Isang masigabong palakpakan ang bumungad sa’kin nang tumapak ako palabas ng booth. Tumayo ang lahat ng empleyado ng programang kinabibilangan ko. Nakangiti sila ngunit bakas ang lungkot sa kani-kanilang mga mata. After the wedding proposal, ilang linggo rin akong nagmuni-muni bago ako nagdesisyon na ituloy ang pagre-resign. Today is my last day as DJ Black. Katulad ng ipinangako ko, tuluyan ko nang bibitawan at iiwan sa nakaraan ang madilim kong persona sa radyo. Hindi ko na kailangang magtago sa likuran ng mikropono dahil ngayo’y natagpuan ko na ang liwanag sa buhay ko. Sinubukan din ni Nathan na pigilan ako sapagkat alam niyang matagal ko rin na pinaghirapan ang karera ko bilang DJ pero buo at hindi na mababali pa ang aking desisyon. “Mami-miss ka namin, Black.” Isang yakap ang sin

