DAHIL SA MALIIT na insidenteng iyon ay napauwi nang mas maaga ang lahat. Humingi ng paumanhin ang namamahala dahil sa kanilang kapabayaan, nagkaroon ng aberya sa linya ng kuryente ngunit agad naman iyong naayos pagkatapos ng sampong minuto. Ngunit ang sampung minutong nawala na iyon ay naging dahilan para hindi matuloy ang pag-aanunsyo sa nalalapit niyang kasal kay Dion, at iyon ang malaking pinagpapasalamat niya. Sumama siya kay Ricar sa Condo, una nilang inihatid si Leanne sa bahay nito kaya naman silang tatlo na lang ulit ang magkakasama. Panay ang tingin niya sa dalawang magkapatid dahil kapwa tahimik ang mga ito. Lalo na si Ricar na imbes siya ang tulungan ay ibang pangalan pa ang nabanggit. Mabuti na lamang at biglang sumulpot sa kung saan si Thad at inalalayan siya hanggang sa bum

