HINDI mapakali sa kanyang opisina si Eillaine, hinihintay niya ang pagdating ni Thad. She don't have a choice but to call him, wala siyang ibang mahihingian ng tulong maliban dito. Alam ni Eillaine na magagalit ito sa ipagtatapat niya lalo na at nagbabala na itong hindi sila pwedeng magkaroon ng ugnayan ni Tan. 'Thad will understand.' Pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. "He will help me, sigurado ako doon." Kausap niya sa sarili. Nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa doon ang bulto ng kanyang pinsan ay saka lang siya nakahinga ng maluwag, dahil sa presensiya nito ay magiging kampante na siya kahit papa'no. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya naging ganito kadesperada na humingi ng tulong dito, kung bakit naman kasi naparami ang inom niya nung gabing iyon. "What's

