“I’m engaged.” Walang gatol na sabi ni Eillaine sa mukha ng binata. Kitang-kita niyang mas lalong nagdilim ang mukha ni Tan. “Is that so? And who’s the lucky bastard?” tanong ni Tan sa kanya at inunti-unti ang agwat nilang dalawa. Gustuhin man niayng umatras pa ngunit wala na siyang mauurungan pa. She’s cornered… again. “I… I need to go, baka magising si Kendra at hanapin ako.” Mabilis siyang tumayo ngunit agad ding napaupo nang marahas siyang hilahin pabalik sa upuan ni Tan. “Why are you always running away from me? Did you know that the more you’re pushing me away from you, the more I wanted to be with you…” mahinang saad ni Tan sa kanya. Tumingin si Eillaine sa mukha ng binata, itinago niya ang lahat ng emosyong kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon at saka nagsalita. “

