“You changed a lot.” Nakangising bulalas ni Tyron matapos namin ilahad ni Melanie ang tema ng magiging interview sa pagitan namin. Tumango-tango siya at kinuha ang papel mula sa ibabaw ng mesa. “Sure, let’s do it. Hindi rin naman ako papayag na iba ang tumapos ng nasimulan ko.” “Thank you, Mr. Cheng.” Huminga ako nang malalim at pinukulan siya ng matalim na tingin. “But I hope you don’t think of this as a reconciliation project. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo noon.” “Rather than reconciliation, how about redemption?” Hindi nagpatinag sa mapanindak niyang ekspresyon ang beteranong manunulat. “Alam kong malaki ang naging epekto sa’yo ang ginawa kong pagsiwalat sa pagtataksil ng mga magulang mo. But I’m not gonna apologize for it. Ginawa ko ang tama para sa trabaho at prinsipy

