SA ILANG minutong paglalakad nila Eillaine papunta sa Conference Room ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya sa oras na makita niya si Melvin. Matagal na panahon na din simula nang magkita sila ng dati niyang kaibigan, simula kasi ng mag-migrate ang pamilya nito sa Germany ay doon na nanirahan ang mga ito. Melvin was one of her childhood friends na napagkamalang childhood sweetheart niya dahil na din sa sobrang closeness nilang dalawa. Lagi niya kasi itong kasama kahit saan man siya magpunta noon, halos hindi ito humiwalay sa kanya lalo na nang banggitin nitong aakyat ito ng ligaw sa kanya ngunit agad din itong sumuko nung mapansin na wala siyang interes dito. Prinangka niya ang binata at sinabing wala siyang balak makipag nobyo nang mga oras na iyon, naintindihan naman siya nito

