Chapter 1: Discount

2741 Words
Pagdating sa bahay, nakita ko agad ang nakakunot na noo ni Kuya Duke habang nakaupo sa sofa sa living area. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo at lumapit sa akin "Bakit ngayon ka lang?" Mataray na tanong niya. Nakahalukipkip siya at nakataas pa ang isang kilay. Napatampal ako ng noo sa isipan. I forgot to messaged him. Kampante naman din kasi ako na nakapagpaalam ako kina Daddy at Daddy-tito kanina. Iyon lang ay nakaramdam ako ng guilt dahil sinabi ko lang na kakain kami sa isang restaurant para iselebreyt ang birthday ni Dwayne pero iyon pala ay sa malaswang lugar kami pumunta. Iyon na ata ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko sa mga magulang ko at ganoon na rin kay Kuya. "Galing ako sa restaurant dahil birthday ni Dwayne. Nakapagpaalam naman ako kina Daddy e." Sagot ko sa kanya sa mahinang boses. Kung wala lang akong ginawang mali, malamang tinarayan ko na siya. Daig pa ang pulis kung mag-imbestiga. Nakakainis na parang bata pa rin ang tingin niya sa akin. Kaya nga ako humiwalay sa kanya ng school dahil pakiramdam ko pasan niya na ako sa balikat habambuhay. "Alam ko. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit ngayon ka lang umuwi. Mag-aalas dose na o." Dagdag pa niya at iniwasiwas sa mukha ko ang orasan mula sa cellphone na hawak niya. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Hindi pa naman ako sanay magsinungaling lalo na sa kanya. At kung magsisinungaling man, napaghahalataan naman agad ako. Pero paninindigan ko ito kaysa gitilian niya ako ng leeg. May pagka-OA din kasi minsan ang kakambal kong 'to. "Para naman akong babae niyan Kuya. I'm twenty one na kaya. It's like mabubuntis ako or something. Tsaka kumain lang kami sa labas at pagkatapos ay gumala, 'yon lang!" Giit ko at umiwas ng tingin sa kanya. Sana naman bumenta ang paliwamag ko kahit papaano. Pinaningkitan niya ako ng mata. Sinuri niya kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi siya nagsalita nang kung ilang segundo. Nakipagtikasan naman ako ng titig sa kanya. Later on, he sighed in defeat. Napangiti ako sa isipan. Yes! It's a new achievement for me. "Fine! Kapag nalaman kong may kabulastugan kang ginagawa, malilintikan ka talaga sa akin. Hindi kita pinrotektahan ng mahabang panahon para lang mapahamak at masaktan." Galit niyang wika. Kunwaring umiyak ako. Hindi naman ako naasiwa sa sinabi niya kasi ganito na siya noon pa man. He just love me so much and I can't questioned that. Nginitian ko na lang siya ng matamis at niyakap. I kiss his cheek and bid him goodnight. Dumeretso na agad ako sa kwarto at naglock ng pinto. Tinapon ko na lang basta ang bag at ibinagsak ang sarili sa kama. Napabuga ako ng hangin. Muntikan na ako roon ah! But it was a good thing though. I feel like I have my own freedom now. Hindi na rin masama na sumama ako kina Dwayne kanina. Sometimes, I have to abide the rules in order for me to know more about myself and to do what I really want to do. However, I have to limit myself. Ayaw ko ring madisappoint sa akin ang pamilya ko. Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n na lang sila kaprotective. Maliban sa mahal nila ako ay ayaw lang nila akong mapasama lalo pa't iniingatan nila ang kalusugan ko. Suddenly, napunta ang isip ko sa nangyari kanina sa club. I never thought na ganoon pala kalaswa ang lugar na 'yon. Well not for the other people. But for me it is. And to think that it was my first time, it really impacted me. I have to admit that I already watched those kind of performance in television pero iba pala talaga kapag napanood mo na ng live. Halos hindi ko maimagine ang sarili ko sa lugar na 'yon. Somehow, nagustuhan ko rin dahil may pagnanasa naman ako sa mga lalake lalo pa't ganoon kagaganda ang katawan ng mga performer doon. Especially si Adam. Ang katawan niya at ang bagay na iyon na halos lumuwa na sa kakarampot na saplot na nakatakip dito. I'm sure it was Adam because of his tattoos. Hindi lang ito ang nagbigay sa akin na kasiguraduhan dahil nakilala ko rin pati ang figure at hugis ng katawan. Kapareho talaga ng sa kanya na kahit isang beses ko pa lang siyang nakitang nakahubad. Hindi naman siguro ako ganoon katanga para hindi mapansin iyon. Siguro kung wala ang mga tattoo, hindi ako makakasigurado na siya nga ang lalaking iyon. Pero ano kaya ang kwento sa likod kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'yon? Obvious naman siguro na kailangan niya ng pera para sa pag-aaral niya o para sa may sakit na isa sa family member niya. Pero base sa kanyang hitsura, mukha naman siyang mayaman dahil sa kinis ng balat niya. Baka gusto lang talaga niya ang ginagawa. But whatever it is, I know that the has a big reason and I am not in a position to questioned that. Hindi ka pwedeng manghusga sa isang tao na isang beses mo pa lang nakita at nakilala. People tend to judge easily without knowing the person first. Kung sino siya, saan siya galing, anong rason niya kung bakit niya iyon ginagawa. It sad to think that first impression lasts. Nevertheless, I feel a bit of disappointment. Napakasayang niya para lang magtrabaho sa ganoong lugar. Alam ko kasing hindi lang pagsasayaw ang ginagawa niya. May higit pa roon. Pero ang disappointment na 'yon naman ay hindi umabot sa sukdulan. I still have a crush on him. Kailangan ko lang talaga siyang makilala bago ako mag-isip ng kung sa kanya. Atsaka mayroon sa kanya kung bakit niya agad naagaw ang atensyon ko. Maliban sa hitsura, may mas malalim na nasilayan ang mga mata ko nang unang beses ko siyang makita habang natutulog sa upuan niya. And I think he's beautiful. Well, everything in this world is beautiful. But for me, he's beyond the word. Pagkatapos ng unang dalawang subjects ko, nagmamadali akong nagligpit ng gamit at pagkatapos magpaalam sa tatlong impakta, lumabas agad ako ng classroom. May pagmamadaling nilakad-takbo ko ang sunod na klase. It's been two days since I saw him last. At sa club pa iyon. Kinabukasan kasi ng gabing 'yon ay weekend na kaya walang chance na makita ko siya. Wala pa naman akong alam sa kanya maliban sa pangalan at trabaho niya. I stalk him in social media pero walang masyadong information na nakalagay doon. Hindi ko rin alam kung posers ang mga account na 'yon dahil tatlo ang lumabas na account na mukha niya ang nasa profile. Normal naman iyon lalo pa't may itsura siya. Si Kuya Duke nga ang daming gumagamit ng pictures niya lalo na sa f******k. Sikat kasi ang mokong sa school nila compare to me na isang hamak na bakla lang na may cute na mukha. Siguro kung hindi nakadikit sa pangalan ko ang apelyedo ni Dad-dy, typical na tao lang siguro ako. Pero para sa akin mas gusto ko ng simple lang. Hindi ko nga ipangangalandakan na may marangya kaming buhay. After all, hindi ito sukatan kapag namatay ka na. Maiiwan lang din naman lahat sa lupa. I think mas masarap sa feeling na maalala ka ng mga tao dahil may naiwan kang magandang bagay na magpapaalala sa kanila sayo. Like you influenced people in a good way, you help various charities and foundations, you wrote inspirational books or qoutes. Things like that. Siguro kapag nakapag-iwan ako ng something special sa mundong ito, that's the time I can say that I am a fulfilled human being. Sabi pa nga ni Mother Theresa of Calcutta, "Life is a promise, fulfill it." Wala pang Adam nang makarating ako sa classroom. Sobra akong naeeksayt na muli siyang makita. Sana may pagkakataon na makilala ko pa talaga siya at makausap ng maayos. Marami akong gustong itanong sa kanya. Mayamaya pa ay dumating na siya. Dumagundong ang puso ko nang masilayan siya sa suot na gray V-neck shirt at jeans. Totoo nga pala ang sinasabi nilang hihinto at magiging malabo ang lahat ng gumagalaw sa paligid mo dahil ang tanging nakikita mo lang ay siya. Ito na kaya ang sinasabi nilang love? Hay ewan! Nagkaboyfriend naman na ako pero hindi ko talaga naramdaman ang ganito sa unang beses na pagkikita namin ng ex ko. Lumandi rin ako at the young age. Babaihan ako kaya may pagkamaharot din ako. Pero ilang buwan lang ang itinagal ng relasyong iyon. Hindi kasi nagwork dahil hindi naman ganoon kalalim ang samahan at nararamdaman namin para sa isa't-isa. Isa pa't nadala lang ako sa panloloko ng mga kaklase ko noon dahil parati kaming magpartner sa halos lahat ng activities namin. Coincident lang ang nangyayari pero nilagyan ng kulay ng mga balahura kong kaibigan, kaya ayon, nadala kaming dalawa. Niligawan ako kunyari ng ulopong tapos ako naman itong si uto-uto, nagpauto rin. But we kept it between us. Tapos iyon nga, hindi naman seryoso kaya naghiwalay din. Wala ring formal break-up. Nagsimula lang sa madalang na chat hanggang sa wala ng messages. No need na ring mag-usap dahil parang mutual naman ang pagkakaintindi namin sa ibig sabihin n'on. Walang heartaches kaya mabilis ko lang din nakalimutan. Parang wala nga lang nangyari e. It just so happened in that way. Pero kumusta na kaya ang kulugo na 'yon? I bet lumaki na ang ulo no'n dahil isa ng sikat na vlogger, posting his nonsense doing. Pinanood ko ang ilan sa mga videos niya pero wala man lang akong natutunan. Pagwapo lang ang alam at pagpapalaki ng katawan. Paminta lang din naman. Hindi ko man lang napansin na umupo na pala sa upuan niya si Adam. At tulad nang nakaraan, natulog na naman siya sa kanyang arm desk. Puyat marahil sa trabaho sa club. Kailan kaya niya ititigil ang pagtratrabaho sa lugar na 'yon? Kung pwede ko lang siyang kausapin na sa flowershop ko na lang siya sumaydlayn ay gagawin ko. Pero wala akong guts na sabihin iyon sa kanya. Isa pa't hindi naman niya alam na alam ko ang trabaho niya. Parang hindi rin naman niya ako nakita sa club habang nagpeperform siya dahil nasa gilid ang pwesto namin. Madilim pa sa parteng 'yon. Nang makasiguro akong tulog na nga siya ay doon na ako nagkalakas ng loob na balingan siya ng tingin. Nakahanda naman ang notebook sa desk ko kung sakaling magising siya at hindi niya ako mapaghinalaan. "In no time, makakausap din kita." Bulong ko habang nakatitig sa mukha niya. Hindi naman din ako nagmamadaling makilala siya. Hindi rin naman ako desperado at ambisyuso. Sanay naman akong magkacrush sa isang lalake na tahimik at sa malayo lang. Hindi ko rin masabi na magtatagal itong nararamdaman ko para sa kanya. Nature ng tao ang madaling magsawa sa isang bagay. Kapag nakakita ng bago, etsapwera na ang isa. But in the contrary, kapag nagustuhan mo ang isang bagay sa hindi mababaw na paraan, hindi naman basta-basta iyon mawawala agad. Sa ilang minuto ay magsisimula na ang klase at bago pa niya akong mahuli muli, iniwas ko na ang tingin sa kanya. Mayamaya ay dumating na si Prof Almazan at nagsimula na agad sa kanyang discussion. Next week, magsisimula na raw kami sa Feasibility Study. Ito na naman ang nakakahabag na katotohanan bilang isang mag-aaral. Mabuti na lang at kinuha ko ang ilan sa mga paper works last year kaya hindi na mahirap sa part ko ngayon. Crucial pa naman ang FS at kailangan ng pokus at atensyon. Mag-iinvest na naman ako ng puyat at stress nito. He grouped us in to seven. Dahil thirty-five kami sa klase, tiglilima kada isang grupo. At pakiramdam ko gumuho ang mundo ko na hindi napabilang sa grupo namin si Adam. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng chance na makilala siya. At akala ko magiging malafairytale ang love story naming dalawa. Love story talaga? Asa ka pa! May mga binilin lang si Prof about sa study at nagpaalam na agad. Binigyan niya kami ng time para makapag-usap ang bawat grupo. Sa susunod na araw ay papasok na lang siya para iapprove ang mga titles at imonitor kung progress na sa study namin. Mabuti na lang at hindi ako masyadong minalas sa grupo ko. Dalawa sa kanila ang mukhang matalino at pursigido sa gagawing study. Ang dalawa ay kyeme lang. Pero okay na iyon at least hindi ako mahihirapan unlikeast year na halos ako lang ang gumagalaw sa study namin. Binayaran lang ang part nila at ayon pumasa ang mga hunghang. Sa inis ay nagdemand ako ng malaki. Wala rin namang reklamo kaya keri na lang din. Nagkaekstra income pa ako. Hindi ako nakipagkita sa dalawang babae dahil palihim na sinundan ko si Adam at sa ilang araw na pagsunod ko sa kanya, nalaman kong paborito niyang tambayan ang rooftop ng isa sa mga building. Doon niya pinagpatuloy ang pagtulog pagkatapos ng klase kay Prof Almazan. Minsan ay tambay din siya sa ilalim ng mga malalaking puno sa palibot ng school. I must say na medyo boring ang college life niya dahil ni minsan ay hindi ko siya nakitang may kasamang iba. Marahil sa pagiging transferee niya na recently ko lang nalaman dahil sa kadaldalan ng mga kaklase ko. Hindi ko naman alam ang rason dahil wala naman siyang sinabi kung bakit siya lumipat nang minsang nakinig ako sa usapan nila. Pero hindi niya sinabi ang tungkol sa trabaho niya at kahit sa pamilya niya ay wala rin siya idinetalye. Nakakatuwa lang na hindi naman pala siya suplado at nakikipag-usap ng maayos. Iyon lang ay wala pa rin akong guts na makipag-usap sa kanya. Nahihiya ako. 'Yong parang feeling na magkakilala na kayo pero naiilang kayong makipag-usap sa isa't-isa. Siguro lumipas ang tatlong linggo bago ako nakipag-interact sa kanya. Habang kinakausap siya ng mahaharot kong classmates ay kunwaring nakisali ako at nang makahanap ng tiyempo ay nagtanong ako sa kanya ng random. At natutuwa ako na hindi siya naging rude sa akin pero nafeel kong parang hindi niya ako feel kausap kaya hanggang doon lang din ang interaksyon na 'yon. Inisip ko pang ayaw siguro niya sa mga katulad kong bakla pero hindi naman niya initsapwera ang isa rin naming kaklase na bakla. Baka nga malaki ang dahilan no'ng pagkabangga namin sa kanya kaya hindi niya ako gusto bilang tao. Nasaktan ako ng kaunti roon. After a week nang pumunta kami sa club ay bumalik ako roon ng nag-iisa. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang pumunta roon na ako lang. Inilihim ko 'yon sa tatlo dahil baka kung anong isipin nila sa akin. Baka hindi ko makayanang makipagtalastasan sa kanila. Pero isang beses ko lang ding nagawa at hindi na ako umulit pa. Sumaglit lang din naman ako roon. Sinilip ko lang si Adam. And that time, mataas pa ang pagkagusto ko sa kanya. Ngayon, hanggang pagsunod na tingin na lang ang ginagawa ko sa kanya. At sa bawat araw na lumilipas, unti-unti ng nababawasan ang paghanga ko sa kanya. Magkokonsentreyt na lang ako sa pag-aaral. Later na lang ako maglulumandi kapag nakagradweyt na ako. Lalo na kapag nagbakasyon kami sa US ni kuya. Isang puti ang idyo-jowa ko. Mabuti pa sila dahil walang stress masyado sa relasyon. Madrama kasi ang mga pinoy minsan. Ang daming hugot sa buhay na akala mo katapusan na ng mundo. Kasalukuyan kong inaayos ang sarili sa loob ng isang banyo nang bumukas ang isang pinto ng cubicle. Lumabas doon ang lalaking halos hindi ko na naiisip kada gabi. Kaso nga lang, dumagundong na naman ang malandi kong puso nang titigan niya ako ng mataman mula sa salamin. Nakipagtitigan din ako sa kanya hanggang sa tumabi siya sa akin. Ako ang unang umiwas at kunwaring inayos ang hitsura. Pero pasulyap-sulyap din ako sa kanya dahil parang kakaiba ang kinikilos niya. At nakumpirma ko nga iyon nang mas lumapit siya sa akin at nagulat na lang ako nang idikit niya ang braso niya sa braso ko. Suddenly, he whispered something that made my eyes got wider. "Alam kong matagal mo na akong gustong tikman. Nagbibigay ako ng discount sa kapwa ko estudyante. Chat kita sa address mamaya tutal friends naman tayo sa fb." Nanghilakbot ako sa narinig. Bago pa ako makahuma, pinisil niya ang isang pang-upo ko at lumabas ng banyo. Naiwan akong nakatunganga sa harap ng malaking salamin. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD