CHAPTER NINE

1106 Words
WHAT have you done , man ? pang - uusig ng konsiyensiya ni Jeremy habang pinagmamasdan niya si Ella na mahimbing na natutulog sa tabi niya . He liked her , all right . Pero sapat na bang dahilan iyon upang i - justify ang kanyang ginawa ? Hell ! Since when did cherry - poppin ' ever make him feel so guilty ? He felt like he had just raped someone . Ilang babae na ba ang naikama niya ? Hindi na yata mabilang . Hindi rin si Ella ang kauna - unahang babaeng nakuha niya nang birhen . Pero wala pa siyang naaalalang na - guilty siya pagkatapos ng mga iyon. Ngayon lang . What's different about you , Ella ? he asked while still staring at her . Why do you make me feel a lot of unfamiliar feelings ? It's because you're in love , man ! Ayaw mo lang aminin sa sarili mo , sagot ng kabilang bahagi ng isip niya . Oh , shut up ! Hindi siya puwedeng ma - in love dito . He felt guilty , all right . But that was because she was so naïve and so innocent and he felt he took advantage of her . Hindi siya puwedeng ma - in love dito hindi dahil hindi ito pumasa sa standards niya sa pagpili ng babaeng mamahalin . Hindi siya puwedeng ma - in love dito hindi dahil isa lang itong hamak na preschool teacher mula sa Mindanao na nangangarap makapunta sa London upang matulungan ang pamilya nito at lalong hindi rin dahil hindi ito nabibilang sa alta - sosyedad na ginagalawan niya kundi dahil ang pag - ibig ay isang napakalaking usapin at hindi niya yata kayang panindigan ang responsibilidad na kaakibat niyon . He couldn't be in love with anybody , not with Ella , not with any other woman . Hindi pa siya handa para sa ganoon kalaking bagay . Iyon ang dahilan at hindi dahil nahuhulog na siya rito nang tuluyan . Ayaw na niyang mag - entertain ng iba pang dahilan . Tunog ng cell phone niya ang pumutol sa pagmumuni - muni niya . Tumatawag ang mommy niya . Dahan - dahan siyang umalis mula sa kama at nagtapi ng tuwalya bago lumabas ng silid upang sagutin ang tawag ng kanyang ina NAGISING si Ella na nananakit ang buong katawan niya . Gumuhit ang pagkatamis - tamis na ngiti sa kanyang mga labi nang maalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi . She had just shared something so important with Jeremy last night . With the man she loved . Nakangiting pinagmasdan niya ang sariling repleksiyon sa salamin sa isang panig ng dingding ng kuwarto ni Jeremy . Ilang sandali pa ay tumayo na siya . Hinanap niya si Jeremy sa paligid pero hindi niya ito makita . Nasaan na kaya ang lalaking iyon ? Naghanap siya ng puwede niyang maisuot . Nakita niya sa isang sulok ang pulang damit na suot niya nang nagdaang gabi. May ngiti sa mga labing pinulot niya iyon . Pagkatapos magtapi ng tuwalya ay maingat na itinapi niya iyon at saka nagpasyang lumabas na ng silid upang hanapin si Jeremy . Ngunit nasa pintuan pa lamang siya ng silid nito ay dinig na dinig na agad niya ang boses nito mula sa nakaawang na pinto . Tila may kausap ito . " Yeah , she's Ella , my personal assistant . I introduced her to you last night , remember ? " narinig niyang wika nito . Bigla siyang na - curious pagkarinig sa pangalan niya kaya hindi na niya itinuloy ang tangkang paglabas ng silid . Bagkus ay idinikit niya ang isang tainga sa pinto at pilit pinakinggan ang pag - uusap . Wala naman siyang naririnig na kausap nito kaya ipinagpalagay niyang nasa telepono ang kung sinumang kausap nito. You were too busy kaya hindi na kami nakapag paalam sa inyo ... Yes , she's living with me but not the way it seems . She's my personal assistant , that's why she lives with me , she takes care of my things .. . Yeah , sort of a yaya . She replaced Yaya Tacia's work , actually ... No , Mom . Why would I lie to you ? She's just my personal assistant ... No , she's not my girlfriend . Who told you that ? . .. I see . So , you've talked to Tita Amparo ... Nope . That's all a lie . Sinabi ko lang sa kanya iyon , sa kanila ni Dorothy , upang tigilan na ako ni Dorothy . She's been following me like a pest . Tita Amparo even asked me to just go along with Dorothy's insanity ... Yes , she's insane . May bipolar disorder siya . Si Tita Amparo mismo ang nagsabi sa akin n'on . Ang gusto niya ay sakyan ko na lang ang kahibangan ng anak niya . Well , hindi pa naman ako nababaliw para pumayag . But I don't have the heart to tell her that . That's why I let them think I already have a girlfriend a t si Ella nga iyon ; and that I'm already engaged to be married . That's way , tatantanan na nila ako ... " Pakiramdam niya ay nanikip bigla ang kanyang dibdib dahil sa lahat ng narinig . Pakiramdam din niya ay nanginig bigla ang mga tuhod niya dahil sa labis na tensiyon . Maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw ang ibig sabihin ng narinig niya - ginagamit lang siya ni Jeremy ! Ginagamit lang siya nito para maitaboy ang lukaret na Dorothy na iyon ! Sa lagay na ito , sino sa inyo ng Dorothy na ' yon ang mas lukaret ? may pang - uuyam na tanong ng isip niya. Gusto niyang umiyak ngunit ni isang luha ay walang pumatak mula sa kanyang mga mata . Gusto niyang humagulhol ngunit ni isang hikbi ay walang makaalpas sa nanginginig niyang mga labi . Gusto niyang sumigaw ngunit walang tinig na makalabas sa lalamunan niya . Sa labis na sakit na nararamdaman ay tila tuod na nakatayo lang siya malapit sa pinto . Hindi niya malaman ang gagawin - lalabas ba siya ng silid nito upang ipaalam dito na narinig niya ang lahat ng sinabi nito , o magkukunwari lang siyang walang narinig at aalis na lang ng bahay nito nang walang paalam ? Kung hindi ka ba naman kasi nuknukan ng tanga ! Sinabi ko na sa ' yo na ang pangarap mo na lang na makapunta sa London ang atupagin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD