Chapter 11: Against
“ARE you in drugs, Engineer Michael? Susugod ka rito with your grumpy face and now? Ano ang hinihingi mo sa akin? Are you for real?!” gulat kong tanong sa kanya at mas lumapit pa siya para lang mapaatras ako nang sunod-sunod pa. Kinakabahan na ako sa mga ikinikilos niya, ha.
“Yes,” tipid na sagot niya at may diin pa sa boses niya.
“H-Hey!” I screamed nang hawakan niya ulit ang pulso ko na sobrang higpit na nang paghawak ko sa towel ko. Kinakabahan na ako kanina pa dahil sa presence niya at isama mo pa ang situation ko—I mean wala akong suot na kahit na ano maliban sa white towel ko na nakabalot lang sa hubad kong katawan tapos may lalaki pa akong kasama, na super lapit din niya sa akin.
“I want my kiss, Novy.”
“But hindi pa ako nagbibihis, just get out first!” sigaw ko pa sa kanya at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Napatili ako nang itulak niya ako sa bed at mabilis siyang dumagan sa akin. “Cloud!” sigaw ko sa pangalan ng kapatid ko pero tinakpan niya lang ang bibig ko. Tinanggal naman niya iyon kaagad.
“Miss, you are my fiancé. So, why are you calling your brother’s name, ha?” Ang lapit ng face niya sa akin. Gustuhin ko man na itulak siya but I can’t. Ayokong bitawan ang towel ko.
“Tatlong beses lang naman tayo nagkita and natural na maiilang ako sa ’yo!” asik ko pa sa kanya at nanindig ang balahibo ko sa katawan nang hawakan niya ang baywang ko. I was about to call my brother again but may sumulpot na sa likuran ng engineer at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak niya. “Cloud, no!” sigaw ko sa kanya dahil may hawak siyang baseball bat and it seems ipapalo niya sa lalaking nasa ibabaw ko.
Lumingon pa nga ito at nang makita niya sa aktong ipapalo na sa kanya ay siya mismo ang kusang umiwas. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko. Bumagsak nga lang siya sa floor but he’s fast na bumangon din naman.
“Chill, hindi ko naman ito ipapalo sa ’yo. I don’t like the idea na makulong ako. I don’t want to waste my life being a criminal pero magiging criminal talaga ako kapag may ginawa kang masama sa ate ko, ha. I just want to scare you,” natatawang sambit ng nakababata kong kapatid at kasabay nang paghila nito sa akin nang mahina para itayo ako. Binalot niya sa katawan ko ang bathrobe niya.
Napahawak sa sentido niya si Michael at nakita ko ang pamumula ng magkabilang tainga niya. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa kanya.
“What the hèll, Cloud?! Saan mo ’yan nakuha?!” tanong ko sa kanya and he shrugged his shoulder.
“Ate, this is yours po. Remember na gift mo ito sa akin three years ago?” Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
“My gift?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at mabilis pa siyang napatango. Ipinakita niya sa akin ’yong autograph ko? Aba, mayroon pa pala no’n? “But Cloud, wala naman akong—” Napahinto ako sa naalala ko dahil hindi lang naman ang baseball bat na ito ang niregalo ko sa kanya. I just nodded.
“Ate Novy, who’s this guy ba? Hindi naman siya mukhang... rapíst but... Hindi magandang tingnan na nandito siya and you...” Hinawakan ko ang braso niya dahil sa pagturo niya kay Michael. Bad manners iyon, ay.
“Sige na, lumabas na muna kayong dalawa,” ani ko at ininguso ko pa kay Cloud ang door. He nodded pa at nilapitan niya ang engineer saka niya ito inakbayan. Matangkad na si Cloud pero hanggang tainga lang siya nito.
Bago pa nga sila lumabas ay matiim pa akong tinitigan ni Michael. Pinagtaasan ko nga siya ng kilay.
I wore my green blouse and white palazzo pants and a pair of ankle strap shoes. Pinatuyo ko lang ang hair ko saka ako lumabas na bitbit ang traveling bag ko.
Nadatnan ko naman sila sa living room ni Cloud at mukhang nag-uusap silang dalawa nang mapansin naman nila ang presensiya ko.
“Ate, uuwi na ba tayo?” tanong ni Cloud at tumayo pa siya.
“Yes,” sagot ko.
“Wait lang. Kukunin ko pa ang duffle bag ko!” natatarantang sigaw niya at nagmamadali na siyang pumasok sa room niya.
Inikutan ko ng eyeballs ang lalaking prenteng nakaupo lamang sa couch and when he saw me na naglakad na patungo sa door ay agad naman siyang tumayo at sumunod sa akin.
Inagaw niya sa akin ang luggage ko. Hindi na ako nagsalita pa. Sa elevator na kami naabutan ni Cloud at ’saktong bumukas naman ito. Ako ang naunang sumakay saka sila sumunod pero pumuwesto sa gitna namin ang makulit kong kapatid. Kasi alam niyang didikit sa akin ang kasama namin.
“Kasama ka ba namin? Hindi ba dapat umalis ka na dahil nakita mo na ang kapatid ko?” Ay, pinagtatabuyan pa niya.
“Cloud,” I uttered my brother’s name. “Behave,” I added.
“Bakit mo siya pinagtatanggol, Ate?” bulong niya sa akin pero alam ko naman na naririnig siya nito. Niyakap ko na lang ang braso niya at bumaba pa ang tingin doon ng katabi niyang engineer. Kumunot ang noo niya at nag-iwas nang tingin.
Nang nasa exit na kami ng condominium nang balingan ko naman si Michael.
“Sasama ka ba sa amin?” I asked him at parang bata na tumango sa akin for respond. “Baka awayin ka roon ng Mommy ko. Bruha pa naman ’yon, eh,” sabi ko pa at tumaas na naman ang sulok ng lips niya.
“Let’s see,” sagot niya lamang at binuksan ang door ng car sa backseat. Sumakay na lang din ako at ipinasok niya sa loob ang traveling bag ko. Umupo siya sa shotgun seat na katabi ni Cloud at nawe-weirduhan na naman ang brother ko.
“Don’t look at him like that, Cloud. He’s Engineer Michael S. Brilliantes, my fiancé—but hindi pa naman iyon official,” I stated.
“Oh, that? Hi, I’m Cloud Varzua. I’m the second brother of Ate Novy, but only brother naman sa side ng Mommy namin. Sorry kanina, I’m just overprotective dahil babae ang kapatid ko, eh,” aniya at naglahad siya ng kamay na hindi naman nagdalawang isip si Michael na tanggapin ang pakikipagkamay nito sa kanya.
“I didn’t meet your sister’s other brothers though,” he said and took a glance at me. “Michael S. Brilliantes,” he uttered his name na.
“Nice meeting you.”
“Tama na ang introduction, boys. Umalis na tayo,” sabat ko sa kanilang dalawa at nagsimula nang nagmaniobra ng car niya si Cloud. Napasandal ako sa headrest ng upuan ko at naalala ko lang bigla. “Before I forgot. Paano mo nalaman na nandito ako sa country na ito? And ’saktong nasa condominium pa ng brother ko?” I asked him. But on second thought, naalala ko bigla si Cloud. Baka may sinabi rin ang isang ito, ano?
Nang sulyapan ko ang kapatid ko mula sa rearview mirror niya aya agad niyang naintindihan ang paraan nang titig ko towards him.
“I didn’t say anything, Ate. I’m innocent,” depensa niya sa sarili niya.
“Just my own sources, Miss,” Engineer stated the fact. Really? His own sources? Paano naman kaya ’yon?
“Call me Novy,” sambit ko dahil napapansin ko na panay miss siya kahit alam naman niya ang pangalan ko.
“Okay, Miss.” Pinisil ko ang tungki ng ilong ko sa narinig kong tinawag niya sa akin. Ay, matigas ang ulo, psh.
Tahimik sana ang buong biyahe namin kung hindi lang madaldal itong si Cloud. Napapansin ko nga na tahimik talaga ang kasama namin pero dahil ang daming tanong ni Cloud ay sinusubukan naman nito na pakisamahan siya at kausapin na parang normal lang nilang ginagawa. It seems na friends pa sila.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at pumikit na lamang ako. Kahit hindi ko gusto na marinig ang pinag-uusapan nila ay wala na akong choice pa kundi ang makinig na lamang sa chit-chat nila. Ang ingay kasi nila.
Kalahating oras pa ang biyahe namin saka kami nakarating sa mansion nila. Pababa pa lang sana ako nang makita ko na ang pagmamadaling pagbaba ni Michael para lang din na pagbuksan ako ng pintuan. He extended his hand and tinanggap ko iyon without saying anything saka lang ako bumaba. Nasa tuktok pa ng ulo ko ang isang palad niya.
“Welcome to our humble house, Kuya Michael,” Cloud uttered. Aba, ilang minuto lang silang magkasama ay kuya na agad ang tawag sa kanya. Close na sila, ay?
Sinukbit pa ni Michael ang luggage ko sa balikat niya at ngumuso siya nang pagtaasan ko ng kilay. Inirapan ko na lamang siya sa huli.
Malaki ang mansion nila at halatang mayaman din talaga ang napangasawa ni Mommy.
Sumunod na lang kami kay Cloud at pagpasok namin ay binati pa siya ng maid nila. Nanlaki pa nga ang eyes nila nang makita nila ako. Yes, kilala na nila ako kahit bihira lang naman akong nagpupunta rito.
“Welcome, Young lady, and Young master,” greet nila sa amin kasama na roon si Michael.
“Where’s Mom? Mommy! Ate Novy is here na!” Pagbibigay anunsyo nito. Kailangan pa talaga niyang sumigaw, eh?
Lumitaw naman bigla si Mommy. Nag-iwas ako nang tingin dahil sa pagsalubong niya sa anak niya. Niyakap niya ito after niyang halikan ang sentido ni Cloud. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko pero napatingin naman ako sa katabi ko nang nagtaas-baba ang kamay nito sa baywang ko.
Namanhid ang batok ko dahil sa paghalik niya sa sentido ko at bumilis na naman ng husto ang puso ko. Hala, naman. Nanghahalik na siya agad?
“What are you still doing there, Novy?” malamig na tanong sa akin ni Mommy at hayan na naman ang pagtaas ng kilay niya sa akin.
“Hi, Mom,” walang emosyon na sabi ko. Kung may pataasan man ng kilay ay siya na ang winner. “Huwag na po tayong makipagplastikan pa, Mommy. Kasama ko ang fiancé ko,” sabi ko.
“Good morning, Madam,” casual na bati ni Michael sa aking ina. Muntik pa akong matawa dahil sa pagtawag niyang madam sa mommy ko.
“Who are you? Saang family ka nagmula? Do you have your own business? Or just a employee na sumasahod lang?” sunod-sunod na tanong ni Mommy at nawala lang lalo ang expression ng face ko.
“Mom, ano’ng klaseng tanong naman ’yan?” naiinis kong tanong sa kanya. Kadarating lang namin ay mag-i-interview na siya agad?
“I’m just curious, Novy. Dahil wala ka pa naman matinong work kaya baka mahirapan lang kayong bumuo ng family ninyo. Just stay here na lang at ako ang hahanap ng mapapangasawa mo sa ’yo. Na parehong secure pa ang future ninyong dalawa.” Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.
Good God, nakahihiya na talaga si Mommy. Kailangan pa ba niyang sabihin ang mga katagang iyon?!