Janine POV
Nagising ulit ako ng maaga dahil sa tawag ni Best. At katulad ng dati ginawan ko pa din ng almusal si Lucas. Pero hindi ko na sila hinintay na bumaba pa. Umalis na agad ako ng bahay, gusto ko munang umalis pansamantala, kahit ilang oras lang. Ayoko muna nang gulo, kaya ako na lang iiwas.
Dalawang araw nang nakatira samin si Sophia wala daw siyang mauuwian dito sa Pilipinas, ayaw naman daw niyang mag book sa hotel, ayos lang naman din kasi sa asawa ko at siya din pala ang nag offer na mag stay dito samin.
Ayoko man pero wala akong magagawa, sino ba naman ako? Di hamak na asawa lang ako sa papel pero sa puso hindi, hindi kailanman. Para hindi magalit sakin ang asawa ko at tuluyan akong kasuklaman, kailangan ko lang ay manahimik at sumang ayon sa lahat ng gusto niya.
Papunta ako sa mommy ko ngayon may sasabihin daw siya sakin na mahalagang bagay. Ayokong makita niya kong mukhang miserable kaya dumaan muna ko ng parlor para medyo maayos akong tingnan kapag nagkita kami ni mommy.
Hanggang ngayon di ko maintindihan ang nararamdaman ko, halo halong takot, awa at konsensya para sa asawa ko. Sobra ang bigat ng dibdib ko, kapag naalala ko nung gabing nagkita ulit kami ni Sophia at sa masamang pangyayari ng gabing yon sobrang sariwa sa puso ko lahat ng sinabi at panglalait sakin ng babaeng yon at ng aking pinakamamahal na asawa.
Flashback 2 days before
Pagkatapos akong tawaging b***h ng babaeng yun umaasa ako na ipagtatanggol ako ng asawa ko, siguro naman kahit papano pinapahalagahan niya pa din ako.
"Luc, napakaganda ng asawa mo, right?" Napatingin si Lucas kay Sophia nang matabang at ibinalik ang tingin sa alak na umiling iling.
"Yeah, She's beautiful." Bigla akong nagulat at napangiti sa sinabi niya, ngayon ko lang ulit narinig na tinawag niya kong maganda.
"Kapag siguro painumin niya ulit ako ng ka sumpa sumpang gamot na yon." Bigla akong nakonsensya at nalungkot sa sinabi niya, dahil bakas sa mga mata niya ang galit, takot at syempre ang kawalan ng pag asa.
Nakita kong bigla niyang ininom ang baso niyang may laman ng alak. Mapait na ngumiti habang nakatingin kay Sophia. Nakita kong nalungkot ang mukha ni Sophia na basa ang kanyang mga mata. Siguro naawa siya kay Lucas.
Ako lang ba ang hindi naawa sa asawa ko? Pinipigilan ko ang umiyak sa harapan nila, kaya umalis na lang ako at pumasok na lang sa kwarto ko.
Naalipungatan ako at napabangon, kasi may naririnig akong nagbabasag nang kung ano ano sa baba. Nakatulog pala ako kanina nang masama ang loob at umiiyak.
Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba para tingnan ang nangyayari baka may masamang pumasok dito sa bahay, saka sinaktan ang asawa ko.
Pero narinig kong sumisigaw si Lucas kaya mas mabilis akong bumaba. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa aking relo alas dos na pala ng madaling araw.
Bakit kaya nagsisigaw to? Anog nangyari sa kaniya? Pagkababa ko pumunta agad ako sa dining area nakita ko ang daming basag na bote, mga nagkalat ang ibang mga gamit galing sa kusina lahat pa nang ito ay mga babasagin. Meron pang mga figurine na mamahalin ang sobrang basag.
.
Nakita ko si Sophia na pinipigilan si Lucas sa ginagawa nya na pagwawala, pero walang magawa si Sophia para kay Lucas.
" Ano nangyayari dito?" Napatingin sakin si Sophia ng matalim, lumapit siya bigla sa akin at saka sinampal niya ako ng ubod ng lakas natulala ako sa ginawa niya. Bakit nya ko sinampal? Wala akong ideya sa nagawa ko sa kaniya pero bakit niya ko sinampal?
"Ikaw b***h ka, dahil sayo kaya siya nagkakaganyan! Kasalanan mo tong lahat! Wala kang kwentang tao! " Bakit ako? Anong ginawa ko?
Nakita ko si Lucas na nakaupo na, mukhang nahimasmasan na, ang malungkot at pagod na mukha niya ay bakas na bakas ngayon.
Nakapayukom ang mga kamay na tumingin sakin ng malamig. Pero nag iba bigla ang mga tingin niya sakin nakakatakot na parang hindi niya na ko kilala, at tingin niya sakin ay isang kaaway.
Lumapit sya sakin nang mabilis, sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko namalayan na hawak na pala niya ko sa aking leeg. Sa lakas niya at sa sobrang galit niya di kinaya ng katawan ko ang pwersa niya kaya napasandal ako sa pader. Sinasakal niya ko Unti unting nahihirapan na kong makahinga. Inaalis ko ang kamay niya dahil nahihirapan na ko pero ang lakas niya.
"Walanghiya ka dahil sayo nasira ang buhay ko! Dapat sayo mamatay! Dapat sayo nasa impyerno ng babae ka! WLA kang puso! " Hindi na ko makahinga narinig ko si Sophia na umaawat.
"Luc, bitiwan mo sya! Lalo ka lang mahihirapan. Masisira lalo ang buhay mo pag ginawa mo yan! Wag mong hayaan na sirain nya ulit ang buhay mo! Wag mong dungisan ang kamay mo para lang sa maduming babae na yan! Luc listen to me, please!" Hawak ni Sophia ang mga kamay ni Lucas, ramdam ko na lumuwag ang pagkakahawak sakin ni Lucas at agad binitiwan ako ni Lucas nang mas lalo pang nagmakaawa si Sophia para pakawalan ako, buti nakinig sya kay Sophia.
Ubo ako nang ubo dahil hinahabol ko ang aking paghinga, naramdaman kong umiiyak at nanginginig ako sa takot. Sobra ba talaga ginawa ko sa kanya kaya papatayin niya na ko?
Bigla siyang sumigaw at sinuntok ng dalawang beses ang pader sa gilid ng mukha ko na kinagulat ni Sophia. Mas lalong nakaramdam ako nang sobrang takot sa ginawa niya, kaya napahagulgol na ako nang sobrang lakas.
Biglang napaupo ako nang di ko kinaya ang tensyon at aking mga kamay ay nakahawak lang sa dibdib ko. Sobra akong nanghihina sa nangyayari.
Napaupo din si Lucas sa harapan ko na nakaramdam din siguro nang panghihina, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa kaniya sa ngayon, kasi ang alam ko lang puro takot at dismaya ang nasa puso ko. Pinakalma ko ang sarili ko maging silang dalawa, tahimik na ang lahat, lumayo sakin si Luc at na upo siya sa isang sulok.
"Ano ang dapat kong gawin? P-para mapatawad mo lang ako." Tanong ko sa kaniya habang may pumapatak na luha sa aking mga mata.
"Talaga bang sobra na ang galit mo sakin kaya muntikan mo na kong mapatay? Wala na bang kapatawaran? " Hagulgol kong pagsasalita sa kaniya nang nakatingin, dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.
"Ikakasal na sya sa iba." Mapait niyang salita napangisi pero biglang pumikit siya na parang pinapalala ulit ang sarili.
"Hindi na niya ko nagawang hintayin? Sinabi ko naman babalik kami sa dati. Yung dating kami, na maayos at masaya. Parehas lang naman kaming nahihirapan, mas mahirap pa nga sakin dahil kasama ko ang babaeng sumira samin! " Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makitang halos kamuhian niya ako.
Talaga pa lang ayaw nya sakin at balak nya na kong hiwalayan. Maiiwan ako sa ere mag isa at sila na ang magiging masaya. Pero sana man lang sinubukan niya yung pagsasama muna namin ng maayos baka may pag asa pa
"Hindi mo ba talaga ko kayang mahalin kahit konti lang? Kasi ako mahal na mahal kita nang sobra sobra. Kaya ko lang naman yun nagawa dahil mahal kita eh." Bigla syang tumawa nang malakas at nakakatuya pero may pait sa bawat halakhak niya.
"Liar. Wag mong sasabihin na mahal mo ko! Dahil kahit kailan hindi mo alam amg salitang yon! " Galit na galit niyang sabi sakin.
"Ano bang klaseng alam mong pagmamahal huh? b***h!" Sabay turo niya sakin na balak akong lapitan pero mas pinili niya na ang siguro na lumayo pa.
"Ang pahirapan ang taong mahal mo? Saktan ang taong mahal mo!? Dun ka ba masaya?! "Malakas nyang sigaw sakin. Nilapitan nya ulit ako ko kaya muling bumalik ang takot ko sa kaniya, dinuro nya ang noo ko.
"Hindi mo ko mahal! Dahil kapag mahal mo ang isang tao kaya mong isakripisyo ang kaligayahan mo para maging maligaya siya." Mariin niyang sabi sakin.
"Hindi mo ko minahal dahil kung talagang minahal mo ko hinayaan mo kong maging masaya. Pero hindi mo ginawa dahil sakim ka! Ayun ba ang tawag mong pag-mamahal?" Malungkot nyang salita.
"Selfish ka!" Agad siyang umalis sa harapan ko. Umiyak ulit ako pag-alis nya. Lumapit sakin si Sophia na hinawakan ang kamay ko at binigyan ako ng tubig. Pero malamig ang tingin nya sakin.
"Bumitaw ka na dadating na siya." Yun ang huling sinabi nya sakin at umalis na. Tulala lang ako sa nangyari, ano na ang gagawin ko.
End of flashback
Sobrang sakit ang nararamdaman ko kapag naalala ko ang mga sinabi nila at sa kauna unahang beses akong nasaktan ng asawa ko, lahat nang nangyari nang gabing yon napakasakit. Sobrang bigat sa puso at lalo na para kong pinapatay sa konsensya.
Nasa garahe na ko nila mommy pero hindi muna ko bumaba ng sasakyan, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin, hindi naman siguro halatang may nangyari saking hindi maganda.
Pagbaba ko si mom nag aabang na pala at hinihintay ako sa pinto. Nakangiti siya sakin at kitang kita ko sa mga mata niya ang awa habang pinagmamasdan akong palapit sa kanya, pero nabigla ako ng lumapit siya bigla sakin na parang gusto ako agad mahawakan.
"Hi mom!" Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Naramdaman ko ang comfort sa pagyakap sakin ni mommy.
"I miss you mom, I love you." Paglalambing ko, hindi na kasi ako masyadong nakapunta sa bahay niya dahil alam kong busy din siya sa kaniyang sariling kumpanya.
"Naku! Ang lambing talaga ng sweetie ko. Bakit hindi makita Ni Luc yun? At sobrang ganda pa. " Humiwalay niya ang pagkakayakap sakin at inayos ang takas kong buhok at inilagay sa likod ng aking tenga, Ngumiti ako nang mapait at huminga ng malalim.
"Mom ginawan mo na ko ng pancakes?" Pag iiba ko ng usapan, Naamoy ko din kasi, ang bango talaga! Favorite ko talaga ang pancakes super and I miss my lolo kapag kumakain ako nito. Pinagluto na ko ni Lucas dati nyan eh at sana matikman ko ulit yon.
"Yup! Alam kong miss mo na ang pancakes ni Mommy." Malambing niyang sabi at iginaya niya na ako papasok sa loob,nagpunta na kami sa garden, ang gaganda ng mga bulaklak niya, dun kasi kami lagi kumakain sa tuwing nandito ako.
"Sana sweetie, some other time magpunta kayo Ni Luc mis ko na yung bata na yun." Bigla akong napatingin kay mom nang may lungkot at alinlangan na ngiti.Ngumiti nang may pait si mommy na parang na gets na ang ibig kong ipahiwatig.
" Nagbabakasakali lang na baka ayos na kayo, na masaya na kayo at nakita niya na kung ano ang totoong nasa puso mo. Na mahal ka na niya bilang isang asawa." Tumango tango lang ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, sa nangyari nung nakaraan sobrang labo nang mangyari.
"Mom, ano nga po pala ang gusto mong sasabihin sakin ?" Nang maalala ko ang dahilan nang pagpunta ko dito at para rin maiba ang usapan namin.
"Sweetie, Gusto kong ihandle mo ang company ko." Seryoso niyang sabi sakin. Nakaramdam ako ng excitement kaso nga lang papano ang asawa ko, walang mag aasikaso sa kaniya.
Kahit lihim kong ginagawa at di niya alam ayos lang naman sakin basta nagagampanan ko ang responsibilidad ko bilang asawa. Pero papano kung babalik na nga ang totoong mahal niya?
"Mom, sa tingin mo kailangan ko ng i let go ang asawa ko? Kailangan ko na ba talagang mabuhay at tumayo sa sarili kong mga paa?" Tumango siya sakin at Hinawakan nya ang kamay ko, dun tumulo na ang luha ko nang tuluyan.
"I really love him so much mom. I don't know kung kakayanin kong mawala siya. Lahat ginagawa ko para mahalin niya din ako." Tumayo si mommy at lumapit sakin saka niyakap ako.
"Sweetie, I know how much you love him. but kailangan mo munang mahalin ang sarili mo, unahin mo na ang sarili mo, nararamdaman kong ubos na ubos ka na. Hindi masamang magpakatanga dahil natural lang yon tao ka lang pero hindi dapat laging nagpapakatanga, kailangan ding matuto ka. Hindi masamang umiyak nang umiyak dahil nakakagaan sa kalooban, pero hindi dapat lagi. Kailangan mo ding tumahan. Hindi masamang malungkot ka dahil ganon talaga ang nararamdaman ng taong nasasaktan pero hindi dapat palagian, kailangan mo ding sumaya at ngumiti. Kung hindi ka kayang pasayahin ng iba gumawa ka ng paraan para pasayahin ang sarili mo. Lalong lalong hindi masama ang magmahal pero dapat ibigay natin sa taong handang mahalin din tayo." Nakangiting sabi ni Mommy ngunit halatang malungkot ang kanyang mukha.
"Anak tama na. Madami ka nang sinakripisyo. Dalawang taon ka nang nagtitiis at Dalawang taon ka ng nanlilimos ng pagmamahal na hindi mo naman dapat ginagawa, Hindi mo deserve tong nangyayari sayo anak. Wag mo namang hayaang malungkot si mommy sweetie. Eto naman si mommy mahal na mahal ka." Hinawakan niya ang pisngi ko.
"At saka Hindi ko na kayang palakarin pa yung kumpaniya natin anak, nag iisa lang kitang taga pagmana. Kaya sana matulungan mo naman ako sweetie. Si Luc naman ang nag mamanage ng kumpanya na galing sa lolo mo eh. Hindi naman papayag ang Papa mo at ang anak niya na ikaw ang magpalakad ng kumpanya nyo. Dahil alam kong galit sila sayo at ayoko nang masaktan ka pa nila, nagsasawalang kibo lang ako pero hindi ko na kaya tong lahat. " May lambing na kasamang pag alala niyang pagmamakaawa.
"Please Anak. May edad na ko at ikaw na lang ang meron ako, ayokong mawala ka." Nakita ko ang pagpatak ng luha ni mommy sa kaniyang mga mata.
"Thank you mom pag-iisipan ko po ang lahat. I love you po " Napakasarap nang may mommy ka na mag mamahal sayo. Nang walang kapantay. Salamat po sa pagbigay nyo sakin kay mom.
Dapat ko na ba talaga siyang pakawalan at pasayahin ko naman ang sarili ko? May pag asa pa ba tayo Lucas?