Story By Iamjaelopez
author-avatar

Iamjaelopez

ABOUTquote
Write from your heart and soul. I may not be a good writer, but I can give you a good story. This account focuses on LGBTQ+ stories.
bc
Not Like A Fairytale (BxB)
Updated at Jan 8, 2021, 22:42
Bata pa lang ay pinangarap na ni Luke na magkaroon ng mala-fairytale na love story just like his parents. Subalit, parang hindi ata mangyayari iyon sa kanya. Ang inaasahan niyang fairytale ay disaster pala. Dapat siya ang ililigtas ng kanyang Prince Charming sa tiyak na kapahamakan, pero mukhang siya pa pala ang magliligtas dito. Iligtas sa kinasasadlakan nitong buhay. Though it's not like a fairytale love story, mararansan din kaya nila ang katagang "and they lived happily ever after" na siyang tumatapos sa bawat kwento?
like
bc
Off Limits (Boyxboy)
Updated at Aug 16, 2019, 04:35
Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao. Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging aware sa status nito. Nalaman niyang may asawa't anak na pala ito. Off Limits na. Hindi na pwede. Kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya. Isa pa, bakla siya. Straight ito. Pero paano niya gagawin na itigil ang nararamdaman kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay parati niya itong nakikita at nakakausap. Pinilit niya na umiwas na lamang dahil ito ang mas magandang gawin. Pero pilit talaga silang pinaglalapit ng pagkakataon at hindi niya inaasahan na mai-in love siya rito nang hindi niya namamalayan. Paano na ito? Paano niya haharapin ang kahibangan niyang ito? Magmamahal na nga lang siyang muli, sa isang tao pa na kailanma'y hindi na pwedeng maangkin. ***
like
bc
The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)
Updated at Aug 6, 2019, 06:45
Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin, mga anak ng kanyang yumaong kakambal. His sister died because of complications. Hindi kinaya nito ang pagluwal sa dalawang bata. Namatay din ang kanyang ina dahil sa sakit na breast cancer. Naging katuwang niya sa pag-aalaga ang kanyang tita subalit namatay din ito dahil din sa isang malubhang sakit. Lahat ng taong minamahal niya ay iniwan siya. Ang daddy niya, ang mommy niya, ang kapatid niya at ang tita niya. Isang tao lang ang kanyang sinisi sa lahat ng nangyayari sa kanya na halos ikinasuko na niya. Pero naging malakas siya dahil sa kanyang mga pamangkin. Mahal na mahal niya ang mga ito at itinuring na tunay na mga anak. Nagpakakatatay siya. Pinilit na hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay. Sa paglipas ng mga taon, naging maayos ang buhay niya kasama ang dalawa niyang kayamanan. Pero paano kung bumalik ang bangungot ng nakaraan? Haharapin ba niya ito at itutuloy ang pangakong ipaghihiganti ang lahat ng kasamaan na idinulot nito sa kanya? O hahayaan na lamang niya ang bangungot na ito at gigising na lang sa mula sa isang magandang panaginip?
like
bc
The CEO: Xavier Montenegro (Love Affair Series)
Updated at Jul 30, 2019, 04:20
Hindi lubos akalain ni Caine na sa mura niyang isipan ay masasaksihan niya ang isang malagim na krimen na nagpabago sa buong buhay niya. Mula sa isang hilaw na kapatid, pagkalipas ng sampung taon ay magiging bodyguard siya ng aroganteng CEO na si Xavier Montenegro. Sanay siyang kontrolin ang emosyon dahil na rin sa pagiging sundalo niya ngunit bakit tila pagdating sa lalaking ito ay nanghihina siya? Naging parte siya ng buhay nito noon? Gusto nitong maging parte ulit siya ngayon, ngunit hindi na bilang hilaw na kapatid kung 'di bilang kasintahan ng minamahal! Tatanggapin kaya ito ni Caine o tatanggihan? Mareresist kaya niya ang charms nito lalo pa't may nangyari ulit sa kanila nang hindi nila inaasahan. Naulit ang pinakakatagong sekreto nila sampung taon na ang nakakalipas! At ano kaya ang sekretong ito?
like
bc
The Heartless Jerk (Dangerous Man Series)
Updated at Jul 29, 2019, 14:41
Bata pa lang ay ulila na si Mikko. Pagkatapos mabuntis ang ina ay iniwan ito ng kanyang amang Koreano. Siyam na taon ay namatay naman sa aksidente ang kanyang ina. Napunta siya sa isang pamilya na hindi niya kadugo na ang buhay ay isang kahig, isang tuka. Sa murang isip at murang edad ay marami na siyang napagdaanan. Hindi niya nasubukan ang mamuhay ng normal bilang bata. Naging madamot sa kanya ang mundo. Ngunit sa kabila nito, nabiyayaan naman siya ng mapagmahal na mga tao na handa siyang alagaan at protektahan. Pero ang buhay sa mundo ay parang isang malaking palaruan. Maglaro ka man ng patas o hindi, susubukin man kung hanggang saan ang kaya mo, kailangan mo pa ring maglaro upang manalo. Sa laro ng buhay ay bawal ang mga mahihina. Kapag pinairal mo ang iyong kahinaan, siguradong katapusan na para sayo. Sinubukan man ni Mikko ang lumaban, sa huli, kahit anong gawin niya ay palagi siyang umuuwing talunan. Kahit ilang beses na siyang bumabangon, pagkadapa pa rin ang nagiging resulta ng lahat. Pagkaitan man ng lahat, hindi nawawala para kay Mikko ang salitang katatagan. Kahit anong hamon ay kinakaya niyang harapin kahit halos sumuko na siya. Palagi niyang iniisip na kapag susuko siya, sa huli ay magiging talunan siya at ayaw niyang mangayari 'yon kahit patuloy siyang sirain ng isang instrumento na ginamit ng mundo upang subukin siya. Siya si Yvo Rain Jontaciergo. Ang taong susubok sa katatagan niya. Ang taong walang konsensyang natitira sa katawan. The assh*le and the heartless jerk he ever met in his entire life.
like
bc
Ang Boss Kong Byudo
Updated at Jul 21, 2019, 04:31
Sa hindi inaasahang pagkakataon, mapapalapit si Jayvee sa kanyang Boss na si Xander at ang dahilan nito ay ang kagustuhan ng anak ng huli na maging tagapag-alaga siya nito.
like