Janine POV
Nakauwi na rin ako sa bahay, kahit papano nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko kahit alam kong nakabalik na naman ako sa bahay namin na magpapabigat ng puso ko.
Ako na ang naghatid kay Bes sa bahay nila. Doon na lang din ako kumain, tutal naman pag dating ko dito sa mansion wala akong kasabay kumain kundi ang mga kasambahay lang namin at kapag mautusan niya pang wag akong pakisamahan walang papansin sakin dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho.
Pag ganitong araw din kasi busy ang mga kasama namin dahil sa daming event na ginaganap sa partido nila Lucas na minsan hindi man lang ako nagawang makadalo.
Pagpark ko ng kotse, nagtaka ako na may isang kotse na hindi ko alam kung kanino, madaming kotse si Luc pero hindi yon mag kokotse ng lavander. Sa pag pasok ko pa lang sa gate halatang nagulat o natatakot ang guard nang nakita niya kong dumating. Anong nakakagulat dun eh dito ako nakatira?
"Manong." Tawag ko sa isang guard at mabilis naman siyang lumapit sakin na may pag galang.
"Good evening po mam, May kailangan po kayo?" Kabado niyang tanong sakin. Ngumiti naman ako sa magalang nyang pagbati
"Kaninong kotse po yan?" Sabay turo ko sa kotse na nasa unahan pa naka park.
"Mam bisita po ni Sir, kaibigan nya po siguro." Kakamot kamot niyang paliwanag, tumango na lang ako at saka tuluyan ng bumaba para pumasok sa loob.
"Sige manong, pasok na po ako. Thank you po." Binigay ko sa kaniya ang susi ng kotse ko para ayusin niya ang kotse ko sa tamang lugar kung saan ako nagpa park.
" Sige po mam. Tawagin nyo lang po kami kung may kailangan pa po kayo." Tumango ako pagkasabi niya at sumaludo lang siya.
Pumasok na ko sa loob, masyadong maliwanag ata ang mansion. Narinig ko si Lucas at ang malakas nilang tawanan sa dining room. Siguro kausap niya ang mga kaibigan niya.
Masarap din naman sa pakiramdam na minsan nalalaman kong nagsasaya ang asawa ko, masakit man na hindi sa akin pero kahit sa iba basta masaya siya. Lumapit ako para marinig ko kahit konti ang pinag-uusapan nila. Narinig kong nagsalita ang asawa ko na sobra ang tawa.
"Hanggang ngayon, makulit pa din kayo pag magkasama." Natatawa talaga si Luc base sa tono ng boses niya, nakakatuwa. Sino kaya yung kausap nya, sila Nilo kaya?
"Of course, Alam mo bang miss na namin ang luto mo. " Sabi ng kausap niya masarap nga si Luc magluto. Nakakamis talaga ang luto niya. Babae pala ang kausap nya sino kaya yun? Pero parang pamilyar sakin ang boses, parang narinig ko na.
" By the way are you still sweet, kind and generous sa mga humahanga sayo? Kaya ka napipikot eh." Sabi ng kausap nya, na parang inaasar siya. Ako ba ng tinutukoy niyang namikot kay Lucas?
"Shut up!" Medyo inis na sabi ni Luc. Totoo ang sinsabi niya na mabait at malambing talaga ang asawa ko kaya nga madali akong napamahal sa kaniya eh.
Flashback
"Hey! ano yang papel sa kamay mo? Hindi ka din mapakali diyan." Sabi sakin ni Cindy. Kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa cellphone ko. Nag iisip kasi ako kung tatawagan ko ba si Lucas o hindi. Nakakahiya naman kasi eh.
"Bes! Naalala mo nung, nagpadala ako sayo. Nung nakaraan sa clinic?" Kumunot ang noo niya parang iniisip ang nangyari.
"Yup! yung nalaglag ka sa stair dahil sa katangahan mo!" Sabay tawa at hampas niya sa mesa ng malakas, baliw na to. Natatawa pa din hanggang ngayon pag naalala niya daw ang itsura kong di makaupo.
"Hindi kasi totoo yung dahilan ng pagsakit ng balakang ko." pag-amin ko sa kanya. Biglang nagulat ang mukha nya nang may kasamang pagtatanong.
"Don't tell me pati ako niloloko mo na? Para mag cheated ka lang sa klase gumawa ka nang kaartehan. And worse dinamay mo pa ko. Halos magworry ako sayo nung tumawag ka sa phone. Halos liparin ko yung daan papunta sayo tap-"Tinakpan ko na ang bibig nya, hindi ako makasingit eh napaka daldal.
"Sandali! Sandali! nga. Patapusin mo muna kasi ako pwede?" Inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya.
"Hindi totoong nalaglag ako okay? Hep! wag ka munang magsasalita." Nung magtatangka siyang magsalita. Hinarang ko na yung kamay ko para hindi na siya makapagsalita pa baka kasi kung ano ano pa masabi niya.
" Totoong masakit ang balakang ko. Diba nga nagkasakit pa ko nung gabi. Tapos nakita mong parang nagkaroon pa ko ng pasa. " Tumango sya at naghihintay nang paliwanag ko.
"Kasi ang totoo niyan nabangga ako ng isang lalaki. Tapos binigay niya sakin tong calling card nya. I txt ko daw sya, if i need him or kung ano na ang nagyari sakin." Pagpapaliwanag ko seryoso lang siyang nakikinig sakin.
" Eh? Bakit hindi siya yung tinawagan mo nung nakaraan pa? At bakit mo ba pinoproblema hanggang ngayon yan? Don't tell me hihingan mo ng pera yang lalaki? Okay ka na diba? At mayaman kayo, hoy!" Natatawa talaga ko dito kay Bes daming naiisip eh.
"Hindi yun ang pakay ko sa kanya. Gusto kong tawagan siya, kasi gusto ko ulit siyang makita." parang nagtaka sya sa mga binitiwan kong salita at hindi maintindihan ang ibig kong sabihin.
"Bakit gusto mo siyang makita?" Pagtatanong nya ng may laman ang mga tingin.
"May dapat ba kong malaman bes?" Singkit niyang mata habang nagtatanong sakin at nakapamewang pa.
"Bes ito na ata yung crush, na sinasabi mo eh. Tinamaan talaga ako! " Confess ko sa kaniya. Dahil isa siya sa mapagkakatiwalaan ko. Biglang natulala sya at napasigaw.
"Yehey! Tao ka na Bes! Akala ko alien ka eh! o kaya isa kang bato! " Baliw talaga to lakas ng trip nito sa katawan.
"Ilang araw ko na syang naiisip eh. Ano tatawagan ko na ba huh?" Natawa siya, nahiya naman ako bigla. Ganito pala ang feeling ng may crush.
"Syempre para naman makilala ko sya noh? Minsan ka na nga lang magka crush eh tipirin mo pa ang sarili mo!" Tuwang tuwa niyang sabi sakin at pagpapalakas loob din nya.
"Hindi ba nakakahiya Bes? Kung tatawag ako sa kanya. First move ako kapag ganon!" Hiyang tanong ko kay Bes. Dahil gusto ko talaga siyang makausap.
"Hindi noh! Bakit sasabihin mo na ba, crush mo sya?" Umiling ako agad, tumango sya at hinawakan ako sa balikat.
"Oh yun, naman pala eh. Makikipagkaibigan ka pa lang naman. Pwera na lang kung gusto mo na talaga sya?" sabi nya habang tumatawa sakin at napansin kong nae-excite siya.
Tama nga naman siya walang masama sa gagawin ko. Mabilis kong dinial ang cellphone ko at nag ring naman ang kabilang linya.
"Hello? Hello who's calling?" Dinig ko sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan na may sumagot na boses lalaki.
"Hello, ahm. I'm Janine Arenas, your Lucas right?" Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Ahh yes ako nga. How May i help you Ms. Janine?" Maayos at magalang na pagtatanong nya sakin.
"Ahm, hindi mo na ba ko natatandaan ang name ko? Yung nakabangga mo. Yung binigyan mo ng calling card." Ang bilis naman nyang makalimot agad tsk. Hindi ba ko maganda sa paningin niya.
"Ahm I'm sorry kung nkalimutan ko agad. Stress kasi lately eh, may masakit pa ba sayo?" Sobrang busy ba siya para makalimutan nya agad ako? Grabe naman umasa pa naman ako.
"Okay lang tumawag kasi ako, para makipagkaibigan sayo. Kung okay lang sayo?" Nahihiya Kong tanong sa kanya. Biglang natawa siya sa kabilang linya.
"Oo naman. Its my pleasure. If you want, pwede kang maki join dito samin sa mall, kasama ng mga friends ko." Sabay aya niya sakin nakaramdam ako ng tuwa sa katawan.
"Sure! Pwede bang isama ko yung Bestfriend ko pumunta dyan?" Sana pumayag sya para naman may kasama ako sa pag-uwi.
"Why not. Mas better nga na may kasama ka. Para hindi ka masyadong ma- op, kapag kasama mo kami. " Buti pumayag sya sa sinabi ko ang bait naman niya.
"Bakit? Kung hindi ko kasama si Bes pababayaan mo lang ako maging op , ganon?" Pagtatampo ko kunyari. Tumawa sya sa kabilang linya bigla.
"Syempre hindi. Kung kasama mo ko aalagaan at pasasayahin kita." malambing nyang sabi nakakakilig naman
"Hmm, Good naman pala! Okay saka sabi mo eh. Sige punta na kami dyan. I txt mo ko kung saan Mall yan and tatawag ako pag nasa parking lot na kami." Sabi kong excited sa kanya.
Tinxt nya na nga sakin kung saan sila ng mga kaibigan niya. Agad kaming pumunta ni Cindy, nakikala namin ang mga kaibigan nya at ang babait nilang lahat.
Three months nang maging official na kami. Pero bilang friends lang naman yon. Pero kasi para sakin iba eh. Parang m.u. na kami ganon.
Kasi minsan magkasama kami. Mag ka txt kami palaging nagkakamustahan, kung ano ang ginagawa namin sa araw araw. As in walang palya!
Kung minsan naman namamasyal kami. Kapag malungkot ako at naaalala ko si mommy he always there for me, para patawanin ako. He care for me. Kulang na nga lang yung salitang 'I love you' eh para maging kami na. I mean ligawan muna niya ko.
Napagplanuhan namin na magkita ngayon at hinihintay ko si Luc dito sa labas ng school ng may nagsalita. Si Cindy lang pala.
"Bes, anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin na nagtataka.
"Hinihintay ko si Luc kasi sabi niya mamasyal muna kami mamaya may sasabihin din ako sa kanya. " Pag amin ko kay bes kasi hindi naman ako makakapag sinungaling dyan eh tumango lang siya sakin.
"Okay parang alam ko na yan sige good luck! uwi Na ko huh?" Ngumiti ako sa kanya at nakipag apir pa nga siya.
"Okay sige ingat ka huh txt kita mamaya!" At nag thumbs up lang sya at umalis na.
Nakita ko na si Lucas sa labas ng gate sakay ng motor nya bigla akong lumapit sa kanya.
"Oh? Nandito ka na pala, bilis ah." Nakangiting sabi nya skin.
"Kanina pa nga eh." sabi ko sabay simangot ko kunyari sa kanya.
"Sorry na Janine. Don't mad at me please." Pagmamakaawa nya kunyari natatawa talaga ako kapag ganyan siya.
"Okay, okay sige na! Joke ko lang yun noh! Okay lang ako na maghintay basta para sayo." Cheesy ko masyado umay na ba? Natawa sya bigla sa sinabi ko.
"Ahm. Diyan ba tayo sasakay? " Turo ko sa sa dala niyang motor, may isa pa kasing helmet na pink sa likod nya.
"Ahm. Hindi hinihintay ko lang si Nilo na dumating para ihatid ka na lang muna. May lakad kasi ako ngayon eh. Pasensya na huh?" Bigla naman akong nalungkot. Kasi lagi syang busy this past three days.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Kakain muna tayo bago kita ipahatid, para wag ka nang magtampo. Smile ka na dyan." Sabay ngiti nya. Bakit ganon, hindi ko sya matiis lalo na kapag ngumiti na siya.
"Okay sige na nga, basta huh? next time ihahatid mo na ko!" Nag two thumbs up sya sakin at tinap ako sa ulo.
" Promise." ngiti na naman niya na nakakatunaw, kaya ayun wala na naman akong palag.
"Oh! pano sakay na ko dyan?" Bigla syang na alarma atah sa sinabi ko bakit kaya?
"Ahm, Janine no! Hintayin natin si Nilo para sya ang mag drive sayo papunta dun sa resto. Hindi kasi ako nag aangkas ng babae sa motor ko eh." Bakit? ginto ba yang motor nyang yan? Saka para san pa at dinala niya dito yan, para ipakita lang sakin.
" Eh bakit may pink kang helmet?" Pagtatanong ko sa kanya kasi nagtaka talaga din ako dun.
"Because nasa rules ng barkada namin yan?" Huh!? ano naman yun? Hindi kaya bakla silang lima!
" Ano ba talaga kayong magbabarkada? Siguro kayo yung samahan ng pilintik ang mga daliri noh?" Bigla syang natawa sa sinabi ko.
"Hindi, nasa rules lang talaga namin yan." Lima kasi silang magbabarkada mayayaman silang lahat.
Mga anak sila lahat ng mga bigating negosyante sa loob at labas ng bansa.Tinaguriang silang mga Diamond Prince's sana maging diamond princess ako ni Lucas. nakilala ko na silang lahat eh.
Mababait at mga gwapo talaga sila na may iba't ibang ugali. Si Vince parang siya yung sa tingin ko pinaka mahal ang pera at sa lahat tipid siyang ngumiti o makipag usap, simpleng tango lang ganon okay na siya, para siyang loner.
Si Lucas yata isa din sa parang negosyante sya yung matalino sa lahat tapos maunuwain at palangiti sa kahit kanino.
Si Diego siya yung playboy sa lahat. Pero sabi niya faithful daw siya sa girlfriend niya. Best buddy nya ang kahit sino. Ang pinaka misteryoso sa kanila si Jeric ang romantic sa girlfriend niya kaya yun.
Mga anak mayayaman sila pero teka May isa pa pala pero bakit si Nilo kasali sa kanila eh mahirap lang yun kahit gwapo, dahil driver ba siya ni Lucas. Parang working student atah sya pagkakaalam ko. Ahh basta gusto ko si Lucas yun ang mahalaga.
"Bakit tulala ka dyan?" Tanong nya na kinagulat ko.
" Iniisip ko din kasi kung may pa free parlor kayo o kaya naman pink ang mga briefs nyo o kung brief nga ba ang suot nyo?" loko kong sabi. Biglang humaglapak ang tawa nya nang malakas.
"Maloko ka talaga!" at parehas kaming tawa nang tawa, sana lagi kaming ganito.
Dumating na kami sa restaurant. Habang kumakain, Tumingin ako sa kanya.
" May problema ka ba? Kanina ka pa hindi mapakali eh." Tanong nya sakin na Naka kumot ang noo.
"Ahm. May tatanungin ako sayo, may girl friend ka na ba?" Napatingin siya sakin na naguguluhan pero nakangiti pa din.
"Bakit mo natanong kung meron akong girlfriend? Wala eh. Pero nagugustuhan meron." Ngiti niyang sabi sakin sabay subo ng steak.
"Kilala ko ba?" tinanong ko agad kinabahan ako eh.
"Yup, kilalang kilala!" Huh? kilala ko? Hindi kaya si Bes o ako kaya yun.
"Si Best ba Lucas?" Natawa sya nang malakas sa sinabi ko.
"Hindi noh, makikilala mo rin sya malay mo ikaw pala yun!" Nagulat ako sa sinabi nya napainom ako bigla.
" Joke lang! Namutla ka na dyan. Sige na bilisan mo na dyang kumain. " Medyo napahiya ako. Sa sarili ko lang naman. Nagtawanan kaming dalawa kahit sakin medyo kaba talaga.
end of flashback
Ang saya talaga namin noon. Kailan ba mangyayari ulit lahat nang yun. Sana bumalik ang panahon na yun para maayos ang maling nagawa ko noon.
Hindi ko namalayan na meron na palang nakatanaw sa akin, Nagulat ako kung sino ang nasa harapan ko.
"Luc, your b***h wife is here." Naka evil smile siya nagulat ako dahil ang babaeng yun ay si Sophia.
Nanginig ako bigla sa takot alam kong galit sya sakin at hindi nya ko mapapatawad.