The truth

2374 Words
Janine POV Isang buwan nang hindi umuuwi si Lucas. Ang tatlong araw niyang business trip naging one week, di kalaunan naging two weeks, tapos ngayon one month na di pa din siya bumabalik. Ang dating araw araw na tawag niya sakin or skype madalang na lang minsan nga wala na, ako na lang minsan ang tumatawag sa kaniya pero di naman nasasagot. Pauwi na rin ako galing sa trabaho. Pagdating ko sa gate nakita ko si Nilo na nasa labas ng pinto kasama si bess? "Bakit magkasama lagi kayong dalawa? Anong ganap niyo sa isa't isa ha? At teka bakit nandito kayo sa labas nakakapasok naman kayo sa loob." Tumingin ako sa kanilang dalawa, Napansin ko agad si Bess na napatingin kay Nilo nang makahulugan. "Dumating na ang asawa mo." Bigla kong natuwa sa sinabi ni Nilo, siguro naisip niyang ma surprise ako. Si Lucas talaga ang hilig sa ganyan, pero kilig naman ako eh. Pumasok ako agad sa loob na sobrang abot ang tenga ang ngiti! Miss na miss ko na kaya siya! Nakita ko si Lucas na nakaupo sa sofa na parang may malalim na iniisip. Sus eto talagang asawa ko baka nag aalala siya na awayin ko siya or masama ang loob ko, konti lang naman mawawala din to kapag nakapag usap lang kami ng maayos. Napalingon siya sa akin saka tumayo, lumapit agad ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit, grabe talagang namiss ko siya ng sobra. Yumakap naman sjya sakin pero hindi kasing sabik nang kagaya nang sakin. "Lucas, Bakit di mo man lang sinabi saking uuwi ka na? Eh di sana naipagluto pa kita or sana man lang nag preserved ako sa restaurant para dun tayo mag dinner ngayon." Agad ko siyang dinampian ng halik sa labi. Pero ramdam ko ang pananatili niyang tahimik. "Janine I need to go." Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Nakita ko din na paparating ang mga kasambahay namin bitbit pa ang mga ibang maleta niya galing sa kwarto namin. "A-Alis ka na naman? At bakit ang dami mo naman dala ata." Tumingin ako sa kanya nang naguguluhan pero siya nakatingin lang sa akin nang malamig kaya di ko mabasa ang nararamdaman niya. "Yes, at sobrang importante na makaalis agad kami ng new assistant ko, hinintay lang talaga kita para makapag pa alam sayo. I'm going to Bali dahil ang company namin don ay merong malaking ang problema na kinakaharap at ako lang ang makakapag-ayos non." Hindi ko alam kung ano sasabihin ko dahil nakakatampo. Wala man lang ba siyang pakelam sakin at kung kami naman ang magka problema ganito din ba siya ka seryoso para ayusin. "P-Pwede bang ipag pabukas mo na lang ang pag alis? Kahit isang gabi lang na katabi kita. Miss na miss na kasi kita eh." Bigla nagsalubong ang kilay niya na parang hindi nagustuhan ang hiling ko. "s**t Janine! You don't understand the situation. Kailangan nila ko dun, madaming empleyado ang nahihirapan, hindi ba pwedeng wag naman ang sarili mo ang intindihin mo muna?! " Bakit bigla siyang nagalit? Wala naman akong maling sinabi, parang ang big deal naman sa kaniya nang pakiusap ko? "Lucas nagtanong lang naman ako, huwag ka naman sanang magalit. Sinasabi ko lang naman at nakikiusap ako na kung pwede kang wag munang umalis kahit ngayong gabi lang para magkabonding ganon, kahit papano makalimutan mo ang stress mo." Maayos kong paliwanag sa kanya para kumalma siya. Tingin ko kasi para siyang pressure na, ewan. "Sinabi ko na ngang hindi pwede diba?! Bakit ba kasi ang kulit mo! Kapag hindi ba nasunod ang utos mo gagawa ka na naman nang kababalaghan?! " Teka ano bang nangyayari sa kanya? Bakit sobra naman ang reaksyon niya sa mga sinabi ko. "Sandali Lucas, ano na ba yang mga pinagsasabi mo sakin?! Bakit ka ba nagagalit? Tinanong ko lang naman kung pwede, bakit ang oa mo? Kung hindi pwede eh, di hindi!" Pasigaw ko na din sabi sa kanya dahil sa sobrang inis ko. Umiwas lang siya nang tingin at kinuha ang susi niya sa coffee table. "Aalis na ko Janine, tatawagan na lang kita kapag nandun na ko. Ayoko nang away." Bigla na lang syang umalis na hindi man lang kami maayos? Anong nangyayari ba sa kanya? Ganon na lang yun balewala lang sa kanya yung away namin? Balewala lang sa kaniya ang nararamdaman ko? One week na kaming walang communication ni Lucas, ayoko naman na ako ang maunang tumawag dahil gusto ko din naman maging ma pride. Pero tumawag lang siya sakin na nandun na siya at okay siya. Mag sorry ako sa kanya para wag lang kaming magkagalit. Pumunta ako sa garden para magpahangin kasi ang hirap nang pakiramdam nang ganito, miss na miss ko sobra ang asawa ko. Habang nakaupo ako at nagpapawala ng nararamdaman bigat. Nakita ko si Sophia na palapit sakin kaya balak ko nang umalis, kaya tumayo ako agad. Ayoko siyang makausap o makita nang malapitan. Pero bigla niya kong hinawakan sa braso. " We need to talk." seryoso niyang sabi sakin, tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sakin. "Wala kong ganang makipag usap sayo, kung iinisin at kukutyain mo lang ako." hinablot ko agad ang braso ko sa kaniya. "Sobrang importante nito. About your husband." Ngumiti siya kaya nakaramdam ako nang inis pero napa kunot noo akong tumingin sa kanya dahil para din akong na curious sa sinabi niya pero wala akong tiwala. Kaya aalis na lang ako sa harap niya. "If you give me a chance, may sasabihin ako sayo na sobrang halaga. Alam kong madaming tanong kang gusto mong malaman diba? Ako lang ang makakasagot nun, ako lang. Kung bakit nagkakaganyan ang asawa mo , ang relasyon niyo at kung nasaan siya ngayon." Napalingon na ko sa kanya at tinitimbang ko ang sinseridad niya. " Okay sige, mag usap tayong dalawa." Umupo ako sa harap niya. Kabado ako kung ano ang sasabihin niya pero kailangan. "Umpisahan mo na." Nagdekwatro sya at saka ngumisi nang nakakaloko sakin. "Sabi na nga ba? Basta kay Lucas ang topic nanginginig ka pa." Tumawa sya nang sobrang lakas. Umiling iling ako, Hay! sabi na nga ba eh pagtitripan niya lang ako eh. Tumayo na ako pero bigla na naman niya kong pinigilan. "Until now pikon ka pa rin, umupo ka nga." Bigla nya kong hinila paupo at wala na kong magawa dahil nakakaramdam ako nang kaba. "Dapat talaga wala akong balak sabihin sayo to. I don't care to you pero naging mag best friend naman din tayo yun nga lang, hindi kasing close ng Ate mo." Napairap niyang sabi, pero biglang na lang nag iba ang reaksyon niya at naging maamo. "Pero naisip ko din na isa ka din naman talaga sa biktima o ikaw talaga ang biktima dito." Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. "Naguguluhan ako kaya diretsohin mo na nga lang ako, ano ba ang ibig mong sabihin?" Natawa siya sa reaksyon ko. "Easy lang girl dahan dahanin naman natin okey? Mamaya atakihin ka at mag collapse ako pa sisihin mo, duh." Tumango na lang ako sa sinabi nya at ganon din siya. "Hindi isang tadhana ang pagkakakilala niyo at ang pagkakaibigan niyo ni Lucas ay isang malaking planado" Ano ang ibig niyang sabihin? "Nagtataka ka siguro at hindi makapaniwala noh?" Tumango ulit ako sa sinabi nya dahil ganon talaga ang nararamdaman ko. "Ganito kasi yon, ang pagbangga sayo ni Luc, ang pagpapakilala niya sayo at pagiging mabait nya ay planado namin. " Parang nakaramdam ng sakit ang puso ko. Totoo ba ang sinasabi niya pero pano nangyari yon? "Ganito kasi yun ha? Kasi alam kong di ka naniniwala." Hindi talaga kasi ang labi nang sinasabi niya. " One time we saw you in cafeteria nila Luc and Jewel kasama mo ang bestfriend mong jologs. Dapat dun kayo talaga mag kakakilala ni Luc kaso lumabas ka agad kaya sinundan ka namin. Napikon ka ata kay Cindy noon. Sa bagal mo ba naman maglakad at sa kawalan mo ng presensya hindi mo namalayan na naunahan ka na pala namin sa paglalakad. Then boom! binangga ka niya, diba binigay sayo ni Luc ung calling card niya, si Jewel nag utos nun." Parang hindi naman masyadong kapanipaniwala pa din. "Bakit naman sinunod ni Lucas na banggain ako? Ano siya bata?" Ngumiti siya sa tanong ko. "Kasi nga super patay na patay sya sa ate mo yun lang yun. He's madly inlove sa sister mo. Sakit noh?" Napangisi siya sa reaksyon ko pero may kumirot talaga sa dibdib ko. "Papano mong nasabi na planado nyo eh, Ako nga ang tumawag kay Lucas at sobrang tagal kong tumawag nun dahil nahihiya pa ako." Tanong ko sa kanya kasi hindi talaga ako naniniwala. Pano kung kinuwento lang ni Lucas yun sa kanya o kaya ni Cindy. "Alam mo nainip nga kami nun kasi ang tagal mong tumawag nawalan na nga din kami nang pag-asa na baka hindi ka na nga tumawag eh. Gagawa na sana kami ng susunod na plano kaso tumawag ka na din, pakipot ang peg! Kaya yun nakipag kaibigan sayo si Luc." Napalunok ako gusto kong lumuha pero pinipigilan ko. Dahil baka biro lang ang lahat. "Pero iba ang naramdaman ko sa mga pinakita ni Lucas sakin. Mukhang totoo lahat baka pinagtitripan mo lang talaga ako Sophia?" Mahilig kasi to sa ganyanan eh kaya papano ako maniniwala. "Lahat nang yon ay isang malaking pagpapanggap, girl. Kailangan niyang gawin yun kahit labag sa loob niyang makipaglapit sayo pero wala siyang magagawa, dahil kundi niya gagawin hindi sasagutin ng ate mo si Luc. Dahil sa sobrang mahal na mahal ni Luc ang ate mo talagang ginawa na ni Luc na pa-ibigin ka. Kaya ayun nagwagi ang plano namin na binuo." Hindi ko pa din magets talaga o ayoko lang talagang matanggap. "Papano kayo nanalo?!" Inis na tanong ko na sa kanya. "Napaka engot mo Janine! Nung nalaman na namin na parang in love kana, ayun sinagot na ng ate mi si Luc. Sa sobrang kahumalingan naman ni Luc sa kaniya biro mo agad niyang niyaya ng kasal si Jewel! Pero kasi gusto naman din talaga ni Jewel si Luc at para lalo kang masaktan pumayag siya." Gusto ko nang umiyak, pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Pero nakaraan na yon, maayos na kami ngayon, masaya na kami. Ang kailangan ko na lang ang paliwanag ni Lucas at maayos namin to. "Akala ng ate mo na nanalo na sya, dahil sa mukha mo nung engagement party nila na para kang pinagbagsakan ng moon and earth. Kaya ayun tuwang tuwa siya. Kaso hindi namin alam na may plano ka din pala na mas matinding pa. " Sabay tawa niya ng malakas. Bigla syang kumuha ng sigarilyo at sinindihan niya ito. Isaang ang ibig sabihin nun marami pa siyang aaminin at sasabihin ganito sya kahit noon kapag nagsasabi siya ng mga lihim. "Umiyak si Jewel nang nakita niya kayo sa kama na magkasama at nakahubad parehas. Hindi niya akalain na magagawa ni Luc sa kanya yun at pati na ikaw. Mas lalo siyang nasaktan lalo na nang nagbitaw na ng utos ang papa niyo na magpakasal kayo ni Luc." Huminga sya ng malalim at humithit ulit ng sigarilyo bakas sa kaniyang mukha ang inis din sakin sa pagbabalik tanaw sa nakaraan. "Akala ko suko na si Jewel nun dahil sa inutos ng papa nyo. Pero pumunta sya sa papa mo, nakiusap at hiniling na bawiin ng papa nyo ang utos dahil alam naman namin na ikaw talaga ang may kasalanan Pero hindi pumayag ang papa nyo sa gusto nya." Napangiti ako salamat kay papa sa ginawa nya kahit papano naisip niya din ako. " Pero akala ko para sa kapakanan mo yun Janine. Pero hindi pala isang malaking plano pa din ang lahat at kasama na ang papa mo na pagtulungan ka." Bigla akong nagulat may plano pa din? Bukod sa binalak nila? Ang sakit na nung una papano pa tong susunod. "Kinausap na ng papa mo si Luc na pakasalan ka para kay Jewel." Bakit nakiusap si papa na pakasalan ako at para kay ate? "Dahil sa mga mana na naiwan ng lolo mo, kaya nila ginawa yon ng papa mo. Ang lahat lahat kasi nang naiwan ng lolo mong ari arian ay mapupunta sayo lang at ang pwede mo lang maging custody sa lahat ng kayamanan mo at ang May karapatan na galawin yon saka pwede mong salinan ay ang lalaking magpapakasal sayo." Napahawak ako bigla sa dibdib ko kasi ang sakit na nang nararamdaman ko. " Papanong para kay ate ang lahat ng ito?" Naguguluhan pa din kasi ako. Humithit ulit siya ng sigarilyo. "Simple lang asawa mo si Luc. Alam nilang kaya kang mabuti at mapaikot ni Luc kaya ginamit ng papa mo siya at ang katangahan mo. Sa una hindi pumayag si Luc sa sinabi ng papa nyo dahil galit na galit sya sayo at ayaw ka nyang makita, ang mukha mo daw ang kinasusuklaman niya." Nanginig ako sa sinabi ni Sophia na may kasamang panghihina. " Pero nung si Jewel ang nakiusap sa kaniya, ayun pumayag agad si Luc. Diba nga grabe yung pagmamahal niya sa ate mo kahit makapanakit." Napasabunot ako sa ulo ko bakit ang tanga ko? " May usapan sila Luc at Jewel na kahit kailanman hindi ka pwedeng tingnan at dikitan ni Luc, hindi ka niya pwedeng itrato na kaibigan lalo na't maging asawa. Hangga't walang signal si Jewel na maging mabuti sayo si Luc hindi gagawin ng asawa mo yon, dahil takot din ang ate mo na baka mahulog sayo si Luc." Sinunod sya ni Lucas, kaya pala ganon sakin ang trato ng asawa ko sa loob ng maraming taon. "P-pero naging maayos na kami ni Lucas ngayon, okay na kami." Tumawa na naman siya nang malakas pero this time nakikita kong di makapaniwala sa sinasabi ko. "Isang plano din yun girl. Pero naalarma ko nung sobrang sweet niyo na ni Luc at sinabi nya sakin na hindi ka na niya iiwan, kaya agad kong sinabi kay Jewel yun. Kaya ko nga kayo sinundan ni Luc sa Cebu para makausap ni Jewel si Luc, tapos ayaw pa din ni Luc makipag- usap na kay Jewel. Kaya gumawa ako ng paraan." Ngumiti sya ng nakaka loko sakin at humithit uli ng sigarilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD