bc

Not Like A Fairytale (BxB)

book_age16+
936
FOLLOW
4.8K
READ
arrogant
badboy
brave
drama
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang ay pinangarap na ni Luke na magkaroon ng mala-fairytale na love story just like his parents.

Subalit, parang hindi ata mangyayari iyon sa kanya. Ang inaasahan niyang fairytale ay disaster pala. Dapat siya ang ililigtas ng kanyang Prince Charming sa tiyak na kapahamakan, pero mukhang siya pa pala ang magliligtas dito. Iligtas sa kinasasadlakan nitong buhay.

Though it's not like a fairytale love story, mararansan din kaya nila ang katagang "and they lived happily ever after" na siyang tumatapos sa bawat kwento?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Mamaya Luke ha. Aasahan ka namin." Pagpapaalala ni Dwayne sa usapan namin kanina. Tungkol iyon sa pagpayag ko na pumunta ng bar kasama ang dalawa pa naming kaibigan. Tatanggi sana ako kaso naisahan ako ng bruha. Kung hindi lang niya birthday ngayon, asa pa siyang mapapayag niya ako. "Luke? Mamsh?" Ulit niya. Tinirik ko lang ang mga mata at hindi siya pinansin. Narinig ko ang pagtawa niya bago tumalikod at naglakad sa kabilang pasilyo. Magkaiba kasi kami ng sunod na klase though same course lang kami. May mga subject kasi siyang dinrop noong nakaraang taon kaya kinukuha niya ito ngayon. Inuna kasi ang paglalakwatsa sa kung saang-saang lugar kaya loaded ang sched niya. May pagka-adventuruous kasi ang bruha. Inaaya nga niya akong sumama noon pero hindi ako pumayag. Papatayin ako ni Daddy-tito kapag pinabayaan ko ang pag-aaral ko. Isa pa't hindi naman ako mahilig gumala kung saan lalo na sa kondisyon ko. Kahit naipagamot na ang puso ko noong limang taong gulang ako, hindi pa rin ako pwedeng mapagod at gumawa ng mga extreme activities. Mabilis din akong mapagod at bawal sa akin ang labis na emosyon. At focus din ako sa studies ko. Gusto kong grumadweyt with flying colors para hindi naman ako mapahiya kay kuya Duke na candidate for Magna c*m Laude. Magkaiba kami ng school ng kakambal ko. Sa isang pribadong unibersidad siya pumapasok habang ako naman ay sa isang state university. Gusto sana ni kuya Duke na hangga't maari ay nasa iisang eskwelahan lang kami para mabantayan niya ako pero hindi ako pumayag. I want to be independent that I am now an adult teenager already. Sa tingin ko kasi, nakadepende lang ako parati sa kanya. I want to stand with my own feet. Ayaw ko rin na maikumpara kami especially sa mga achievements namin. At higit sa lahat, choice ko ang school na 'to. Hinayaan naman kami ng mga magulang namin sa kung anong school ang pipiliin namin. Ang importante lang sa kanila ay mag-aral kami ng mabuti at makapagtapos. Nasa ikaapat na taon na ako ngayon sa kursong Business Administration. Hindi ito ang first choice ko pero kailangan kong mag-aral nito dahil sa family business namin. Hindi naman ako pinipilit ni Daddy dahil si kuya Duke naman daw ang ipapamanage niya sa kompanya namin. But I feel like I need to took up the course. Unfair din 'yon para sa kakambal ko. Isa pa't ako ang may hawak ng isang branch ng flower shop ni Daddy-tito kaya kailangan ko ng sapat na kaalaman. Pero after kong mag-aral ng kursong ito ay magyu-uniting ako para makapagturo. Bata pa lang ako ay iyon na ang pangarap ko. Pero ngayon focus muna ako rito. Sa buhay kasi may mga bagay na kailangang isuko para ayusin ang isa pang bagay. At kung nakikita mo namang maayos na ang bagay na iyon ay pwede mo nang balikan pa ang bagay na una mong gustong ayusin. Mabilis kong narating ang sunod na klase. Agad akong pumunta sa paborito kong pwesto. Kaunti pa lang ang nasa loob dahil may ten minutes pa naman bago magsimula ang klase. Medyo hindi ko gusto ang klase na 'to dahil halos wala akong kakilala. Hindi kasi ito ang block section ko. Pero kailangan ko kasing kunin ang oras na ito para tuloy-tuloy ang pagstay ko sa flowershop kada hapon. Habang naghihintay, nagbukas muna ako ng notes at binasa ang previous lesson namin. Mahirap na't wala akong maisagot kapag sakaling magquiz. Mahilig pa naman sa surpise quiz ang mga prof ngayon. Nawala ako sa pagbabasa nang may pabagsak na umupo sa tabi ko. Basta na lang nito binatawan ang bag sa paanan at hiniga ang ulo sa arm desk at pumikit. Nakaharap ang mukha nito sa direksyon ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init nang makita ang gwapong mukha nito. Nagtaka ako. Parang nun ko lang ito nakita sa klase. Kunsabagay, isang linggo pa lang naman bago nagsimula ang semester. Marahil ngayon lang ito naisipang pumasok. Narinig ko ang bulungan ng dalawang babae na nasa unahan ko lang. Pinag-uusapan nila ang lalake at bakas sa mga boses nito ang hindi maitagong kilig. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa ganitong lalake? Sa tansya ko ay halos anim na talampakan ang taas nito. Hindi man malaki ang katawan, pero sigurado akong may mga putok na muscles itong tinatago. Hapit din kasi sa katawan nito ang suot na V-neck white shirt at itim na pants. May pagkamoreno rin ito. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay at may mapupulang labi. Nakadagdag pa sa appeal nito ang army-cut na buhok. Ito ang lalaking sa unang tingin ay magkakagusto ka na agad sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa lalake. Sanay naman akong makakita ng mga gwapong nilalang dahil ang gugwapo ng mga kasama ko sa bahay pero may something sa kanya na hindi ko nakikita sa iba. At sa unang pagkakataon, bumilis ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan ito naroroon. Masakit pero masarap sa pakiramdam. Nawala lang ako sa pagkakatitig sa lalake nang bigla itong dumilat. Mabilis kong iniwas ang tingin at ibinalik ang tingin sa binabasa. Nahuli niya ako! Ang lakas ng t***k ng puso ko na parang gusto nang kumawala sa dibdib ko. Sahig! bumukas ka na at lamunin mo ako pababa. Nakakahiya! Hindi ko na sinubukan pang bumaling ng tingin sa kanya. Nawala na rin ang konsentrasyon sa binabasa ko at tanging nasa isip ko na lang ay kung ano na kaya ang iniisip ng lalake sa akin. May pagkasuplado pa naman ang awra nito. Hanggang sa dumating ang professor namin ay hindi na talaga ako tumingin dito. Pero kahit anong pagtutok at pakikinig ang gawin ko, nilamon na ako ng presensya nito. Nanatili muna akong nakaupo kahit na nag-anunsyo na ang Prof na tapos na ang klase. Pinauna ko munang umalis ang lahat ng kaklase ko lalo na ang lalaking katabi ko. Nalaman kong Adam Arthur Ramirez ang pangalan nito. Pinatayo kasi ito para ipakilala ang sarili since ngayon lang siya pumasok. Nang marinig ko ang boses niya, nadagdaggan ang paghanga ko sa kanya. Malalim ito. Bruskong-brusko. Parang kaboses niya si Tito Yvo. Pero parang wala atang balak na tumayo si Adam. Nang sulyapan ko ito ng mabilisan ay nakapatong na naman ang mukha nito sa arm desk at nakapikit ang mga mata. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para umalis ng classroom. NAWILI kami nina Danica at Taylor sa pakikipag-usap sa isa naming kakilala sa cafeteria kaya hindi namin namalayan na malapit na palang magsimula ang aming klase. Kaya pagkatapos magpaalam sa kaschoolmate, nag-unahan kami sa pagtakbo papunta sa classroom namin. Terror pa naman ang Prof namin sa subject na iyon. Hindi mo gugustuhing malate sa klase niya dahil sandamakmak na kahihiyan ang matatanggap mo mula sa kanya. Maghahalo ang balat sa tinalupan. Sa pagmamadali, may nakabungguan si Taylor na isang lalake. Dahil may hawak siyang inumin, nasagi ito ng bruha at dahil ako ang nasa tabi niya, sa direksyon ko natapon ang likido. Natapunan din ng laman na iyon ang lalake. Napatanga ako hindi sa pagkakatapon ng inumin sa akin kung 'di, sa lalaking nakabungguan ni Taylor. Si Adam! Ito na naman ang bilis ng t***k ng puso ko. Nadagdaggan pa ito dahil ang sama ng tingin sa amin ni Adam. Gosh! Ang panget na nga ng unang impresyon ko sa kanya, nadagdagan pa ngayon. Bago pa ako nakahuma, paulit-ulit nang humingi ng pasensya si Taylor kay Adam habang natatarantang pinupunasan ng una ang nabasang damit ng huli. Si Danica naman ay napatitig lang dito. "Sa susunod kasi, mag-ingat kayo nang hindi kayo nakakapangdamay ng ibang tao!" Mahina pero may diin nitong saad bago kami tinalikuran. Napahiya si Taylor lalo pa't maraming nakakita sa nangyari. Nun lang din niya napansin na nabasa din pala ako. Sa akin naman siya humingi ng pasensya. Si Danica naman ay tinanong kung sino ang lalaking nakubungguan ni Taylor habang nakasunod ang tingin dito. "Hindi ko kilala ang lalaking 'yon. Ngayon ko lang din nakita 'yon dito sa school. Pero in fairness ha, ang gwapo niya. Atsaka ang tigas ng katawan nang punasan ko siya kanina." Sagot ni Taylor na parang kinikilig pa. "Mabuti na lang at wala ang bruhang Dwayne dito ngayon. Paniguradong aagawan na naman tayo ng target ng bruha kapag nagkataon." Naghagikhikan silang dalawa at pinag-usapan si Adam. Saka lang nila narealize na may klase pa pala kami. Nagmamadali silang umalis at basta na lang ako iniwan. Basa man ang damit ay sumunod pa rin ako sa kanila. Ayaw ko ring malate sa klase. Pero pinalabas din ako ni Prof Almazan at pinagpalit ng damit nang makita ang hitsura ko. Mabuti na lang at naalala kong may dala akong ekstrang damit sa bagpack kaya hindi ko na kailangang pumunta sa locker room. Nagmamadali akong pumunta sa pinakamalapit na banyo. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Adam na pinupunasan ng bimpo ang hubad na pang-itaas na katawan. And it didn't leave with the imagination. Napakaganda ng hubog nito na halatang nadyi-gym. Putok ang dalawang dibdib at tila malapandesal ang hugis ng anim na bukol sa kanyang tiyan. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang krus na tattoo sa kanyang kaliwang dibdib. Halos mapasinghap ako habang nakatitig doon. Napaiwas lang ako ng tingin nang mapansin ang nakakunot na noo ni Adam. Nahuli niya akong nakatitig sa katawan niya! Nagmamadali akong pumasok sa isang cubicle at doon nagpalit ng damit. I don't have the guts to change in front of him. Even with other people. Naaasiwa akong may makakita ng hubad na katawan ko. I don't have a beautiful body though. Hindi kagaya kay Kuya Duke at Daddy na animo'y nagpapaligsahan. Halos magkasingtangkad na rin sila. Hindi rin kasi ako kasing-laki at kasing-tangkad ni Kuya. Sa katunayan ay hindi na ako tumaas pa sa height kong 5'6. I think it has to do with my heart condition before. Tsaka hindi ko rin gusto ang may malaking katawan. Nakakaasiwa lalo pa't pusong babae ako. Nang sa tingin kong maayos na ako ay lumabas na ako ng cubicle. Naroon pa rin si Adam sa harap ng salamin at kasalukuyang nagsusuot ng damit. Bago pa niya maibaba ang tela sa likurang bahagi, nakita ko na ang malaking tattoo na halos pumuno na sa baywang niya. Isang dragon. Sa totoo lang, ayaw ko sa lalaking puno ng pinta ang katawan. I know it's a form of art pero hindi lang siya attractive para sa akin. Small details will do pero it's a big NO na kapag marami na at halos mapuno na ang buong katawan. Kaya medyo nadisappoint ako sa tattoo ni Adam sa likuran niya but I don't know, I find it sexy. Bagay sa balat niya. Bago pa niya mapansin na nakatitig na naman ako sa kanya, pumunta na ako sa harap ng salamin sa tabi niya at inayos ang hitsura at buhok. Pasulyap-sulyap ako sa kanya na kasalukuyan ding inaayos ang sariling buhok. "Sorry nga pala kanina ah. Nagmamadali kasi kami dahil malapit ng magsimula ang klase namin." Paliwanag ko. I feel like I need to do it. After all, kasalanan naman talaga naming tatlo. Naistorbo namin siya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus kinuha niya ang bag at lumabas ng CR. Napabuntong-hininga na lang ako. Siguradong galit nga siya sa amin. Pero atleast nakapagsorry na kami. Nasa sa kanya na 'yon kung tatanggapin niya o hindi. Nang siguradong maayos na ang itsura ay nagmamadali na akong lumabas ng banyo at bumalik sa klase ni Prof Almazan. "SIGURADONG maienjoy niyo ito girls!" Naniniguradong saad ni Dwayne nang iparada niya sa labas ng isang establishment ang sinasakyan naming kotse. Halata sa dalawang babae ang excitement habang kabaligtaran naman ang sa akin dahil masunurin akong anak. Wala akong bisyo at hindi nagbibigay ng sakit ng ulo sa mga magulang ko. Pero nang dahil sa tatlong ito, paniguradong mawawalan ng tiwala sa akin ang mga magulang ko kapag nalaman nila itong pinaggagawa ko. Gabayan nawa ako ni Lord. "Mga Mamsh, kinakabahan ako. What if may makakita sa atin diyan? Kapag nalaman 'to ni Kuya Duke, siguradong gigitilan ako ng leeg nun." Kinakabahang sabi ko nang makababa na kami ng sasakyan. Tinawanan lang ako ng tatlo. "Hindi malalaman 'to ng twin brother mo, Mami. Atsaka wala namang pakialamanan ang taong nandiyan sa loob. For all I know, mga babaihan lang ang lahat ng napasok diyan. Do you think, may maliligaw na kaibigan diyan ang kakambal mo?" Pangpalubag-loob na sabi ni Dwayne. "Don't worry, hindi naman kita ipapahamak. Malay mo, dito mo na pala mahahanap ang didilig sa tigang mong bulaklak." Tawanan silang tatlo. Sinamaan ko naman ng tingin si Dwayne. Hindi naman ako katulad niya na kung sinu-sinong lalake lang ang kinakalantri. Wala namang kaso iyon sa akin dahil mabait at matino naman siyang kaibigan basta h'wag lang siyang magkakamali. Sama-sama kaming puputulan ng leeg kapag nagkataon. "You're already twenty one Luke. Enjoy your life while you were young. Baka pagsisihan mong hindi mo ito naranasan. Baka kung kailan kulubot na ang balat mo, saka ka lang pupunta sa mga lugar na 'to." Dagdag pa ng bruha. Pero naisip ko ang sinabi niya. Inamagine ko ng ganoon ang sarili. Nandiri ako. Ang cheap-cheap ko siguro kapag ganoon. "Kung hindi mo lang birthday ngayon, hindi kita pagbibigyan!" Asik ko sa kanya. "Well, happy birthday to me." Humalakhak pa ng malakas ang gaga. Hindi na ako nakapagsalita nang bigla na lang nila akong hilahin at pinasok sa loob ng naturang establishment. "This is not a typical club you would see. Siguradong mabubusog ang mga mata mo mamaya." Mukha lang siyang simple sa labas pero sa loob ay halos mabingi ako sa ingay ng tugtugin. Nasilaw ako sa iba't-ibang kulay ng ilaw. At halos mahilo ako sa magkahalong amoy ng usok ng vape at sigarilyo, at alak. Parang hindi ko na yata kaya pang magstay ng isa pang minuto rito. Pumwesto kami sa isang table sa isang gilid malapit sa stage. Umorder agad ng inumin si Dwayne pero ladies drink lang lahat. Alam naman ng bruha na hindi ako pwedeng uminom kaya inorderan niya na lang ako ng juice. Nang umalis na ang waiter, nagbukas agad ng topic si Dwayne tungkol sa mag-ientertain daw mamaya sa stage. Hindi naman ako nakinig sa kanya dahil hindi ako interesado. Ang gusto ko ay umuwi at manood na lang ng movie kasama sina Kingvin at Devone. Mas may kabuluhan pa 'yon kaysa rito. Napalibot ako ng tingin sa buong club. May mga nagsasayaw sa gitnang bahagi. Ang iba nama'y nasa kanya-kanyang table at umiinom. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang dalawang lalaking naghahalikan sa isang sulok. Kahit medyo madilim sa parteng iyon ay kitang-kita pa rin ang ginagawa nila. Parang wala lang silang pakialam sa paligid nila. And no one even bothered of what they were doing. Naeskandalo ako. "That's pretty normal here. Baka mamaya, titili ka na sa makikita mo." Napaiwas lang ako ng tingin sa dalawang lalaking may kababalaghang ginagawa nang magsalita si Dwayne sa tabi ko. Anong pinagsasasabi niya? Bago pa man ako makapagtanong, dumagundong na ang malakas na tugtugin kasabay ang paglipat ng mga ilaw sa entablado. Hiyawan ang mga tao at may chicheer silang pangalan. "Thor! Thor! Thor!" Ganoon din ang sinisigaw ng tatlo kong kaibigan. Mas lumakas ang hiyawan nang lumabas mula sa entablado ang tatlong kalalakihan na may magandang pangangatawan. Nakasuot ang mga ito ng sandong puti at pangbumbero na pants. Nakakubli naman ang kalahating mukha nila sa suot na maskara. Sabay-sabay silang umindayog at gumiling. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang punitin ng mga ito ang suot na sando at baklasin ang halos nakapatong lang na pants. Tumambad sa amin ang naiwang saplot ng tatlong lalake na sakto lang para takpan ang parteng iyon. Nanghilakbot ako sa nakita. Napangangang nilingon ko si Dwayne. Tili naman ng tili ito habang nakatingin sa harapan. Enjoy na enjoy din ang dalawang babae at nakikisabay pa sa kanya. Ako naman ay sobra ng naieskandalo. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Hindi ko inaasahan na ganito pala sa kalaswa na lugar ako dadalhin ni Dwayne. Buong akala ko rin ay may tutugtog na banda o may magpapatawa lang sa gitna ng entablado. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na nagpaalam sa kanila. Hindi ko alam kung sigurado pa ako sa friendship namin ni Dwayne pero iiwasan ko na talaga siya. Tatayo na sana ako nang hilahin niya ako paupo at humingi ng pasensya. Paulit-ulit din niyang niremind na birthday niya ngayon at pumayag akong sumama. Kinunsente pa siya ng dalawang bruha. "Hindi na talaga magandang biro 'to. Palalagpasin ko 'to but this will be the last time." Mariing saad ko sa kanya. "Yes, I know. Promise, hindi naman tayo gagawa ng kahit na ano. Manonood lang naman tayo e." Napabuntong-hininga ako. Kahit galit ay napapayag din niya ako. Marami na rin akong naging favor sa kanya. He seldom asked kaya pagbibigyan ko na muna. Atsaka parang hindi ko naman ata kayang hindi siya pansinin dahil elementary pa lang ay magbestfriend na kaming dalawa. Hindi ko lang talaga lubos maisip na sa ganitong lugar pa talaga siya magsi-celebrate ng birthday niya. Go with the flow lang din ang dalawa and to think na mga babae pa sila. "I love you Mamsh!" Inirapan ko na lang siya at binaling ang tingin sa entablado. Kahit nalalaswaan ako, hindi ko naman maiwas-iwas ang tingin sa katawan ng mga sumasayaw. I'm gay and I think it's normal to me to feel something for a guy who has a beautiful body like them. Kumukontra lang ang isip ko dahil pinapairal ko kasi ang turo at pangaral sa akin ng mga magulang ko. Napatitig ako sa nakatakip na mukha ng mga lalake. Siguro, kung kilala ko ang mga ito, kahit nakatakip ang mata at ilong nila, makikilala ko pa rin sila. At ano kaya ang nasa likod kung bakit ginagawa nila ito? I'm sure hindi rin naman nila gusto ang ginagawa. Nagpapakababa para kumita ng pera. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil hindi ko alam ang mga pinagdadaanan nila. Iyon lang sana ay naghanap sila ng desenteng trabaho. They have the looks. Pwede silang magmodel o mag-artista. Hindi ito na napipilitan lang sila. Mayamaya ay bumaba ang tatlong kalalakihan at sa harap ng mga audience mismo sumayaw. Hinahayaan lang nilang hawakan at haplusin ng mga tao ang maseselang bahagi ng kanilang katawan kapalit ang sinasabit na papel sa underwear nila. Nang matapos ang performance, sabay-sabay ang mga itong yumuko at tumakbo palabas ng stage. Pumasok agad ang isang lalake o mas tamang sabihin na bakla dahil kahit malaki ang pangangatawan, halata pa rin ang pilantik ng galaw nito lalo na sa boses. Pinakilala niya ang susunod na magtatanghal. Mas lumakas pa ang hiyawan at tilian ng crowd. Chineer nilang muli ang pangalang Thor. Sa ilang sandali pa, lumabas ang lalaking nakasuot din ng maskara, puting sando at pants ng isang bumbero. Gaya ng sa mga lalaki kanina. Pumainlang sa loob ang malaswang tugtugin. Nagsimulang sumayaw ang lalaki na tinawag nilang Thor. Tilian ang lahat. Nang pinunit nito ang sando, mas naging maingay ang paligid. Halos magwala na ang manonood. Ako naman ay napanganga sa nasilayan. Lalo na sa kaliwang dibdib ng lalaki. "That tattoo..." Mahinang usal ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na ang tattoo'ng 'yan kaninang umaga. Nang tumalikod siya para baklasin ang suot na pants at makita ang dragon na tattoo sa ibabang bahagi ng kanyang likuran, nakumpirma kong siya nga ang lalaking unang beses ko pa lang nakita sa klase kanina. Si Adam... ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

OSCAR

read
227.5K
bc

NINONG III

read
364.6K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook