Chapter 1
Crishley's Pov.
"Tara na, naiinip na ako."
"Teka lang, magpapaalam lang muna ako kay Manang Ester." Ang tinutukoy niya ay ang kanilang matandang kasambahay. Siya kasi ang tumatayong mga magulang ni Karylle simula noong bata pa siya. Dahil katulad ko ay laging busy sa trabaho ang mga magulang namin. Karylle and I have been friends for a long time, we are the ones who help each other with all the problems we go through. Our parents also know that we have been friends for a long time, kaya naman welcome na welcome na siya sa bahay namin at gano'n din ako dito sa bahay nila.
"Let's go?" Wika nito at tumango lamang ako bilang pagsang-ayon ko sa kanyang sinabi.
"Mag-iingat kayong dalawa," pahabol na sambit ni Manang Ester na kasambahay nila.
Naglakad na kami palabas, at dahil tinatamad kaming dalawa ni Karylle na magdrive ng kaniya-kaniya naming sasakyan ay nagpadrive na lamang kami sa driver nila.
Habang sinusuklayan ko ang aking mga buhok gamit ang aking mga kamay ay bigla siyang nagsalita, "Saan tayo unang pupunta?" Tanong nito sa akin.
"Syempre hindi pa tayo kumakain at gutom na ako, kaya sa Maroon Restaurant muna tayo pupunta bago tayo pumunta sa Mall." Inirapan lang ako nito at kinuha na niya ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag.
"Kuya sa Maroon Restaurant mo na lamang kami ihatid," utos ni Karylle sa kanilang driver.
"Sige po Maam," magalang na pagsagot ng kanilang driver.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa aming destinasiyon. Bumaba na kami sa sasakyan at dire-diretsong pumasok sa loob ng Restaurant.
Pagkaupo namin ay lumapit na agad sa amin ang isang waiter at ibinigay ang food menu nila. Pagkatapos pa ng ilang minuto ay ibinigay na din namin ang mga orders namin rito. Gutom na din pala si Karylle kagaya ko. Eh, sino ba naman kasing hindi magugutom? Litrato pa lamang ng mga pagkain dito ay halatang masasarap na.
"Sa wakas! Makakakain na rin." Halos matawa ako sa naging reaksiyon ng aking kaibigan. Gutom na gutom na yata siya.
"Ang sarap talaga ng foods nila dito 'no?" Tanging nasabi ko habang ngumunguya
Pagkasubo niya sa pagkain ay tsaka siya sumagot. "Sobra, kaya nga dito rin ang favorite Restaurant nila Mom at Dad kasi hindi siya gano'n kamahal pero masasarap ang mga foods nila."
"Anyway, kailan nga pala uuwi dito sina tita at tito?" Tanong ko sa kaniya. Napatigil siya sa pagnguya ng kinakain niya at napatingin ng bahagya sa akin.
"I don't know. They have not even been calling me," simpleng sagot nito sa akin.
"Hmm... Okay! Me too." I answered. We just kept eating until we were done and full. Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na ulit namin ang waiter para tanongin kung ilan ang bill at tsaka na kami nagbayad para makaalis na sa restaurant at pupunta na din kami sa next destination namin.
Lumabas na kami ng Restaurant at naglakad patungong Mall, tutal malapit lang naman dito ang Mall.
"Hmm! C-crishley." Mapang-asar na wika ni Karylle sa akin. Tinignan ko lamang ito sa paraang nagtatanong na reaksiyon. Nagets naman yata nito kung ano ang ibig kong sabihin.
"May ipapagawa ako sayo. Tutal single ka naman, isang dare lang naman ito." Natameme ako sa kaniyang sinabi. Ano na naman kaya ang kalokohan na nasa isip nito?
"A-ano?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
"Nakikita mo ba 'yong lalaki at babaeng magkasama?" Itinuro niya sa akin ang tinutukoy niyang magkasamang naglalakad patungo sa direksiyon namin.
"What about them?" I asked her. Feeling ko magjowa ang dalawang ito.
"You are going to pretend na kilala mo 'yong lalaki, going to pretend to be his girlfriend and lastly pretend you caught him cheating today with another girl."
"What!" Napalakas ang boses ko sa dahilang hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.
"Are you serious? You're crazy. I can't do that. Paano kung magjowa nga sila? Edi makakasira ako ng relasyon ng iba." Tinawanan lang ako ito.
"Sige na. Mahal mo ako hindi ba? Hindi kita tunay na kaibigan kung hindi mo 'yan gagawin, minsan lang naman." Nagtatampo ang kanyang tinig. Napapikit na lamang ako sa inis at kaunting kahihiyan ang nararamdaman ko sa gagawin ko.
"Okay fine!" Labag sa kalooban kong sagot.
Inayos ko ang aking sarili at naglakad papalapit sa dalawang magkasama na papalapit din sa direksyon namin. Liningon ko muna ang kaibigan ko bago sinimulan ang eksena.
Ilang hakbang pa ay, "What is the meaning of this?" Nagsimula na ako sa kalokohan na ipinagawa ng aking kaibigan.
Napapikit na lamang ako dahil sa pinaggagagawa ko.
"What are you talking about?" Takang tanong ng babaeng kasama nitong lalaki. Kung sabagay, gwapo naman ito. Jackpot kung suswertehin.
"Why are you with my boyfriend?" Sigaw ko rito. Parang nilalamon na ako ng kahihiyan sa ginagawa ko dahil medyo madaming tao na ang nagsisitinginan sa amin. "And you!" Itinuro ko ang lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo habang ito ay nakatingin sa akin.
"What about me?" He asked. Hinatak niya ang aking kamay palapit sa kanya at sinabing, "Masyado naman yatang mainit ang ulo mo mahal ko, kapatid ko lang naman siya." Nag-init ang aking mukha dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Parang maya-maya lamang ay sasabog na ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi ganito ang inasahan ko, hindi ko inasahan na ganito ang magiging sagot niya.
"Huh? Eh!" Hindi ko na alam ang aking sasambitin. Hindi ko ito inaasahan.
"What? Kuya, she's your girlfriend? I thought wala ka pang girlfriend," wika ng babaeng kasama niya na siyang kapatid daw niya.
"Yes little sis, she's my girlfriend. Sorry dahil hindi ko agad nasabi at naipakilala sayo." Hagip ng aking mga mata ang kaibigan kong papalapit na sa amin na halatang nagtataka ang reaksyon.
"Hmm... Masaya akong makilala ka, ate?" Patanong na wika ng kapatid niya.
"C-crishley," dugtong ko sa kaniyang sinabi. Pinilit kong sumagot kahit pa nauutal ako at kinakabahan.
"Nice! Ang ganda naman ng name niyo, kasing ganda mo po. Zia, by the way." Nakangiting naglahad ng kamay sa akin si Zia, ang kapatid ng lalaking tinarget naming pagtripan.
Inilahad ko din ang aking kamay upang makipagkamayan kay Zia.
"So... Tara muna sa Mall mahal?" Parang gusto ko na lamang tumakbo palayo sa kanila para maiwasan ko na itong kalokohan namin ng kaibigan ko.
"H-hmm, wait." Huminga ako ng malalim bago naglakas loob na magsalita. "Kasama ko siya, she's my best friend." Itinuro ko ang nasa likuran namin. Nginitian lamang ako ni Karylle na halatang pati siya ay hindi inaasahan na ganito ang mangyayari. Lumapit si Zia sa kaniya at kinausap si Karylle, habang ako naman ay hawak-hawak parin ng lalaking hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.
"Little sis."
"Yes kuya?"
"Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ng girlfriend ko, okay? Bibili lang muna kami ng ice cream, maglibot-libot na lang muna kayo sa Mall."
"Wait, what?" Hindi ko na yata 'to kaya.
"Go friend, enjoy! Hihintayin na lang namin kayo dito ng boyfriend mo," pagsang-ayon nito na diniinan pa ang pagkakasabi sa 'boyfriend'. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon na din at sumama sa lalaking ito.
Habang naglalakad kami palayo ay unti-unti niyang iniaangat ang kanyang kamay para maakbayan niya ako, dahilan para mailang ako sa kanya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong nito ngunit hindi siya lumilingon sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil nahihiya at kinakabahan ako ngunit pinilit kong sumagot. "Ano k-kasi, hindi ko naman sana 'yon gagawin ngunit pinilit ako ng kaibigan ko. Kumbaga dare lang 'yon," sagot ko.
"Pero ginawa mo. Kaya ngayon, sa ayaw at sa gusto mo ay liligawan kita." What? Hindi pa ako ready na magkaroon ng boyfriend. May gano'n ba? Hindi pa kami magkakilala ngunit manliligaw na siya?
"H-hin"
"Hindi ko hinihiling ang permission mo para ligawan kita. Liligawan kita para naman worth it ang effort mong nangpanggap bilang girlfriend ko," sabi nito.
"P-pero hindi ko naman talaga 'yon ginusto, pinilit lang ako ng kaibigan kong gawin 'yon."
"Pero ginawa mo parin, kaya papayag ka man o hindi ay liligawan kita."
"Ngunit hindi pa gusto ng mga magulang ko na magkaroon ako ng boyfriend, at isa pa ay hindi pa nga tayo magkakilala ay manliligaw kana?"
"Then kakausapin ko ang parents mo. Hindi pa tayo magkakilala? No problem, magpapakilala ako sayo right now. So, I'm Liam Earl Zalvador. 19 years old at itinadhana para sayo."
"Masyado kang mahangin at ang kulit mo din! Hindi ko nga ginustong gawin 'yon."
"Pero ginawa mo nga! Nananahimik ako tapos gagawa ka ng eksena? Kaya para naman worth it ang drama kanina ay manliligaw na ako tutal wala pa naman akong girlfriend. And gusto kasi ng parents kong ipakasal ako sa hindi ko naman gusto, kaya kailangan mo akong tulungan. Kung ayaw mo naman na totohanin ang panliligaw ko, then let's pretend. Yes o yes?"
"Tanga ka din, papipiliin mo ako sa dalawa pero magkaparehas naman. Diyan kana nga!" Wika ko kasabay nang pag-alis ko sa kinaroroonan niya.
A/N: Did you enjoy this chapter and ready for the next chapter of the story? Then join me and continue reading but please limit your expectations. Thank you and Enjoy reading!