“ MOMMY, kumusta na ang pakiramdam mo?” kaagad na tanong ni Paolo sa ina ng magmulat ito ng mata.
Mula ka gabi, hindi siya umalis sa tabi nito. Mabuti nalang at maunawain ang nobya niyang si Leni na pinauwi niya itong mag-isa.
“ Nasaan si Jacky?” hinagilapng ginang ang si Jacky sa kabuohan ng silid.
“ Tita, nandito lang ako.” Agaran nitong tugon at naglakad palapit sa kama ng ginang.
“ Hija dito kalang sa tabi ko wag mo akong iwan.” Pakiusap nito.
Umupo siya sa sulok, pinagmasdan niya lang ang ina masayang nagku-kwentuhan kay Jacky.
Bumukas ang pinto at bumungad ang family friend na doctor.
" Doc, Alvin baka pwedi na akong lumabas dito sa hospital at sa bahay nalang ako magpapahinga" pakiusap ng kanyang ina sa doctor.
Saglit na tumahimik ang doctor at nakatingin sa ginang. Tila ayaw naman tumahimik ang kanyang ina sa pangungulit nito. Parang ayaw nitong tigilan ang doctor.
“ Bukas, basta wag ka lang magpa stress at wag magpapagud.” bilin ng doctor sa ina.
" Paolo, pease ikaw na ang bahala sa mommy mo. Iwasan siyang ma stress” baling ng doctor sa kanya.
" Okay, doc, ako na ang bahala sa kanya. Maraming salamat" nakangiti niyang tugon sa doctor.
MULA ng makauwi sila sa kanilang bahay, hindi na muna siya pumasok sa kanyang opisina. Personal niyang inalagaan ang ina.
“ Anak, Paolo gusto kung pakasalan mo si Jacky.” Pakiusap ng kanyang ina sa kanya. Nakahiga ito sa kama at siya naman ay nakaupo sa upuan nasa tabi ng bintana.
Para siyang sinabugan ng bomba sa narinig. “ Mom, ikakasal na kami ni Leni sa susunod na araw.”mahinahon niyang sabi sa ina.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ingat na ingat siya sa kanyang binibitawan salita. kakalabas lang nito ng hospital.
“ Susuwayin mo talaga ako Paolo?!” Tumaas ang boses nito.
“ Ma, alam mo naman po nalalapit na ang aming kasal ni Leni, wag niyo nang ipilit pa si Jacky sa akin”
“ Alam mong si Jacky, lang ang gusto kong pakasalan mo.”
Lumapit siya sa ina” ma, alam mo naman hanggang kababata lang ang tingin ko kay Jacky, at hanggang don lang iyon”
“ Lumabas ka ng kwarto ko ngayon din! Ayaw kitang makita!” Pasigaw nitong taboy sa kanya.
Napa buntong hininga nalamang siya at lumabas ng kwarto ng ina.
Bumaba siya ng hagdanan at pasalampak na umupo sa sofa. Nakipag titigan siya sa bobong.
“ Paolo?” Untag ni Jacky sa kanyang pananahimik, at sinabayan nito iyon ng kalabit sa balikat niya. Hindi niya alam kung ilang minuto na itong nakatayo sa gilid niya.
Tinignan niya ito, gusto niya magsalita pero walang lumalabas na katagan sa kanyang bibig.
“ Pwedi ko bang puntahan si Tita sa kwarto niya?”
Tanging tango lang ang kanyang naging tugon rito.
“ Bakit ka nga pala nakatulala?
“ Wala may iniisip lang ako, sige puntahan muna si mommy” Pagka sabing iyon kaagad naman tumalikod sa kanya si Jacky. Sinundan niya ng tingin si Jacky, kuminding kinding naglakad papunta sa hagdanan.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng maisipan niyang dalhan ng paboritong prutas ang ina. Baka sakali lang di na ito galit sa kanya.
Bitbit ang tray may lamang dragon fruit at juice, tinungo niya ang kwarto ng ina. Bahagya bukas ang pintuan.
“ Jacky, kung mawala man ako sa mundong ito, gusto ko hija maging masaya ka.”narinig niyang sabi ng ina.
Nakaramdam siya ng pagka bahala sa narinig. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong iparinig iyon sa kanya. Or nagkataon lang na abutan niya na iyon ang sinasabi ng ina.
Kahit ganon ang kanyang ina mahal na mahal niya ito. At ayaw niya itong mawala sa kanya ito nalang ang natitira sa kanya. Halos ikamatay niya noon ang pagka wala ng ama ng mamatay ito sasakit na Cancer. kaya takot na takot siya nong inatake ang ina.
“ Mom, wagka naman magsalita ng ganyan.” Saway niya rito ng tuluyan siyang makapasok sa loob.
“ Mabuti pa kumain ka nito.” Nilapag niya ang bitbit na tray sa bedside table.
Hindi siya nito tinapunan ng tingin. Nakasimangot lang ito nakatitig sa bobong.
“ Ma, naman wagna kayong magalit sa akin” aniya rito
“ Kahit, kailan hindi mo talaga ako binigyan halaga bilang ina mo. Baliwala nalang sayo ang naramdaman ko” may himig pagtatampo sa boses nito.
“ Ma——“
“ Hayaan mo, pagmawala ako sa mundong ito, wala ng makikialam sayo” putol nito sa sasabihin pa niya sana.
“ Wag naman kayo magsalita ng ganyan ma”
“ Masama ang loob ko sayo Paolo” umiiyak nitong sabi.
“Lalabas na muna ako” ani Jacky, tumayo.
“ Hindi ka aalis Jacky, dito kalang. Ikaw lang ang nagbigay ng halaga sa akin” biglang humahagolhol ang kanyang ina na ikinabahala niya.
Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi na siya nakapag isip pa ng maayos.
“ Okay, mom, papayag na ako sa gusto mo.” Mabigat ang kanyang loob ng sabihin niya iyon.
Biglang nagliwanag ang mukha ng ina sa sinabi niya. “ Talaga anak? Kung alam mo lang gaano mo ako pinasaya.”
“ Ngayon, pa lang pag isipan na natin ang kasal niyo, kung saan ito e held. At gusto ko iyong bongga kasal” Excited nitong sabi.
“ Mom, pumayag ako sa gusto niyo magpakasal, pero gusto ko yong simply lang.” Pagkasabi niya iyon ay lumabas siya sa silid ng ina.
PAKIRAMDAM ni Jacky ng mga sandaling iyon para siyang dinuduyan sa alapaap. Papakasal sa kanya ang binata.
“ Okay lang ako sa simpleng kasalan tita importante makasal kami.” Naka ngiti niyang sabi rito ng maiwan silang dalawa.
“ Nakuha din kita” hindi maalis ang mga ngiti sa labi ni Jacky sa subrang tuwa.
“ Ngayon magiging akin kana rin Paolo. Hindi talaga kita papakawalan ngayon na maging asawa na kita. Hindi ko hahayaan na basta basta kana lang maagaw sa akin ng babaeng iyon.”
Nagpaalam siya sa ginang na aalis na siya, gusto niyang ipagdiwang ang magandang nangyari sa buhay niya ngayon araw na ito.
Pagkalabas niya ng kwarto natanaw niya si Paolo pababa ng hagdanan. Huminto ito sa paglakad tila hinintay siyang makalapit.
“ Paolo” nakangiti niyang bigkas at nilapitan ito.
“ Masaya kana? Sinira mo ang buhay ko?” Sumambat nito sa kanya.
“ Hindi ko sinira ang buhay mo” mahinang sabi niya rito.
“Tayo, naman talaga noon diba? Tinupad ko lang ang pangako natin sa isat-isa” nagtuloy siyang bumaba ng hagdanan.
Ng tuluyan na siyang nakababa ay bigla siyang hinablot nito sa balikat.
“ Ano ba?”
“ Sinulsulan mo si mommy ano?"nanlilisik ang mga mata nagtatanong sa kanya.
Pilit niyang iwinawaksi ang mga kamay nito. Na lalo pang hinihpitan ang pagkahawak sa balikat niya“ Ano ba? Paolo, nasasaktan ako, bitiwan mo ako”
“ Hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa akin Jacky, ngayon sinira mo ang buhay ko. Sisiguraduhin kung maging imperno ang pagsasama natin dalawa pangako ko ‘yan sa iyo.” Pabalibag siyang binitawan nito saka tinalikuran.
Napaiyak siyang sinundan ng tanaw ang binatang lumabas ng pintuan.
“ Minahal lang naman kita Paolo. Kasalanan ba iyon?”napahikbi siyang lumabas ng bahay.
KAKATAPOS lang ni Leni, kumain ng hapunan ng maisipan niyang pumasok ng kanyang kuwarto para, tapusin ang kanyang ginagawang pag rereview sa mga bisitang kanilang inbitahan sa kasal. Baka may nakalimutan siyang isulat.
“ Leni” anang kuya niya.
“ bakit kuya?” Tanong niya ng pagbuksan ito ng pinto.
“ Parang narinig ko ang sasakyan ni Paolo huminto sa labas kanina”
Napa-kunot noo siya“ Kanina? Bakit hindi niya tayo tinawag?”
Nagkibit balikat lang ito sa kanya.
“ Sigurado kaba kuya?”
“ Baka nga nagkamali ako, kanina ko pa iyon narinig. Pero hindi niya naman tayo kinatok. Baka nga ibang sasakyan lang iyon” ani Gab at umalis na para pumasok sa kwarto nito.
Pumasok narin siya sa kanyang kwarto, tila may nagtulak naman sa kanyang silipin sa bintana niya kung naroon ba ang sasakyan ng binata. Matanaw naman niya ang labas ng gate mula sa kanyang kuwarto.
Hindi nga siya nagkakamali nakita niya ang sasakyan ni Paolo nakaparada roon” ano ang ginagawa ng mamang iyan diyan, bakit hindi pumasok dito sa bahay” nakangiti niyang sabi.
Sinuri niya muna ang mukha sa salamin bago lumabas ng kanyang kuwarto para puntahan ang binata.
KANINA pa nakatambay si Paolo sa labas ng bahay ni Leni. Tulero ang kanyang pag-iisip. Ayaw niyang saktan si ito,
Pero kailangan niyang gawin ang tama.
Alam niyang masasaktan ito pero karapatan ni Leni malaman iyon. Alam niya rin hindi deserve ni Leni ang masaktan, dahil mahal na mahal niya ito.
Pero kinakailangan niya isakrepesyo ang pagmamahalan nila alang alang sa ina. Hindi lang naman ito ang masaktan, dahil ngayon palang ramdam na niya ang kinukulong sasariling kaligayahan. Nasasaktan at nahihirapan din siya.
Humugot siya ng malalim na hininga bago bumaba sasakyan.
tamang tama nasa gate na siya ng lumabas si Leni sa pintuan.
“ Love” nakangiti nitong bungad sa kanya.
Pakiramdam niya sinisipa ang kanyang dibdib sasakit ng makita ang dalaga nakangiti sa kanya. Masayang sinalubong siya.
“ Kumusta ang mommy mo?” Bungad nito ng pagbuksan siya ng gate.
“ O-okay lang” walang kabuhay buhay niyang sabi.
“ Love, okay ka lang ba?” Alalang tanong nito sa kanya at hinila siya papasok sa loob.
Umupo siya sa sofa at humugot ng malalim na hininga “m-magpapakasal na kami ni Jacky.”
“ Ano?! “ Napalakas ang boses nito sa subrang pagkagulat sa narinig.
“ Paano tayo? sa makalawa na ang kasal natin.” anitong nanginginig ang boses.
“ A-alam mong mahal kita, pero ayaw kung may mangyari kay Mommy. Sana maunawaan mo.” Halos pumiyok na ang boses niya.
“ Ganon nalang ba iyon Pao? Yong pinaghandaan natin mawawala nalang ng ganon ganon?”
“ I’m sorry” tanging bulalas niya.
“ Mabuti pa umalis kana.” Umiiyak nitong taboy sa kanya.
“ Leni, please unawain mo ako.”
“ Labas! Lumabas ka!” Pinagtulakan siya nito.
“ patawarin mo ako Leni”
“ Wag kanang bumalik rito, ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mo!”sigaw nito sa kanya na halos isumpa na siya sa subrang galit nito.
Pabalibag na sinara nito ang pinto. Laglag ang kanyang mga balikat na nilisan ang lugar ni Leni.