"I'm here to ask all of you, as a mother, to spare your ill judgements away from my only daughter. Kung anuman ang nangyari noon, wala siyang kasalan at hindi siya dapat mahusgahan dahil lamang sa mga nagawa kong pagkakamali." Tuluyan akong napaupo habang hawak-hawak ang telepono ni Melanie sa aking kamay. Kaagad naman akong dinaluhan ng aking manager at inalalayan akong umupo sa sofa. "Pumayag ako sa interview na ito upang ilahad sa inyo ang tunay na nangyari sa pagitan namin ni Leon Halsey at kung paanong nauwi ang lahat ng ito sa issue na kinasasangkutan ng aking anak." She goes on telling every detail of our wretched life. Mula sa magulong buhay niya bilang kabit hanggang sa pagdadaupang palad namin ni Nathan, at maging ang mga namagitang gulo sa amin ni Arcell. Pakiramdam ko’y hin

