Imbes na ` yang walang - kuwentang damdamin mo sa damuhong amo mo ang atupagin mo , hindi ka nakinig ! Kaya yan ang napala mo ! sermon ng isang bahagi ng isip niya . She was busy reprimanding herself keeping her tears at bay when the door suddenly swung open . Pumasok si Jeremy na tulad niya ay nakatapi lang din ng tuwalya . Mukhang nagulat pa ito na makita siya roon . " Gising ka na pala , " anito . " Lumabas lang ako sandali . Tumawag kasi ang mommy ko.
Tiningnan niya ito sa mga mata . Marami siyang gustong itanong dito . Umiwas ito ng tingin , halatang guilty . " Totoo ba ? " Lumabas na iyon mula sa bibig niya bago pa niya mapigilan . Then she realized , she wanted confrontation . Nasasaktan na rin naman siya , itotodo na niya . " What are you talking about ? " tanong nito habang hindi pa rin makatingin sa kanya nang diretso . " Don't bother preparing breakfast for us . Magpapa deliver na lang ako ng food . What do you want , Chinese or Italian ? " " Tinatanong kita , Jeremy , " sabi niya . Gumaralgal na ang kanyang boses . " Totoo ba a ang lahat ng narinig ko ? Sinalubong nito ang kanyang mga mata . " What are you asking me ?
Yong narinig kong sinabi mo sa mommy mo , totoo ba ang lahat ng iyon ? " " Ella , listen . It's not what it seems- " " Oo at hindi lang naman ang sagot ng tanong ko , putang ina mo ! " aniyang hindi na niya napigilang magmura . She never cussed . She was a preschool teacher , for crying out loud ! But at that very moment , she wanted to cuss out in rage . Parang iyon lang kasi a ang nakikita niyang paraan upang mailabas niya ang bigat na pumupuno sa dibdib niya na tila unti unting pumapatay sa kanya.
Totoo ang alin doon ? That you're not my girlfriend ? Na wala tayong relasyon and that you are just my personal assistant ? Di ba iyon naman ang totoo ? We had s*x , all right , but that doesn't mean we have to get married . Hindi ko alam kung ano ang kalakaran sa probinsiyang pinanggalingan mo , but this is Manila . People here treat s*x like a cigarette stick , you puff on it and throw it away when you're done with it . So you were a virgin , all right . But you're gonna lose it anyway sooner or later . Nagkataon lang na ako ang nakau- " " Tama na , please ... " she begged . " Tama na . Ang sakit - sakit na rito , " aniya habang itinuturo ang kanyang puso , pagkatapos ay marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha gamit ang likod ng palad niya.
Alam ko nang tatanga - tanga ako . Huwag mo nang masyadong ipamukha sa akin . ” Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya at tinungo ang kanyang silid . " Ella , I'm so sorry , " anito habang humahabol sa kanya . " Puwede pa naman nating pag - usapan ito . Let's just pretend this never happened , okay ? Puwede pa naman siguro nating ipagpatuloy ang working relationship natin . " She spun around and faced him . " Pretend ? Pretend like it never happened ? Siguro nga'y ganoon lang kadali para sa ` yo na gawin iyon . Ano ba naman ` yong isang stick ng sigarilyo , ' di ba ? Marami ka pa namang mabibiling iba . Pero magkaiba kasi tayo . Iyong isang stick ng sigarilyo mo , buong pagkatao ko na ang katumbas . Kaya tama na , Sir . Durog na durog na ang pagkatao ko . Huwag n'yo na pong tapak - tapakan . Don't ask me to pretend it never happened . Napakaliit na porsiyento lang naman ng dignidad ko ang nawala.
Pagkawika niyon ay iniwan na niya ito .at Halos takbuhin niya ang papunta sa kanyang silid . Pagka - lock na pagka - lock niya ng pinto ay tuluyan na siyang humagulhol . Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati buong pagkatao niya sa labas Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiiyak . Narinig na lang niya ang pag - andar ng kotse ng bahay . Sumilip siya sa bintana . Nakita pa niya ang papalayong kotse nito . Kung saan ito pupunta , wala na siyang pakialam .
Dali - dali siyang nag - empake . Ayaw niyang madatnan pa siya nito roon . Hindi niya alam kung kaya pa niya itong harapin . Pero saan siya pupunta pag - alis niya sa bahay nito ? Bahala na si Batman . Tutal , may pera pa naman siya . May isang buwan pa sana siyang susuwelduhin kay Jeremy ngunit wala na siyang balak na kunin pa iyon . Pati mga damit na binili nito para sa kanya ay wala siyang dadalhin kahit isa . Iyong mga gamit lang niya na binili niya ang dadalhin niya . Bitbit ang mga gamit na dala niya pagtuntong niya sa bahay na iyon ay lumabas na siya ng kanyang silid . Nagulat siya nang may makitang puting envelope sa labas ng pinto ng silid niya . Saglit niyang ibinaba ang kanyang bag at pinulot iyon . Napakunot - noo siya nang makitang tseke ang laman niyon . Naisip niya na iyon marahil ang isang buwang susuwelduhin pa sana niya mula rito . Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakasulat na halaga roon . Five hundred thousand pesos ? Napakurap - kurap siya . Nang muli niyang basahin ang nakasulat sa tseke at nakumpirma niyang hindi siya dinadaya ng kanyang paningin . Kalahating milyon talaga ang halaga niyon . Ano ito , separation pay ? Kay laki naman niyon bilang separation pay . Tatlong buwan lang naman siyang nanilbihan dito.
O baka naman iyon ang kabayaran para sa virginity niya ? Napangiwi siya sa naisip . Umantak ang sugat sa kanyang puso . She felt so cheap.
Ang mga mayayaman talaga . Ang tingin nila sa lahat ng bagay , may halaga . Pero hindi niya tatanggihan ang tseke , que bayad nito iyon sa kanya . Isipin na nito ang gusto nitong isipin pero kukunin talaga niya iyon . Kukunin niya iyon nang sa ganoon ay hindi naman siya masyadong dehado . Malaki ang nawala sa kanya . Hindi na maibabalik ang virginity niya na nawala kapag isinauli niya ang perang iyon . Bahala na kahit isipin pa nitong mukhang pera siya . Tutal , wala na rin naman siyang dignidad na dapat pakaingatan . Isa pa , kailangang - kailangan niya ang perang iyon upang matupad ang pangarap niyang makapunta sa London at maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya na hanggang sa mga sandaling iyon ay walang kaalam alam na nasa Pilipinas lang siya . Gagamitin niya ang pera upang makabangon.
Pagkatapos ay tuluyan. na niyang ibabaon sa limot ang parteng iyon ng buhay niya . Balang - araw ay makakalimutan din niyang minsan sa buhay niya ay nagpakatanga siya at umasang mamahalin ng isang lalaking minahal niya nang labis . Punung - puno ng pag - asa ang kanyang dibdib nang tuluyan niyang lisanin ang bahay na iyon . Siya , si Marianella Tabigui , ay hindi ipinanganak upang sumuko sa kaunting hamon ng buhay . Hindi siya pinaghirapang palakihin ng kanyang mga magulang upang hayaan niyang sirain ng isang tulad ni Jeremy ang mga pangarap niya sa buhay . Life must go on.