Chapter 3

977 Words
Crishley's Pov. Nagising ako dahil sa lakas ng katok na naririnig ko. "Hay! Naitulog ko pala," bulong ko sa aking sarili. Hindi muna ako nagmadaling bumangon para buksan ang pinto, natulala muna ako at biglang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari, kumain lang naman kami sa labas at namasyal ngunit nagkaroon na ako bigla ng boyfriend. Paano na ito kapag nalaman ng mga parents ko? Tiyak na patay ako neto, "Jusko!" "Crish ayos ka lang ba?" Napatakip na lang ako ng bibig ko nang marinig ko ang boses na nagsalita. Kanina pa pala ako tulala at hindi pa binubuksan ang pintuan. "U-uhmm yes mommy, ayos lang po ako." Pasigaw na sagot ko kay mommy. Akala ko ba may meeting sila ngayon, bakit kaya sila nandito? Bago pa ako makapag-isip ng kung ano-ano ay nagsalita na ulit si mommy at sinabing bumaba na daw ako at kakain na kami. Bago pa ako makatayo sa aking kama ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na magme-message sa akin dahil wala naman kaming lakad ni Karylle. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking table at tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit unknown number ito kaya mas lalo akong nagtaka. Sa isip ko, "hindi kaya si..? Ngunit papaano? Hindi ko naman binigay ang number ko sa kaniya." Pinindot ko na ang mensahe at binasa ito. "Hi my Crishley, magbihis kana at susundoin kita. Let's have a date again. Yes ako nga, si Liam. Huwag ka nang magtaka kung saan ko nakuha ang number mo. Bilisan mo at ayo'kong naghihintay ng matagal." Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nabasa ko. Paano ko ipapaliwanag kina mommy at daddy ito? Jusko naman! Napaka demanding pa ng lalaking ito. "Ano ba kasi itong pinasok ko?" Tanong ko sa aking sarili habang napapakamot sa batok. Patay ako, hindi na din dapat kasi ako pumayag na magpahatid kahapon para hindi niya nalaman kung saan ako naka tira. "Kanino mo nga nakuha ang number ko? At isa pa hindi ako pwedeng lumabas ngayon dahil nandito sina mom and dad." Mensahe ko pabalik sa kanya. "At sino naman ang nagsabi sayo na hindi ka pwedeng lumabas? Ipinagpaalam na kita sa Mommy at Daddy mo. Bumaba ka na at kanina pa ako naiinip dito sa baba." Tuluyan ko na ngang nabitawan ang cellphone ko dahil sa mensaheng nabasa ko. Nataranta ako at hindi na alam ang gagawin. Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa aking banyo. Hindi na ako muling nagreply sa siraulong lalaking yon. Natataranta akong nagbibihis at hindi ko alam kung ano ba dapat ang tamang sasabihin ko kina mommy mamaya pagkababa ko. Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong magbihis. Hindi ko alam kung bababa pa ako o magkukulong na lamang sa aking kwarto. Hindi pa ako tuluyang nakakababa ngunit, "Dalian mo na mahal ko at kanina pa naghihintay ang boyfriend mo," wika ni mommy sa akin na makikitang nakangiti pa ang mga labi. Napapikit na lamang ako sa kaba at pinagpatuloy ang paglalakad. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na may boyfriend ka na pala?" Biglang tanong ni Daddy sa akin. "Oo nga naman anak. At bakit si Liam pa mismo ang nagsabi sa amin at wala kang binabanggit sa amin ng daddy mo?" Ayan na sila, sunod-sunod na ang katanungan sa akin. Paano ko ba ito sasabihin sa kanila? Jusko! Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Liam. "Sinabi ko po kasi sa kanya tita and tito na ako na mismo ang magsasabi sa inyo. Balak na po sanang sabihin ni Crish sa inyo ang tungkol sa amin ngunit pinigilan ko at sinabi kong ako na mismo ng magsasabi sa inyo," sagot nito. Tumingin ako sa kanya at kinindatan lang niya ako. "Siraulo," mahinang sambit ko. Dahil sa sinabi niya ay pilit na ngiti lamang ang binitawan ko at hindi na nakapagsalita. "Ano pang hinihintay niyo, lalamig na ang mga pagkain. Tara na at kumain na tayo," pagputol ni mommy sa katahimikan. Hahakbang na sana ako papunta sa kusina ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Hindi na po kami kakain dito ni Crish tita, may pupuntahan po kasi kami at doon na kakain." Sumang-ayon si mommy at daddy sa kanyang sinabi. Iba din talaga ang gayuma ng isang Zalvador. Hahatakin na sana niya ulit ako palabas ngunit, "Teka lang! Magpapalit pa ako, kita mo namang naka short at oversized lang ako." Tinignan niya ako at ang suot ko tsaka siya tumawa. Natawa na lang din sin mom and dad. Ewan ko sa kanila kung bakit ang gaan-gaan na agad ng loob nila sa kupal na lalaking ito. Umakyat na ako papunta ulit sa aking kwarto at nagbihis ng pamasyal na damit ko. Makalipas ulit ang ilang mga minuto ay bumaba na ako at sumama kay Liam para pumunta sa sinasabi niyang pupuntahan namin. Nagpaalam na din ako ng maayos sa mga magulang ko at pumayag naman sila agad. Pagkadating namin sa labas ay nakaparada ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkatapos ay umikot na siya sa driver's seat. "Wow gentleman din pala ang lalaking ito," mahinang sambit ko. "May sinasabi ka?" Napalaki ang mata ko dahil sa gulat ko, ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanya. "Wala, may narinig ka bang sinabi ko?" Tanong ko pabalik sa kanya. Tinignan lang niya ako at hindi na sumagot. Binuhay na niya ang sasakyan niya at umalis na kami sa bahay. Sumama ako pero hindi ko din talaga alam kung saan niya ako dadalhin, bahala na si lord sa akin. A/N: Did you enjoy this chapter and ready for the next chapter of the story? Then join me and continue reading but please limit your expectations. Thank you and Enjoy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD