CHAPTER ELEVEN

1136 Words
I SHOULD have given Ella a million instead of just half , naisip ni Jeremy habang tinutungga niya ang lamang alak ng kopita . Naroon siya sa isa mga favorite hangout nila ni Rex , mag - isang umiinom habang iniisip kung sapat na ba ang kalahating milyong ibinigay niya kay Ella upang makapagsimula ito ng bagong buhay . Hindi lingid sa kanya ang pangarap nitong makapag - abroad . Magagamit nito ang tseke na iniwan niya para dito upang matupad nito ang pangarap nito . But then something told him that it wasn't enough . Pero bakit may pakiramdam siyang kahit pa ilang milyon ang ibigay niya rito ay hindi pa rin niyon kayang patahimikin ang kanyang konsiyensiya ? What the hell was wrong with him ? When did banging a virgin become a big deal to him ? Wala naman siyang dapat ikakonsiyensiya sa nangyari sa pagitan nila pero sa kadahilanang hindi niya kayang ipaliwanag ay nakokonsiyensiya siya . Hindi rin niya naiwasang maalala ang huling pag - uusap nila nito. Aminin man niya sa sarili o hindi , tinamaan siya ng mga sinabi nito . Parang sinaksak siya ng patalim sa kanyang puso . Corny man para sa kanya pero talagang nasaktan siya sa mga sinabi nito . Nasaktan ? Kailan ka pa naging pusong mamon ? he mocked himself . Pero tama na rin siguro ang ginawa niya . Mas masasaktan nga naman ito kung patuloy niya itong paaasahin sa wala . Mas masasaktan ito kung patatagalin niya ang maling akala nito na may patutunguhan ang kung anumang relasyon mayroon sila . Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nalulungkot siya sa pag - alis nito sa bahay niya. Ang pag - alis nito ay nangangahulugan na rin ng tuluyang paglisan nito sa buhay niya . Kaninang pagbalik niya sa bahay niya ay tahimik ang buong kabahayan . Nang hindi na niya mahintay na lumabas si Ella ng kuwarto nito ay kinalok niya ito . Nang walang nagbukas sa kanya ay binuksan niya ang pinto . Hindi iyon naka - lock . Noon niya nalaman na wala na ang mga damit nito , maliban sa mga binili niya para dito . Umalis na ito . Well , ano pa ba ang aasahan niya pagkatapos ng ginawa niya rito ? It seemed odd , but it felt like something was missing when she left him . Oh , man . That's ridiculous ! Marami - rami na rin siyang nainom nang dumating si Rex. What took you so long ? " sita agad niya rito . " What made you start drinking so early ? " ganting - tanong nito sa kanya . He chuckled . He offered Rex a drink . Ilang minuto pa ay sinasamahan na siya nitong uminom . At dahil nauna siyang uminom kaysa rito , nauna siyang tinamaan ng espiritu ng alak . Iyon marahil ang dahilan kung bakit niya ipinagtapat dito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Ella , pati na rin ng nararamdaman niya dulot ng pag - alis ng babae . " Oh , dude , you're in love ! " anito pagkatapos niyang magkuwento . He groaned . " I'll never fall in love , man , you know that . " " Kung ganoon , bakit tayo ngayon naglalasing dahil lamang sa isang babae ? Hindi tayo naglalasing dahil lang sa isang babae , okay ? We're just having a good time , you know , doing a little catching up with each other . Nagkataon lang na kilala nating pareho si Ella kaya siya ang pinag - uusapan natin ngayon . Pero hindi nangangahulugan iyon na siya ang dahilan kung bakit uyo umiinom ngayon , understand ? " " Sinabi mo , eh , " anito bago inisang - tungga ang natitirang alak sa kopita nito . " Kung hindi ka masaya sa ginawa niyang pag - alis , bakit mo siya pinalayas ? " " Hindi ko siya pinalayas . Kusa siyang umalis . Bakit hindi mo siya pinigilan ? " " Dahil ayokong mapasubo sa kanya . She's so different compared to other women . You go to bed with her and she thinks you're marrying her . She's so naïve . She believes in happy - ever - after . Hindi ko kayang ibigay iyon sa kanya dahil wala naman talagang ganoon . The reality is , you get physically attracted to each other , you start having great s*x . But after a year or two , magsasawa rin kayo sa isa't isa and eventually , you break up . Ganoon ang realidad . There's no such thing as falling in love and staying in love with each other ` til kingdom come ! That's bullshit ! Look at my parents ! " " C'mon , pare . Hindi lahat ng tao ay katulad ng parents mo . May mga nagtatagal o'n naman . My parents just celebrated their golden anniversary , remember ? That's plain hypocrisy . Some couples stay with each other for decades not because they're in love with each other and all that s**t . The real thing is , they got tired with each other - fell out that s**t they called ' love ' a long time ago - but they still managed to live with one another because they developed this sickness called ' martyrdom . ' That's the fact. Umiling ito . " I don't know , pare . Pero kung ako ang tatanungin mo , I think you're in love . Why ? I've never seen you fuss about a woman before . Dati ay wala ka namang pakialam kung magsialisan man silang lahat sa buhay mo . They can step out of your life if they want and you won't give a damn . I don't know , ha , pero feeling ko , gusto mo lang kumbinsihin ang sarili mo na tama ang ginawa mo . But the truth is , you really want to go after Ella . C'mon , pare . Why don't you give yourself a chance ? Ikaw na rin ang nagsabi , Ella is different from other women . Bakit hindi mo siya bigyan ng chance ? You can't just say it will never work out when you've never even tried . That's bullshit , man ! " Hindi siya nakaimik . Tama naman kasi ang sinabi nito . Sarili lang niya ang kinukumbinsi niya na tama lang na hinayaan niyang umalis si Ella , pero ang totoo ay ayaw niya itong umalis nang tuluyan . Habang tinutungga niya ang huling lamang alak ng kopita niya ay nagsimula nang gumana ang isip niya . Iniisip niya kung paano niya hahanapin si Ella at kung paano niya ito susuyuin upang mapatawad
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD