"You did well." Ang sumunod na mga kataga mula kay Nathan ay naghatid ng labis na pagtataka sa aking isipan sa kung anong ibig niyang sabihin. Mas lalo pa akong nagulat nang haplusin niya ang ulo ko na tila isa akong paslit na may ginawang kapuri-puri. Ang tanging pinaguusapan lang naman namin ay ang omelet na gawa ng aking ama. What was that for? Ramdam ko ang mabilis na kabog ng aking dibdib habang ginagawa niya iyon. Nanatiling magkasalubong ang aming mga paningin, halos hindi ko na nga naisipan na umiwas ng tingin kahit na nadadama ko na ang paginit ng magkabila kong pisngi. "Ehem." Isang pilit na pagubo ang tuluyang pumukaw sa aming dalawa. Sabay kaming napalingon sa entrada ng kusina kung saan tumambad sina Paix at Nicoleen na kapwa may bitbit na supot at naka

