Magkapatid Episode 14

915 Words
“ DO YOU know what that witch done to Jacky?” Bungad ni Miranda ng maka uwi ng bahay ang anak na si Paolo. “ Ma, dont call her that. She have a name.” Tanggol niya sa kasintahan. “ It was Jacky's fault she tried to attacked her.” “ Pinagtatanggol mo talaga 'yong babae ‘yon. Can't you see? Dahil dun sa babae na yon nagkakagulo tayo. Yan ba ang gusto mong e-uwi dito sa pamamahay natin?” nang galaiti sa galit ang ginang. Napatingin siya sa sahig nakahawak ang kanang kamay sa kanyang batok. Tila ba don siya humugot ng lakas para di masagot sagot ang ina. “ Paolo, kahit kailan hind ko matatanggap ang babaeng iyan na maging manugang ko.” Mariin nitong sabi sa kanya. “ Ma, wala akong magagawa, pero hindi mo ako mapipigilang pakasalan siya. Mahal ko siya" tinalikuran niya ang ina. Nagtuloy siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya hahayaan hadlangan ng kanyang ina ang kanyang kaligayahan. Siya ang makikisama sa babaeng mahal niya hindi ang kanyang ina kaya gagawin niya ang gusto niyang magpapaligaya sa kanya. “ ANG gwapo naman ng magiging husband ko.” puri ni Leni ng sunduin siya ni Paolo sa kanilang bahay. Inaya siya nitong kumain sa labas. Naka sout ito ng pormal attire. “ Kamukhang kamukha mo si Josh Hartnett ng pearl harvour.” walang sawang puri niya rito. “ Naku ang layo kaya non sa akin, mas gwapo pa ako don ah,” Pabiro nitong sabi. “ Yabang.” Nakangiti niyang tugon sa binata. “ Hindi ka talaga pumapalya sa pagbibigay sa akin ng mga bulaklak.” kinikilig niyang sabi ng tanggapin ang bulaklak. “ Syempre, mahal kita, kaya araw arawin kitang pagdalhan ng mga magaganda bulaklak na kasing ganda mo.” sabay halik nito sa kanya labi. “ Hmmmm tayo nanga pinapataba mo lalo ang puso ko niyan sa mga pinagsasabi mo.” nakangiting inirapan ito. Inalalayan siya ng binata makasakay sa kotse. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. “ Napaka gentleman talaga nitong magiging asawa ko.” Masayang sabi niya rito. “ Ilang araw nalang magiging mrs Reyes kana. Hindi na ako maka paghintay.” Excited nitong sabi. Bigla tumunog ang celphone ng binata. Kunot noo nitong tinignan ang celphone. “ Sagutin muna baka importante ang tawag na iyan.” Mungkahi niya ng hindi sagutin ng binata ang tawag. “ Hello Jacky? Napawatag ka?" narinig niyang sabi nito. Nilagay pa ng binata sa loud speaker ang celphone “ Paolo, s-si tita dinala namin sa hospital.” pautal utal na sabi ni Jacky, sa kabilang linya. “ Ano? Bakit ano ang ngyari?” “ Inatake sa puso.” Mahina nitong sabi. “ Saan hospital kayo? pupuntahan ko kayo.” matapos masabi ng kausap ang pangalan ng hospital ay agad niyang pinindot ang end button. “ Loves, ano ang nangyari?” alala niyang tanong rito ng paandarin nito ang sasakyan “ Si Mommy loves nasa hospital, inatake daw sa puso.” “ Sana okay lang ang mommy mo labs.” nag-alala din siya para sa ina nito. kahit di sila magkasundo ng ginang hindi niya naman pinangarap, na may mangyayari sa ina ng binata. Mabilis ang kanilang mga hakbang ng binata papunta sa kwarto ng ina nito ng maka salubong nila ang doctor palabas ng kwarto. “ Doc, kumusta ang mama ko?” “ Paolo, okay na ang mommy mo, naninikip ang dibdib niya dulot ng pagud at stress. Kailangan niya lang ng magpahinga. Kung maari iwasan siyang ma stress at wag pagurin.” anang doctor at nagtuloy na itong umalis. Nagpaiwan na lamang siya sa labas ng kuwarto ng ginang. Ayaw niyang magpakita rito baka lalo pa itong atakehin pagmakita siya. ” Dito lang ako maghihintay sa labas loves.” Aniya sa binata. Tumango tango ang binata sa kanya at nagtuloy itong pumasok sa kwarto. Naiinip siyang nag antay sa labas. Gustuhin man niyang sundan ang nobyo sa loob ng kwarto, ay hindi niya ginawa. Nagpalakadlakad na lamang siya habang hinantay ang nobyo lumabas. “ Loves hindi na muna kita maihatid ngayon ha?” pukaw sa kanya ni Paolo ng balikan siya nito. “ Okay lang loves, naintindihan ko. Paano uuwi na ako?” “ Sorry talaga loves hindi natuloy ang date natin.” Malungkot ang mukha nito. hinawakan niya sa kamay ang nobyo“ Wag muna isipin 'yon madami pa naman panahon para mag date tayong muli.” Aniya saka hinalikan ito. “ Hindi na ako magtatagal. Balitaan nalang tayo.” pagka sabi iyon umalis na siya ng hospital. “ HI! Leni. “ Bati sa kanya ni Stella ng madatnan niya ito sa kanilang bahay. napasimangot siya ng makita ito“ A-ano ang ginagawa mo rito?” “ Sinama ko siya dito.” Si Gab ang sumagot sa tanong niya. “ Sige, kuya papasok na ako sa kwarto ko.” tumalikod na siya para iwan ang dalawa. “ Pasensiyahan muna ang kapatid ko ha? “ narinig niyang hinging umanhin ni Gab kay Stella. “ Okay lang naiintindihan ko Gab. May kasalanan din ako sa kanya kaya normal lang na magalit siya sa akin.” “ Hayaan mo magiging okay din kayo, mabait naman iyang kapatid ko, maiintindihan niya rin tayo.” Ani Gab sa nobya. “ Hayaan mo para saiyo susuyuin ko si Leni hanggang sa mapatawad na niya ako sa kasalanan ko" Kahulihan niyang narinig ang boses ni Stella. Mabigat parin ang loob niya para sa nobya ng kapatid. Marahan niyang sinara ang pinto sa kanyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD