Liam's Pov.
"Tanga ka din, papipiliin mo ako sa dalawa pero magkaparehas naman. May kulang ba 'yang utak mo, o sadyang pinanganak ka lang na abnormal? Diyan kana nga!" Wika nito kasabay nang pag-alis niya sa kinaroroonan namin. Ako naman ay patuloy na sumusunod sa babaeng ito.
"Wait for me!" Sigaw ko sa babaeng ito. Napaka angas at maldita kung umasta ngayon, samantalang kanina ay parang takot na takot sa akin. Ang bilis talaga magbago ng mood ang mga babae, ang hirap intindihin.
"Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko ginustong makilala kita kaya huwag kang umastang ikaw ang batas ko." Sigaw ulit nito sa akin, natawa na lamang ako at mas binilisan ang paglalakad para maabutan ko siya. Ngunit habang binibilisan ko ang paglalakad ay mas binibilisan din niya. Wala pang kami pero ang lakas na ng topak niya.
Susundan ko lang siya hanggang sa mapagod kakalakad.
Ilang minuto pa ang lumipas at tama nga ako, napagod siya sa paglalakad. Tatabi pa lamang ako sa kaniya, hindi pa ako nakakaupo ngunit iniirapan na naman niya ako.
"Bakit b..." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang niyakap.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Bakit mo ako niyayakap?" Buti naman at hindi malakas ang pagkakasabi nito.
"Let's pretend dahil nandiyan si Andrea at alam kong lalapitan na naman ako niyan," pabulong na wika ko. Buti naman at nakisama siya, niyakap niya ako pabalik.
Hagip naman ng mga mata ko ang babaeng papalapit na sa amin, nagtataray na naman siya. Bakit na naman kaya nandito ang babaeng ito?
Bumitaw si Cristhley sa pagkakayakap namin nang biglang magsalita si Andrea.
"Who is that girl, Liam?" Mataray nitong tanong. "And ba't kayo magkayakap?" Dagdag pa nito.
Sasagot na sana si Cristhley ngunit inunahan ko siya.
"She's my girlfriend," cold na sagot ko sa kaniya.
"What! Hindi pwede, akin ka lang. Sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay ng babaeng 'yan kapag hindi mo hiniwalayan." Mataray siyang naglakad palayo sa kinaroroonan namin.
Hindi na talaga magbabago ang babaeng iyon, akala niya yata lahat ng gusto niya ay makukuha niya.
"Sino ba 'yong Andrea na iyon at parang galit na galit pa sa akin, hindi ko naman inaano. At pinagbantaan pa talaga ang buhay ko," wika ni Crishley.
"Sino ba talaga 'yon at kaano-ano mo siya?" Dagdag pa nito.
Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Siya iyong babaeng sinasabi kong gustong ipakasal sa akin ng aking mga magulang, ngunit hindi ko siya gusto at hinding-hindi ko magugustohan. Naghahabol siya sa akin kahit paulit-ulit ko pang pinagtatabuyan. Ewan ko, ang tibay din ng sikmura niya at nakakaya pa niyang maghabol kahit na paulit-ulit na siyang napapahiya." Patuloy lang akong nagku-kwento habang siya naman ay patuloy at tahimik lang nakikinig.
"Teka nga, hindi ko magets kung bakit gusto ng mga magulang mong pakasalan mo yong babaeng yon."
Hindi na ako nagdalawang isip na sabihin kay Crishley ang dahilan.
"Sa kadahilanang malaki ang utang na loob ng mga magulang ko sa mga magulang ni Andrea. Hindi ko naman alam na yong utang na loob na iyon ay may kapalit na hindi ko magugustohan." Bahagya akong tumigil sa pagsasalita at himinga ng malalim bago tinuloy ang sasabihin ko. "Gusto daw ni Andrea na ako ang mapangasawa niya, kaya sinabi ito ng mga magulang niya sa mga magulang ko na gusto din sang-ayonan ng mga magulang ko." Mahabang paliwanag ko.
"Pero paano mo naman matatanggihan o matatakasan yon?" Tanong niya ulit sa akin.
"Hindi ko kailangan takasan iyon dahil hindi nila ako pwedeng pilitin at ipakasal sa babaeng hindi ko naman mahal." Tumango-tango lamang siya ng paulit-ulit bilang pagsang-ayon sa akin sinabi.
"Let's go? Huwag na natin pag-usapan yon, sayang lang ang oras. Tara na at kumain na muna tayo." Tumayo ako at hinila siya papunta na sana sa kainan.
Ngunit, "paano ako makakakain kung busog pa ako? Bago kasi kami lumapit sa inyo kanina eh kakatapos namin kumain ni Karylle," nahihiya nitong sagot sa akin. Natawa na lamang ako sa naging reaksiyon niya.
"Kahit pa busog ka. Sa ayaw at sa gusto mo, let's have a date." Hindi na siya nagreklamo at nakasimangot na lamang na sumama sa akin.
Kahit pa hindi ko aminin, maganda talaga siya. Simpleng babae ngunit napaka amo ng mukha niya.
A/N: Did you enjoy this chapter and ready for the next chapter of the story? Then join me and continue reading but please limit your expectations.