Chapter 42: Tita Jina’s word
FILIPINO dishes ang niluto ni Tita Jina at medyo nagulat pa ako ng malaman ko na tinulungan siya ni Tito M na maghanda para sa dinner namin. He really love his wife kaya niya ito tinutulungan. How cute. Sa parents ko ay never kong makikita iyon.
No wonder na pati si Michael ay marunong din siyang magluto. Kasi may pinagmanahan din naman siya. While me ay wala man lang future sa kitchen. Marunong lang akong kumain. Psh. Kung sabagay ay hindi naman ako naturuan ni Mommy kasi hindi ako lumaki sa poder niya.
Kahit si Tita Mommy na marunong din ay hindi ko naisip na magpaturo sa kanya noon.
Hindi na nga lang iyon pinapansin ni Michael kasi alam niyang pag-aawayan na naman namin. So, behave na lamang siya when it comes to cook.
Nasa dining na kaming lahat at handang-handa na nga ang foods namin. Anim lang naman kami ang kakain but ang dami ng kanilang hinanda. Nakaupo sa gitna namin ni Tita Jina si Grandma, nasa left side ako tapos sa tapat namin ay ang tatlong lalaki naman. Of course si Michael ang nakaupo sa harapan ko na kanina pa nakatitig sa gawi ko.
Siya ang naglalagay ng kanin at ulam sa pinggan ko. So far wala namang maanghang na hinahanda ng parents niya. Pinagsalin pa niya ako ng tubig sa baso. May champagne rin kami at itinulak ko ang wine glass ko para manghingi ng champagne kay Grandpa.
“Alam mo na ba mababa lang ang alcohol tolerance ng fiancé mo, apo?” he asked at nangingiting tumango ako. I know that. Ang cute nga niya kapag nalalasing na siya.
“Yes po. Kahit isang baso lang po ay bagsak na siya,” sambit ko at hindi nakaimik si Michael. Aminado siyang mahina sa alcohol.
“Hindi talaga siya mahilig sa alcohol, Novy. Umiinom lang siya kapag kinakailangan,” paliwanag ni Tito M.
“How about you, hija? It seems sanay ka sa alcohol,” puna naman ni Tita Jina.
Kahit dinner lang ito ay ang gaganda rin ng mga kasuotan nila. Ganito nga talaga ang mayayaman. Kailangan ay pormal din sila even though nasa mansion lang naman kami at hindi sa fancy restaurant.
“She hates party, Mom. But yeah, mataas ang alcohol tolerance niya but hindi naman po siya lasengga,” wika naman ng guwapo kong engineer. Pagkatapos akong salinan ng wine ng lolo niya ay dahan-dahan akong sumimsim. Nalasahan ko agad ang tamis nito. Iyong champagne ay hindi naman siya masyadong matapang.
“Isang bagay lang po na talo ako when it comes sa anak niyo, Tito, and Tita,” I muttered. Nagtaas ng kilay ang kanilang anak. Na parang hindi niya rin alam kung saang bagay akong talong-talo sa kanya.
“What is it, hija?” tanong naman ni Grandma.
“I don’t know how to cook po. Siya po ay parang isang chef lang,” I answered. Halos sabay pa silang napatango.
“Well, maswerte tayo dahil marunong magluto ang mga lalaking mahal natin,” sabi ni Grandma at nginitian pa niya ang guwapong lalaki sa harapan niya, Don Brill. Naiiling naman ito bagamat may multong ngiti sa mga labi niya.
“But, Novy. Kailangan mo pa ring matuto sa pagluluto. Kasi kailangan niyo iyan. Someday ay bubuo na rin kayo ni Michael ng pamilya. Hindi naman puwedeng iasa mo sa iba ang pagluluto ng pagkain para sa magiging anak niyo at hindi rin sa lahat ng oras ay may pagkakataon pa ang fiancé mo na magluto. Siya ang magiging padre de pamilya niyo at kailangan maging practical ka sa lahat ng bagay. Mas maganda pa rin na ikaw na ina’t asawa ang maghahanda ng makakain niyong magpamilya,” ang mahabang sambit ni Tita Jina at lahat ng iyon ay may point siya.
Ngayon ko lang din iyon na-realize na kailangan ko na nga talagang mag-aral na magluto. Hindi lang si Michael ang dapat na maghahanda ng breakfast namin. Nasa isip ko naman iyon pero wala lang akong sapat na oras para sa bagay na iyon.
“Mom, it’s okay. I can cook for my family, Mom. Hindi po kailangan na magmadali ni Novy. Marami pa naman po kaming panahon para paghandaan ’yan,” my fiancé uttered. Hay naku, palagi niya talaga akong pinagtatanggol. Ako rin maswerte sa kanya.
“May punto ka, anak. Pero kilala naman natin si Novy. Wala na siyang masyadong sapat na oras para mag-aral sa pagluluto. Kasi puro practice siya dahil na rin sa competition nila. But Novy, no pressure, apo.” Ikinangiti ko ang sinabi ni Grandma. Si Tito M ay tahimik lang. Samantala, si Grandpa ay nag-thumbs up lang din sa akin.
I smiled at my man and mouthed him, I love you. Kitang-kita ang pagpula ang cheeks niya. Gusto ko tuloy lumapit at panggigilan ang pisngi niya. Pinigilan ko na lamang ang self ko.
Nabusog ako sa masarap na food namin at kasunod ay ang dessert. Nasa dining room pa rin kami, hiwalay ito sa kitchen nila.
“Novy, hija?” I glance at Michael’s mother when she called me. Magkatabi na kaming nakaupo ng aking fiancé.
“Bakit po, Tita?” I asked her.
“Halika, samahan mo ako sa kusina. May inihanda akong bukod salad doon.” I nodded and before ako sumunod sa kanya ay tiningnan ko muna si Michael na seryosong nakatitig sa akin.
“Just stay here, Novy. Ako na lang ang susunod kay Mommy.” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya dahil akma na siyang tatayo.
“Ako na. Dito ka na lamang,” ani ko at humalik pa ako sa pisngi niya saka ko ako nagtungo sa kusina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsalubong ng mga kilay niya.
Nakita kong may kinukuha na sa Tita Jina mula sa ref. “Maupo ka muna, Novy. May gusto lang akong sabihin sa ’yo.” Nawala ang lambot sa facial expression niya at sumiklab naman ang kaba sa aking dibdib. She looks serious.
May gusto yatang sabihin si Tita kaya niya ako inaya rito hindi dahil may kukunin lang kami. Kung tutuusin ay may servant naman sila at kahit ang mga iyon na lamang ang kaniyang uutusan.
I sat down on the highchair. Pinagsiklop ko ang dalawang palad ko sa itaas ng island counter. Saka rin siya umupo sa kabila.
“May problema po ba, Tita?”
“Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, hija. Para na rin naman ito sa inyo ng anak ko.” Kagat-labing tumango ako.
I’m a cold-hearted person, minsan ay wala talaga akong pakialam sa mga tao at balewala lamang sa akin ang feelings nila. Kahit kung minsan din ay nakapapanakit ako ng damdamin ng isang tao. Ibang usapan na lamang kung ang parents mismo ng lalaking mahal ko ang makahaharap ko.
Kasi kailangan ay maging mabait din ako sa kanila. Para hindi nila kami hahadlangan pero sa case nga namin ni Michael ay walang masyadong magiging problema.
Obedient ang lahat ng apo ni Don Brill at ni minsan yata ay hindi siya binigo ng kanyang mga apo. Kung siya na mismo ang nagdedesisyon ay wala na ring nagagawa pa ang parents ng mga ito. Isa na iyon sa mga naobserbahan kong relasyon ng clan nila.
“It’s okay po, Tita. Kung ano man po ang sasabihin mo ay hindi po sasama ang loob ko,” pahayag ko kahit na kabadong-kabado na rin ako. May nakita na naman kaya siya na mali sa akin?
“Alam mo ba na sa lahat ng mga anak ko ay kay Michael ako mas nag-aalala? Si Miko, kahit pilyo at palabiro siyang bata ay alam kong kakayanin niya ang isang pagsubok. Hindi ko siya nakikitaan ng kahinaan but not my Micheal, Novy,” she said and shook her head.
“I understand why po, Tita. Mabait at mabuting tao po si Michael,” saad ko na sinabayan ko pa nang pagtango.
And Tita, nagpapasalamat din po ako na nagsilang ka ng isang katulad ni Michael na alam kong isa rin itong ideal man ng mga kababaihan. I’m a short tempered pero siya ay super haba ng pasensiya niya. Hindi siya reklamador. Sobrang suwerte ko nga talaga sa kanya. Walang halong biro iyon.
“Sa takot ko na baka ipagkasundo na rin siya ng Grandpa niya at sa babaeng...hindi rin siya kayang intindihin. Alam kong alam mo na isang matapang at may prinsipyo ang fiancé mo, Novy. Alam kong nakikita mo sa kanya ang isang katangian na wala siyang inaatrasang bagay na puwedeng ikasakit ng sarili niyang puso. Sige lang siya nang sige. Ang mga Brilliantes, masasabi ko man na dalawang beses man sila na magmamahal ay sa huli mas mananaig ang pagmamahal nila sa isang babae lang. Siya na ituturing na higit pa sa isang reyna at gagawin nila ang lahat para sa mga mahal nila. Sila ang mga lalaking kilala ko na hindi basta-basta sumusuko. I know may pag-ibig na ang namamagitan sa inyo but hija, even though Michael loves you so much, he has a limits too... Hindi mo lang alam kung kailan siya susuko at mapapagod.”
Kung ganoon, tama rin naman ang mga nasa isip ko na may limitasyon ang fiancé ko at tama rin ang kanyang ina na hindi namin malalaman kung kailan mapapagod si Michael at bigla na lamang susuko.
Iyon ang mga bagay na kinakatakutan ko na mangyayari sa hinaharap. Nakuha ko na ang nais iparating sa akin ni Tita Jina. Kailangan ko ngang pumili sa dalawang bagay na mahalaga sa akin.
“Alam ko po ’yan, Tita Jina,” sabi ko at tipid siyang ngumiti. Ginanap niya ang mga kamay ko at naramdaman pa niya ang panginginig nito.
“Kung gusto mong ingatan ang anak ko. Novy, mag-isip ka ng mabuti or choose him. Choose him over your passion. Ikaw ang magsisisi kung sa huli ay magagawa mo siyang bitawan dahil sa pagod na kaiintindi niya sa ’yo.”
“Mom, kanina pa kami naghihintay sa inyo. Nasaan na po ang buko salad niyo?” Boses iyon ni Michael na hindi na makapaghintay at sumunod na sa amin sa kusina.
He stared at me and smiled. Ginantihan ko naman iyon ng matamis na ngiti.
“Napasarap ang kuwentuhan namin ni Novy. Ako na ang magdadala. Tara na sa dining,” pag-aaya ng kanyang ina at siya na ang nagdala ng isang garapon ng buko salad.
Michael extended his hand and I accept it. “May sinabi ba sa ’yo si Mommy, Miss?” Umiling ako. “Tell me. Kilala ko si Mommy.” Muli, umiling ako.
“Tara ba lang kumain ng buko salad,” sambit ko at hinila ko na siya palabas ng kusina.