CHAPTER 10

1681 Words
Chapter 10: Michael’s arrival HINDI mahirap i-coach ang mga alaga ni Coach Daisy dahil kahit amateur pa sila pagdating sa paglalaro ng tennis ay talagang makikitaan mo na sila ng potential. Paano kasi dedicated sila sa paglalaro. Alam kong magiging successful din sila. Malapit na akong mag-one month dito at kinukulit na ako ni Tita Mommy na umuwi na pero palagi ko siyang tinatanggihan dahil ang reason ko ay gusto ko pang manatili rito ng mas matagal. Kung may natuwa man sa ginawa ko ay iyon ang mga kapatid ko. Pero si Cloud, na kapatid ko kay Mommy ay nagtampo siya dahil nakita niya raw sa IG whatsoever ang pictures namin ng two brothers ko. May bonding daw kami while him ay wala. Hindi ko pa raw siya pinansin sa birthday party ng daddy ko. Napanguso ako dahil sa naisip kong nagtatampo siya. Kawawa naman ang baby boy ni Mommy. I stood up from my seat when Coach Daisy approaching me. “This is your last day. Thank you, Novy,” pasasalamat niya at naglahad pa ng kamay. Nakangiting tinanggap ko naman iyon. “You’re welcome, Coach Daisy. I really enjoyed them. Like you can say they lack practice. That’s why I know they can do it because I can still see their potentials,” ani ko. “That’s exactly what I see in them. Anyway, are you going back to your country?” she asked me. “Visiting my brother across the country,” sagot ko lang na ikinatango niya. “Okay, take care.” I looked at my backpack when I heard my phone’s ringtone. I know who’s calling me. This has been bothering me for 3 weeks now but I intend not to answer. It’s an unknown number but I know who the caller is because I’ve read his text messages. That’s Engineer Michael. After kong nakakuha ng flight kung saan nananatili na nga for good si Mommy with her family ay nag-impake agad ako ng mga things ko. Nag-iwan lang ako ng notes sa mga kapatid ko bago ako umalis. Kay Dad lang ako nagpaalam at may pinadala na naman siyang money sa bank account ko. Ang wife niya ay ngiting tagumpay na naman siya dahil aalis na ang panganay na anak ni Dad at wala na siyang maaaway pa. Sina Cloud at Primo ay same age lang sila. Nag-aral nga lang ulit si Cloud at hindi pa na-turn over sa kanya ang company ng Daddy niya. Pagod ako sa biyahe at parang inaantok pa ako kaya nag-message na lang ako sa brother ko kung nasaan siya at sunduin niya mismo ako sa airport. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na siya. “It’s true that you are here, Ate! I thought it was just a prank!” he exclaimed. “But why did you still come here even though you thought I was just a prank?” I asked him at naipit ako sa malaking katawan niya nang mahigpit niya akong niyakap. Napangiwi ako. “To be sure!” pasigaw na sagot niya. Hinila ko ang t-shirt niya nang makita ko na parang may mali... “Goodness, Cloud. Noong nag-text ba ako sa ’yo ay natutulog ka at nakahubad?!” gulat kong tanong dahil baliktad ang puting t-shirt niya. Natatawang humiwalay siya sa akin at hindi ako sinagot. “Let’s go, let’s go! Let’s stay in my condo because you might be tired. The condominium I’m staying at is just closer to here. Tomorrow we go to the house together!” He took my luggage and carried it himself. Inakbayan pa niya ako at hinila na palabas ng airport. Wala lang sa kanya iyong damit niya at nang makita ko ang suot naman niyang panyapak ay napasapo ako sa noo ko. “Cloud! Iyong shoes mo! Nakahihiya ka na talaga!” inis kong sigaw sa kanya. Humalakhak lang siya. “It’s maganda, right Ate?” May accent ang boses niya dahil half-American kasi siya, eh. But he can understand naman ng Tagalog dahil naturuan siya ni Mommy. Sa tuwing may nakasasalubong kaming mga tao ay napapatingin ito sa kapatid ko. Hindi dahil may hitsura ito at mukhang Hollywood actor. Iyong suot niyang t-shirt na baliktad, ang pants niya na nakalihis pa pataas ang dulo nito. Ang slipper niyang pambahay ay hindi naman magkapares! Imagine his looks with his messy hair! Oh, my God! Gusto ko ngang humiwalay sa kanya pero ang higpit nang pagkakaakbay niya sa akin at sinasadya niya na huwag akong pakawalan. Therefore ang ginagawa ko ay tinakpan ko na lamang ang mukha ko gamit ang palad ko. Nang mapansin nga iyon ni Cloud ay isinuot ay hinawi niya ang maikli kong buhok sa face ko. God, this kid... *** Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na bed ng brother ko. Kinuha ko ang unan niya at naamoy ko agad ang pabango niya. “Ate? Are you sure na wala kang kakainin? Are you not hungry ba?” he asked me. I shook my head. “Later, please. I’m tired,” pagod na sagot ko. Inayos pa niya ang kumot sa katawan ko. “Okay, take your rest, Ate. Lalabas lang ako to cook something and without chili.” Napangiti ako. Alam niyang may allergy ako sa chili. I wonder din if alam iyon ng Mommy ko, na kahit ang stepmom ko ay alam naman niya iyon. Nakatulog naman ako after that kahit noong ginising niya ako para sa dinner namin since hapon na rin talaga noong dumating ako. “Stop calling her!” narinig kong sigaw ng kapatid ko. Nagsalubong agad ang kilay ko. “She doesn’t have a fiancé yet and this is her boyfriend! So stop bothering her— He doesn’t even answer your text messages! You are still an unknown number!” he paused. “What? Nope, she was sleep. Nope...” “Who are you fighting with, Cloud?” tanong ko nang hindi ko na mapigilan pa. Nasa mukha niya ang inis sa kausap niya but phone ko yata ang gamit niya, ay. “Nothing, babe. Just one scammer,” sabi niya at hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin na ‘babe’. “Ah, okay. I’m going to sleep again, I’m tired and sleepy,” sabi ko. “Okay, sleep tight,” he uttered. Bumalik naman ako sa pagtulog. *** Seryoso ko lang tinitigan ang friends ni Cloud na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi nga nila ito pinuputol. Kilala raw nila ako at gusto pa nilang makipag-picture sa akin and may pina-autograph pa sila. Walang imik ko lang sinunod ang request nila, iyon nga lang ay nakaiilang na sila. “Stop staring at me, kids,” naiinis kong sambit. “Stop it will you? Come, ihatid ko kayo hanggang sa exit ng condominium.” “Cloud, speak English, please,” reklamo ng iba sa kanya. He intended naman na magsalita ng ganoon para hindi siya maintindihan ng mga kaibigan niya. Inubos ko lang ang niluto ng kapatid ko. Lunch time na ako noong nagising. Dahil na rin siguro napagod din ako sa pagiging coach ko at nag-practice rin ako. So, tulog lang talaga ako mula pa kagabi. Iyon nga lang ay nanakit ang ulo ko dahil nasobrahan sa pagtulog. I took a deep breath. Hinugasan ko pa ang mga pinagkainan namin bago ako pumanhik sa room ni Cloud para maligo. May dala akong towel at iyon ang ginamit ko saka ako lumabas from the bathroom. “Who are you?” narinig kong tanong ni Cloud mula sa labas. “Where’s Novy?” Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako dapat magkamali. “How did you know my sister?” “So you’re the guy I was talking to on her phone yesterday?” Naglakad pa ako palapit sa door at mahigpit kong hinawakan ang towel sa katawan ko. “And you are the guy who says my sister is your fiancé?” “And is she your sister?” I opened the door at sinilip ko silang dalawa. Napatingin sila agad sa akin. Tama nga ako na si Engineer Michael ang nandito. “Why are you here?” I asked him in confused. “Susunduin ko lang naman ang fiancé ko,” mariin na saad niya at hinawakan niya ang doorknob. “Hey! What are you doing?!” sigaw sa kanya ng nakababatang kapatid ko at hinila pa ang braso niya. “Let him go, Cloud. Doon ka muna sa sala mo. Mag-uusap pa kami,” ani ko. “Pero sino po ba siya, Ate?” curious niyang tanong. “You heard him, Cloud,” sagot ko lang. “Fine.” Umalis din naman siya at nang papasok na ang engineer na ito ay tinulak ko ang pintuan. “Wait mo muna ako riyan— What the hèll?!” sigaw ko dahil hindi niya ako pinakinggan. Binuksan pa rin niya iyon at halos yakapin ko na ang sarili ko dahil nahihiya ako sa ayos ko. Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto. He suddenly removed his coat at hinagis niya lang sa kung saan. Wala siyang suot na necktie pero nakabukas na ang tatlong butones ng longsleeve niya. “Why you didn’t even accept my calls, Novy Marie?” malamig na tanong niya sa akin. Bayolenteng napalunok ako dahil walang nababakasan na kahit na ano ang mukha niya. Galit ba siya? “Uhm, I-I’m busy,” nauutal na sagot ko sa kanya. “My text messages ay wala ka man lang sinagot even just one message?!” Oh, my God! Ganito ba magalit ang lalaking ito at bakit parang kinarir niya talaga ang pagiging fiancé ko? “I told you na busy lang ako. Paano mo nalaman na nandito ako?” curious kong tanong at naglakad naman ako sa other side but mabilis niyang hinuli ang pulso. “Ano ba, Michael?!” pagalit na sigaw ko. “I want my kiss now, Miss.” “H-Ha?” “Please...” Lumambot ang facial expression niya when he pleaded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD