KABADONG pumasok si Eillaine kinabukasan sa opisina. Pagkatapos ng nangyaring insidente kahapon ay nagmadali siyang umuwi at hindi na hinintay na sumapit ang alas kuwatro. Ayaw niya na makita ulit ang binata, kung kailangang iwasan niya ito at gawin ang lahat upang hindi na magtagpo ang landas nila ay gagawin niya. She even cancelled her proposal, malaking kawalan iyon sa parte niya pero mas makakahinga siya nang maluwag kapag wala sa paningin niya ang binata. Kailangan niyang isakripisyo ang malaking project na iyon para hindi siya mapahamak. 'Sinong niloloko mo Eillaine? You're re in the same building at nagtatrabaho ka sa kompanyang pag-aari niya kaya hindi imposibleng araw-araw ay makita mo siya.' Sa sinabing iyon ng kanyang utak ay may senaryo siyang nakita sa kanyang isipan. Tan i

