Bes kanina umuwi muna ko para matulog. Mamaya din naman pupuntahan ko siya sa kanila. Dun ako kakain sa bahay nila at saka yayain ko siyang mag shopping. Malamang na bobored na yun at saka wala na kong magandang damit, nakakairita naman kung paulit ulit na lang tong suot ko. Siyempre magpapalibre ako sa kanya, galante pa naman si Bes sakin. Ewan ko ba sa bruhong asawa nun, bakit hindi sya kayang mahalin. Maganda naman si Bes, mabait pa. Hay! Naku kapag nabulag ka nga naman ng galit. Sa bagay mali naman talaga yung ginawa ni Bes sa kaniya eh. Pero talaga bang walang kapatawaran ang ginawa ni Janine kay Luc? For God's sakes! Ang tagal na nun nangyari, dalawang taon o tatlo ng taon niya na atang pinagdudusahan at pinagbabayaran yun sa poder ng asawa nya at sa mga baliw na disipulo ni Lucas. Naku! Kapag naiisip ko kalagayan ni Janine kumukulo ang tiyan ko sa galit! Kung ako kay Bes iniwan ko na yung dumuhong yun! tanga lang ang peg eh! Ahh! basta lagi lang ako nandito para kay bes kahit ano pa ang desisyon nya! Support lang ako always, ganon naman talaga ang magkaibigan diba? Pupungas pungas ako ng mga mata habang tinitingnan kung ano oras na sa wall clock. Nakatulog pala ako habang iniisip ang kalagayan ni Janine. Naku! Kailangan ko ng pumunta kay Bes, Mag-ayos muna ko ng sarili ko, ang dyosa ko pa naman! Baka mamaya nandiyan ang driver nilang mayabang aber damuhong yon walang kanerbiyos sa nararamdaman kakapalan ng mukha. Nasa loob na ko ng mansion nila Janine, kilala naman na ko ng mga tao dito kaya labas masok na din ako dito. Kaibigan ko din ang mga guard nila at mga kasambahay. Pwera lang talaga dun sa driver ng asawa niya. Abnormal kasi eh, pero matcho. Ay! hindi hindi pala. Tarantado kasi eh, pero gwapo. Ay ano ba yang iniisip ko! Basta bwisit talaga ako dun sa kakampi ng Lucas na yun. Papunta na ko sa room ni bes kasi malamang sa alamang nandun yun at kumakrayola ang peg ng reyna na naman. Biglang bumukas na ang pinto kahit di pa ako kumakatok. Ang nakangiting si Bes ang dumungaw sakin. Plastic din nito eh, nakuha pang ngumiti. Pero yung mga mata niya malungkot. Halatang halata, ako pa ba ang paglihiman niya eh , mugto mga mata niya. "Good morning Bes!" Bati niya nang naka fake smile at yumakap sakin nang mahigpit. Plastic talaga nito kakainis! Akala nya hindi ko alam na umiyak na naman sya. "Good morning din" Tipid kong sabi dahil medyo bwisit na naman ako sa asawa niya, ano to hobby nya na paiyakin at saktan ang damdamin ng bestfriend ko? Nang biglang may tumunog, hindi ko naman tiyan yun dahil kumain na ko kahit konti kaya tumingin ako sa kanya nang may laman. "Aah k-kasi wala kong g-gana eh! k-kaya h-hindi ako kumain nang breakfast kanina. D-diba alam mo naman na hindi ako mahilig kumain ng breakfast diba? Alam mo naman yun Bes." Nauutal niyang pagpapaliwanag magsisinungaling lang sakin buking na buking naman tumango na lang ako para wag siyang mapahiya . "Tara na dun tayo sa baba kain tayo, ako kasi nagugutom na eh." pagyaya ko sa kanya sabay hawak ko sa tiyan ko. Kunyari gutom na gutom ako para makakain na siya. Mahiyain kasi to magsabi ng totoong nararamdaman nya, simula nang may nagawa siyang pagkakamali dahil sa sobrang pagmamahal. "Sige,sige baba na tayo mag-aayos lang ako ng sarili ko. Tapos mag shopping tayo ipag shopping kita, wait mo lang ako dyan okay?" Sabi niya nang may sigla. Ang ganda ng room ni Bes kumpleto sa gamit mas malaki pa atah to sa tinutuluyan kong unit eh. Actually pag dating sa materyal na bagay hindi mo masasabing tinitipid siya ng asawa niya kasi bigay lahat ng luho niya, pero ewan ko lang kung galing pa din sa mommy ni Janine ang lahat ng ito. Napako ang tingin ko sa side table nya. Nandun yung pic naming apat magkakaibigan. Lahat kami dito nakangiti at masaya. Kung hindi lang dumating si Lucas eh sana ganyan padin kami ngayon. Tapos sa unan nakita ko nakalapag ang isang frame. Alam ko na to picture nila ni Luciper. "Bes, tapos na ko tara na!" Excited niyang pagyaya pero halata mo namang may mabigat na dinadala. "Okay, halika na." Sabi ko na lang sa kanya. Pero hinawakan nya ko sa kamay bigla kaya napalingon ako sa kaniya. "Thank you." Sabi niya nang may matamis na ngiti. Palagi na lang siyang nagpapasalamat sakin. Hindi naman dapat dahil ganon naman talaga ako. Sino sino pa bang magtutulungan kundi kaming magagandang nilalang lang jusme. Nasa kusina na kami at kumakain, pero bigla na lang siyang huminto sa pagkain. "Ahm. Bes gusto mo sa labas na lang tayo? Kung okay lang sayo, kasi ano eh? M-mas gusto kong kumain sa labas okay lang ba?" Sabi niya nang may ngiti sa mukha pero halatang halata na nasasaktan. "Oo naman, Basta ba libre mo eh." Biro ko para mawala ang lungkot niya. Natawa siya at mabilis tumango naman. Sabay hagis niya sakin ng susi ng kotse niya, para ako ang magdrive. Ibig sabihin nanghihina siya. Hindi nya kaya ang magdrive. Sinapo ko na lang yun at hindi na ko nagsalita alam ko na ang dapat kong gawin. Nandito na kami sa parking lot ng mall naghahanap ng mapaparadahan ng kotse. May nakita akong bakante agad ko na itong pinarada, nang may biglang nahagip ang mga mata ko. Kitang kita ko siya! May kasama ang asawa ni Bes, may kasamang babae. Mukhang masaya sila dahil sa itsura pa lang ni Lucas, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganon kasaya! Teka dapat nasa opisina to ah? Sabagay pag mamay ari naman nila yung kumpaniya. Pero mali pa din, may asawa siyang tao. Pasalamat siya kasama ko si Janine. Kung hindi naku, Nasugod ko na tong mga to! Pero teka lang kailangan hindi sila makita ni Bes. May mabigat na ngang nararamdaman eh madadagdagan pa. Pinuntahan ko agad siya na alam kong pababa na siya ng sasakyan. " Best halika dun tayo sa kabilang side dumaan. Halika na!" hinaltak ko agad siya para hindi nya makita ang dumuho nyang asawa at ang kirida atah nito. Hindi na sya nagsalita sumunod na lang sya sa sinabi ko. Pagdating namin sa loob humanap kami ng makakainan. Sa fast food na lang ang pinili namin at doon kami nag punta. Humahanap ako ng upuan namin at siya na daw ang mag oorder. Ang tagal ni bes nakahanap na ko't lahat wala pa din sya siguro mahaba ang pila. Oh! ayun natanaw ko na sya. Kinawayan ko sya para makita nya ko. Lumapit na sya sakin at may kasama pala syang mga crew. Hala ka! ang dami nyang inorder. " Ano tayo bibitayin?" Ganito to eh kapag problemado dinadaan sa pagkain. Tiningnan ko lang siya, sinimulan niya ng sumubo ng fries. " Kumain ka na lang, dami mong tanong. Nagpadeliver ako sa family mo nito magugustuhan to nila kuya at ate. Pati mga pamangkin mo matutuwa" Oh diba? ang bait nya. Pati pamilya ko iniintindi niya. Madami na sakin naitulong si Bes simula nang magkasakit ang papa ko at si mama. Siya ang nagpagamot hanggang sa mamatay ang mga magulang ko, tinulungan nya pa din kami nila kuya. Naghirap kasi kami dahil nabaon kami ng utang sa pamilya ni Lucas. Kaya ayun kinuha nya samin ang kumpanya at ang mga iba pa naming ari arian, lupet ni Lucas noh! Ganti nya daw sakin yun sa pagtulong ko kay Bes na pinagplanuhan sila ng pinakamamahal niyang babae. Natapos na din kaming kumain at nag shopping na din kami. Lahat ata ng kailangan ko binili nya pati mga kuya ko at saka mga pamangkin ko pinamili nya na. May isa pa kaming hindi napupuntahan sa videoke room kaya papunta kaming quantum kagaya nang nakagawian. Pagdating namin tumawag ako ng taga assist dun at inokopahan namin ang isang kwarto. Pag pasok namin sa loob pumunta sya sa harapan nag select ng song bigla. "Bakit nga ba mahal kita." favorite niya yan simula nang nag asawa siya. Sinimulan nya nang kumanta. Maganda boses ni Bes kaso garalgal lagi kapag kinakanta nya yan. Kasi parang naiiyak na sya. Natapos niya na ang kanta tumigil syang nakayuko at malungkot. Alam kong ilalabas nya na ang nararamdaman niya ngayong araw na sakit, kaya lumapit na ko sa kanya. Para yakapin siya at iparamdam na nandito lang ako. Kaya niyakap ko na siya ng mahigpit at dun na sya humagulgol ng iyak. Sana lahat ng nangyayari sayo Bes may magandang kahihinatnan. Hindi mo deserve ang lahat ng ito kahit na May mali ka pang nagawa. Magbunga sana ng maganda lahat ng sakit na nararamdaman mo, kahit hindi sa piling ni Lucas. Sana may taong handang mahalin ka at kayang ibalik lahat ng binibigay mong pag mamahal. Janine PoV Kanina pa ko naghihintay kay Bes dito sa kwarto ko. Anytime kasi dadating na yon. Nagugutom na ko pero ayokong ipakita sa kaniya at ayokong malaman niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon, magagalit na naman yun eh. Lalabas muna ko para maayos ang kakainin namin mamaya. Pag bukas ko agad bumungad sakin ang magandang mukha ni Cindy pero ramdam ko ang pag alala sa mukha niya, binati ko agad siya at hindi ko pinahalata sa kanya na malungkot ako. Pinilit kong ngumiti kaso biglang tumunog at kumulo naman ang tiyan ko. Grabe tong tiyan ko hindi marunong makisama kaya ayun nagpaliwanag ako kung bakit gutom ako. Buti na lang hindi nya ko kinagalitan niyaya niya kong kumain sa baba nag-ayos muna ko ng sarili ko para naman medyo maginhawa ang pakiramdam ko. Paglabas ko nakita ko siya nakatingin sa picture naming apat. Siguro nalulungkot din sya kagaya ko na nanghihinayang sa samahan naming magkakaibigan. Kasalanan ko to lahat eh. Kaya pati friendship naming apat nawala dahil sa pagiging selfish ko. Niyaya ko na agad siya sa baba kasi nakita nya yung picture namin ni Lucas baka mang asar na naman pero nagtaka ako hindi niya ko inokray. Niyaya ko siyang kumain kami sa mall dahil pag naalala ko yung kanina nasasaktan ako. Nasa parking lot na kami nang may nakita akong kotse na pamilyar sakin, kilala ko kung sino ang may ari ng kotse, kay Lucas yun hindi ako pwedeng magkamali. May kasama siyang babae at nakita ko syang nakangiti, napakasaya ng mukha niya. Pero bakit sakin hindi ko man lang sya nakitang ngumiti o kahit tumingin man lang. Binalewala ko na lang, kasi baka makita ni Bes. Alam mo naman yan war freak. Pagbaba ko nabigla ko kay Bes niyaya niya ko sa ibang entrance. Malamang nakita nya na din, Hindi nya na lang sinabi sakin. Natapos na din kaming kumain at mag shopping pinamili ko si Best lahat ng needs nya pati ang family niya. Malaki kasalanan ko kay Bes at sa pamilya nila. Kundi dahil sa ginawa kong pakakamali kay Lucas hindi mangyayari sa kanila ang maghirap. Nagyaya si Bes mag videoke alam niya kasing dito ako makakapaglabas ng hinanakit. Wala kasi makakarinig kung umiyak man ako dito sounds proof kasi dito. Ayun nag select na ko ng kanta at kumanta na ko. Naalala ko kanina lahat nang nangyari simula sa breakfast hanggang dun sa parking lot. Natapos na akong kumanta, bigla akong napayuko sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Biglang may yumakap sakin at dun na ko simulang humagulgol. Dahil alam kong nandito yung taong hindi ako iiwanan sa kahit anong gawin ko, mali man o tama. Sa kahit anong ka praningan ko, nandyan sya palagi. Sa lahat nang mahahalagang pangyayari ng buhay ko. Salamat Lord kasi kahit nawala na sakin lahat nang nagmamahal sakin may binigay ka naman. Sana hindi siya magsawang samahan ako sa lahat kahit na may sarili syang problemang dinadala. Sana palaging nandito pa rin sya sa tabi ko, salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD