Magkapatid episode 16

1811 Words
NAPASANDAL sa pintuan si Leni, hindi niya alam kung paano tanggapin ang nangyari. “ Bakit kailangan pa itong mangyari sa akin? Bakit kalingan umabot sa ganito? kung kailan dalawang araw nalang ang hinintay namin” napahagolhol na lamang siya sa subrang sama ng loob. “ Leni, ano ang nangyayari?” Alalang tanong ni Gab sa kanya. Napalabas ito ng kuwarto ng marinig ang mga ingay nalikha niya. Tanging hikbi lang ang kanyang naging sagot rito at nagtuloy siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung paano harapin ang kuya, gulong gulo siya sa mga nangyayari, ni hindi niya alam paano sasabihin rito na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Paolo. “ Bakit pa ba dumating sa buhay natin si Jacky?” naikuyom niya ang kanyang mga kamay sa subrang galit, muhing muhi siya rito. “ Hindi mo ako mahal Paolo, dahil kung mahal mo ako, ipaglalaban mo ako. Hindi mo makuhang saktan ako at ilagay sa kahihiyan” humikbing sabi sa kawalan. Pinag pupunit niya ang mga invitation at ang mga iba pang kagamitan sa kanilang kasal. “ hayup, walang hiya! Manloloko!” Sa mga invitation at sa mga souvenir niya ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob. Hanggang sa mapagud siya sa kakaiyak, napahiga siya sa kama. Naka halukipkip, hanggang sa makatulugan na niya iyon. “ LENI lumabas kana sa kwarto mo, kakain na tayo.” Tawag ni Gab sa kanya kina umagahan. Nagising siya sa pagtawag nito pero nanatili siyang naka higa. Wala siyang balak makikipag usap kahit kanino tanging gusto niya lang ay mapag isa. “ Leni, lumabas kana riyan, kakain na tayo." Ulit na tawag ni Gab. " Sagutin mo naman ako” nagsusumamo ang boses nito. At nakaka ilang katok na rin ito. “ Wala akong gana. Kumain ka nalang!” pasigaw niyang sagot sa kapatid na hindi pa rin siya kumilos mula sa pagkakahiga. “ Leni, ano ba ang nangyayari sa inyo ni Paolo?” pangungulit nitong hindi pa rin umalis sa labas ng kanyang pintuan. “ Alam mong nandito lang ako para sa'yo. Pwedi mo akong pagsabihan.” Pagpapatuloy nito. Napa buntong hininga siya at napilitan tumayo, tinungo niya ang pintuan para pagbuksan ang kapatid. Alam niyang hindi ito titigil kapag hindi niya sabihin dito ang nangyayari. “ Ano ba ang ngyari? Bakit ganyan ang hitsura mo?” Bungad nito ng makita siyang namamaga ang mga mata. Halos di na siya makakita sa subrang maga ng mata. Magdamag siyang umiiyak. Gusto niyang magsalita pero walang katagan lumalabas mula sa bibig niya. Hanggang sa mapahagolhol na lamang siya. Nayakap siya ni Gab sa subrang pag alala nito sa kanya” ano ba ang nangyari, ano ba ang problema?” sunod sunod nitong tanong. “ Kuya, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Paolo.” humihikbi niyang sabi. Gulat na gulat ito sa sinabi niya napa kalas ito ng pagyakap sa kanya. "P-paano nangyari iyon? Niloloko kaba niya?” hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. Lalo siyang napa hagolhol,“ Ikakasal na sila ni Jacky kuya. Ang sakit sakit!” Nayakap siya rito ng mahigpit tila dito siya kumukuha ng lakas. “ Papatayin ko ang lalaking 'yan sa oras na magpakita siya rito.” Galit nitong sabi. “ Kuya, kailangan niya pakasalan si Jacky, dahil sa hiling ng kanyang ina. Ayaw niya itong suwayin.” Humihikbi pa rin niyang sabi. Napa kuyom ng kamay si Gab sa subrang galit naramdaman ng mga sandaling iyon. “ Salot talaga 'yang Jacky na iyan. Pipilipitin ko ang leeg n'yan sa oras na makita ko.” nang gigil na sabi ni Gab. Maya-maya pa ay hinila siya ng kapatid papunta sa kusina. “ Kumain kana, kalimutan na natin ang mga walang kwentang tao sa buhay natin. " Wag mong itigil ang mundo mo Leni, dahil lang sa mga taong nanakit sa'yo. Hindi sila kawalan sa atin” ani Gab. Kahit papaano gumaan gaan ng kunti ang kanyang dibdib sa pag damay ni Gab at sa ipinakitang pagmamahal nito sa kanya. “ NAPAG usapan niyo na ba ang kasal niyo?” Tanong ng ina ni Paolo sa kanila ni Jacky, habang nasa sala sila nakaupo. Sinadya nitong inbitahan si Jacky, sa bahay nila mananghalian para pag usapan nito ang kanilang magiging kasal. “ Hindi pa tita.” tugon ni Jacky sa Ginang. “Bakit pinapatagal niyo pa iyan? Gusto ko nang makasal kayo sa madaling panahon bago pa ako mawala sa mundong ito.” Anito, may halong pangunsiya sa boses nito. Tahimik lang siya nakaupo sa dulo ng sofa. Nakita niya ang paghawak ni Jacky, sa kamay ng kanyang ina. “ Tita, 'wag naman kayo magsasalita ng ganyan” tugon ng dalaga sa ginang. “Hindi natin alam kung hanggang kailan lang ako rito, kaya gusto kong masaksihan ang araw ng kasal niyo” “ Ma, please naman 'wag na kayong magsasalita ng ganyan.” Hindi niya matiis pakinggan ang ina sa ganu'n usapin. “ Jacky, hija sinasabihan mo na ba ang mga magulang mo na ikakasal kana?” Uuwi ba sila hija?” Sunod sunod nitong tanong. “ Hindi pa tita.” Maikli nitong tugon rito. “ Ma, may nakuha na akong pastor na magkakasal sa amin ni Jacky” Sabad niya. Inisip niya ang kaibigan pastor ito ang gusto niyang magkakasal sa kanila ni Jacky. “ Hindi na natin kailangan hintayin pa umuwi ang mga magulang ni Jacky. gusto kunang matapos ito.” aniya sa dalawa. “ Kailangan natin paghandaan ito” anang ina niya “ Gusto ko ang bonggang kasal” giit ng ina. “ Ma, hindi na mahalaga ang bongga. Nothing special sa kasal na 'to” puno ng hinanakit ang boses niya. Pakiramdam niya hindi na siya makahinga. Sakal na sakal na siya sa ginagawa ng kanyang ina. Tumayo siya para iwanan ang dalawa. “ Saan ka pupunta Paolo?” Agad na tanong ng ina ng tunguhin niya ang pintuan. “ Magpapahangin lang ako ma.” Dere-deretso siyang tinungo ang nakaparadang sasakyan. LABIS na nasaktan si Jacky sa turan ng binata. Nasaktan siya sa sinabi nitong" walang special sa kasal nila. “ Ikaw hija, ano ba ang gusto mo? Ikaw ang babae ikaw ang dapat masusunod rito” anang ginang sa kanya ng maiwan silang dalawa. “ Tita, susundin nalang natin ang gusto ni Paolo, pa-sasaan ba at mamahalin niya rin ako, gaya ng pagmamahal niya sa akin noon bago dumating ang babaeng 'yon” aniya. “ Okay lang sayo na simpleng kasalan lamang?” Kunot-noo tanong ng ginang sa kanya. “ Okay lang ako tita, ang mahalaga ang makasal kami. Gagawin ko nalang ang lahat tita, maibalik ko ang pagmamahal na iyon.” “ May tiwala ako sayo hija, ang mahalaga ngayon ay hindi siya makasal sa babaeng iyon.” Tugon ng ginang sa kanya. “ Kapag naibalik ko ang pagmamahal na 'yon tita, pwedi naman kami magpakasal uli” nakangiti niyang sabi na kaagad naman sinangayunan ng ginang. Hindi na mahalaga sa kanya kung ingrande oh hindi kanilang magiging kasal ang mahalaga sa kanya ngayon, ay tuluyan na itong magiging kanya. At hindi na ito maagaw pa ng iba. “ Minsan na akong iniwan ng mga kapatid ko, hindi ko na hahayaan pa na maulit iyong muli. At lalong hindi ko hahayan na basta basta ka nalang niyang kunin sa akin. " Ipaglalaban kita hanggang sa kamatayan ko Paolo.” sa kaloob looban niya. “ Ayusin mo na ang mga papers mo, para maikasal na kayo agad, bago pa tayo mahuli ni Paolo” untag ng ginang sa kanyang pananahimik. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na siya rito para ayusin na niya ang dapat niyang ayusin. “ TOL please, palabasin mo si Leni." Napa tayo si Leni, sa pagkakahiga ng marinig niya ang boses ni Paolo mula sa labas ng kanilang gate. Isang linggo na rin ang lumipas mula ng paghihiwalay nila at ngayon lang din ito muling nagpakita sa kanila. Lumapit siya sa bintana. “ Wag na wag mo akong matawag tawag na tol.” Galit na sabi ni Gab, at sinundan nito iyon ng suntok sa sikmura ni Paolo. Napa takbo siya palabas para awatin ang kapatid, nasa pintuan na siya ng magsalita muli si Gab. “ Sinabi ko na sa'yo noon na wag mong sasaktan ang kapatid ko binabalaan kita.” Bulyaw nito sa namimilipit na si Paolo. “ Magpapaliwanag ako Gab, please pakinggan mo muna ako.” pakiusap nito. " Wag kana magpaliwanag pa dahil hindi na mababago ng paliwang mo ang nangyayari." Tinalikuran ito ni Gab. “ Napilitan lang akong ikasal kay Jacky, dahil ayaw kung atakihin ang ina ko sa puso. Sana maintindihan mo!” Ani Paolo sa naka talikod na si Gab. Napa halukipkip siya sa may pintuan at nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Napa tigil sa paglakad si Gab at hinarap si Paolo “ Mabuti pa umalis kana dito." Taboy nito. " Gusto ko lang makausap si Leni, gusto ko lang na mapatawad niya ako." " Para saan pa?" anito kay Paolo. “ Hindi kana kailangan ng kapatid ko kaya, umalis kana. Alis, Alis!” Inis na taboy ni Gab at pinagsarhan ito ng gate. Humahagolhol siyang tumatakbo papasok sa kanyang kwarto. Muling bumangon ang sakit na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Ramdam niya ang pagtigil ng ikot nang mundo. Hindi niya pa rin matanggap sa isiping ikakasal na ito kay Jacky. Pakiwari niya paulit-ulit pinag sasaksak ang puso niya sa subrang sakit. Naramdaman niyang naninikip ang kanyang dibdib kaya lumabas siya ng kanyang silid para kumuha ng tubig. Hindi sadyang mapalingon siya sa sala. Natanaw niya si Gab naka tayo sa gilid ng bintana naka cross ang mga braso nito sa dibdib at nakatanaw sa labas. Naglakad siya palapit rito,“ Kuya” Napansin niya ang pagpahid nito ng luha bago siya nilingon. “ Umalis na siya.” Anito sa mahinang boses “ Okay, kalang ba kuya?” “ A-ayos lang ako” Alam niyang nasasaktan din ito para sa kanya “ Maraming salamat kuya, lagi kang naka alalay sa akin” mangiyak ngiyak niyang sabi rito. “ Hayaan mo malalagpasan mo rin ito.” Alo nito sa kanya. “ Kuya, gusto kung malaman mo na appreciate ko ang ginagawa mo sa akin, ang pag-alalay mo” “ Responsibilidad ko ang alalayan ka, dahil kapatid kita. Mahal kita, nasasaktan ako kapag nasasaktan ka” Nayakap niya ito ng mahigpit. Lumaki sila na walang ama pero sa piling ni Gab, naramdaman niya ang pagmamahal ng isang ama dahil pinaparamdam naman nito ang pagmamahal na hinahanap niya sa isang magulang. " Alam mong handa kung gawin ang lahat para sa'yo." sabi nito sa kanya. Naniniwala siya sa sinasabi nito, dahil sinakripisyo nito ang kanilang bunsong kapatid para maligtas siya sa kamatayan. Kahit masakit para rito ang ginawa pero alang alang sa kanya, tiniis nito ang sakit na iyon. Kaya ramdam na ramdam niyang handa siyang protektahan nito hanggang sa kamatayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD