CHAPTER TWELVE

1567 Words
siya nito sa ginawa niya at sa lahat ng sinabi niya rito . If it meant happiness for both of them , then maybe it was worth all the risk. SANDALI ! Balik ka muna rito ! " Napalingon si Ella kay Aling Nancy , ang landlady ng tinitirhan niyang boardinghouse . Bakit kaya siya nito tinatawag ? Alangan namang maniningil ito ng upa , samantalang naka - two months deposit na siya . Naiinis na bumalik siya rito . Late na siya sa pupuntahang orientation ng travel agency rá in - apply - an niya . " Bakit ho ? " " Marianella Tabigui ' ba ang buong pangalan mo ? " " Oho . Paano n'yo ho nalaman ? " Hindi kasi niya sinabi rito ang tunay niyang pangalan. May lalaki kasing naghahanap sa ' yo rito kahapon noong wala ka . Hinahanap daw niya si Marianella Tabigui . May nakapagsabi raw kasi sa kanyang dito ka nakatira . Ang guwapo niya , mukhang mayaman , at ang gara ng porma niya . At saka yong kotse niya , ang kintab ! " Si Jeremy , hinahanap siya ? Imposible yata iyon . Paano nito natunton ang kinaroroonan niya ? At isa pa , bakit naman siya nito hahanapin ? Baka para bawiin ' yong kalahating milyong ibinigay niya sa ' yo , sagot ng kabilang bahagi ng isip niya . Neknek mo , Jeremy ! Hindi ko na ibabalik iyon sa ' yo paano n'yo naman po nalamang ako si Marianella Tabigui ? Kasi , may dalang picture mo ' yong poging mama . Sandali , boypren mo ba yon , ha ? " " Hindi ho . Baka ho maniningil lang siya kaya niya ako hinahanap. May utang kasi ako sa kanya . Kung sakali pong bumalik siya , pakisabi po sa kanya na lumipat na ako ng boardinghouse . O kaya'y sabihin n'yo na lang po na umuwi na ako sa Mindanao , o di kaya'y lumipad na ako papuntang London . Basta , kayo na po ang bahala . Basta huwag n'yo pong sasabihin na nandito po ako . Sige po . Aalis na po ako . Late na po ako , eh . " " Saan ba ang punta mo , ha ? " " May orientation po ako sa travel agency na in apply - an ko . Sige po , Aling Nancy . Alis na po ako. O , sige . Sayang . Akala ko pa nama'y boypren mo ' yong poging ' yon , " umabot pa sa kanyang pandinig na sabi nito bago siya nakalayo roon . Si Jeremy nga ba talaga ang lalaking tinutukoy nitong naghahanap sa kanya ? Well , ilang guwapo at mayamang lalaki ba naman ang kilala niya ? Maliban kay Jeremy ay wala na . Well , there was Rex , pero lalong walang dahilan para hanapin siya nito . Right after he gave her Jeremy's name and address , hindi na niya ito muling nakita pa . Hindi naman kasi mahilig mag - imbita si Jeremy ng mga kaibigan nito sa bahay nito. Kung gayon ay si Jeremy nga siguro ang lalaking naghahanap sa kanya . Paano nga kaya siya nito natunton ? Kunsabagay , sa dami ba naman ng pera nito , hindi na nakapagtatakang kahit sa Mindanao ay kaya siya nitong sundan . The real question was , bakit nga kaya siya nito hinahanap ? Hindi naman siguro para bawiin iyong perang ibinigay nito sa kanya . Antipatiko lang ito pero hindi ito maramot . Sa katunayan , kung gumastos ito ay parang bale - wala lang dito ang pera. Baka naman magso- " sorry " ito at hihilingin sa kanya na bumalik na siya sa bahay nito kaya siya hinahanap ? Baka aaminin na nito na hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito . Na na - realize nitong mahal pala siya nito . Na siya ang babaeng gusto nitong makasama habang - buhay . Na siya ang gusto nitong maging ina ng mga anak nito . Asa ka pa , Marianella . Nasa gitna siya ng malalim na pag - iisip nang may humintong kotse sa harap niya . Bumaba ang salamin ng bintana ng kotse . Isang pamilyar na mukha ang nakita niya sa loob . Si Dorothy Hi , " nakangiting bati nito sa kanya . " H - hi , " atubiling ganting - bati niya rito . " Wala ka na pala sa bahay ni Jerry ? " " O - 00 . Matagal na . " Ano ba'ng ginagawa ng babaeng ito rito ? Alangan namang napadaan lang ito roon . Hindi kasi ito iyong tipong dumadaan sa ganoong klase ng lugar. Where are you going ? " tanong nito . " Diyan lang sa SM , " sabi na lang niya . Malapit lang kasi ang mall sa boardinghouse . " Talaga ? Doon din ako papunta . Sabay ka na lang sa akin. Huwag na . Nakakahiya naman sa yo . " Baka kung ano pa'ng gawin mo sa akin , ngalingaling sabihin niya rito . Lihim siyang napamura nang makitang late na siya sa pupuntahang orientation . Para naman kasi siyang pinagkaisahan ng pagkakataon . puno lahat ang mga dumadaang jeep at taxi . " It's not a bother , actually . Doon din naman ako pupunta . Mukhang mabait naman ito ngayon . Muli niyang tiningnan ito sa mga mata . Hindi niya makita maamo at maaliwalas na mukha nito na may sakit itong bipolar disease. Wala rin siyang makitang palatandaan na may kakayahan itong gawan siya ng masama . Ibang - iba ang aura nito sa Dorothy na unang nakilala niya . Baka gumaling na ito . Nagpasya siyang pagbigyan na ang alok nito na sumabay siya rito , tutal , malapit lang naman ang mall . Sandali lang ang itatakbo ng sasakyan nito . Isa pa , ilang metro ang layo mula sa boardinghouse ay may madadaanan silang barangay outpost . Anytime ay makakahingi siya ng saklolo kung sakali . Isa ay tirik na tirik ang araw , hindi ito makakagawa ng masama sa kanya . Wala rin itong dahilan upang magalit pa sa kanya dahil hindi naman na siya nakatira sa bahay ni Jeremy . Iyon lang naman ang ikinagagalit nito. Sige na nga , " pagpayag niya at pumasok na siya sa passenger's seat ng kotse nito . Late na kasi siya sa pupuntahan niya . Pagdating nila sa mall ay madali na lang siyang makakaeskiyerda rito . Sa harap ng mall ay marami siyang masasakyan papunta sa travel agency . " Why did you leave Jerry's house ? " tanong nito nang tumatakbo na ang sasakyan . " A - ano kasi ... Maraming bagay na ... alam mo na , hindi namin mapagkasunduan ni Jeremy , " aniya . " Ah . " Tumangu - tango ito habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada . " But he still loves you . " Hindi totoo ` yan . Ni hindi nga ako minahal ng lalaking iyon , " she honestly blurted out . Gawa sa bato ang puso ng damuhong ' yon . Hinding - hindi iyon kailanman matututong magmahal. I bumped into him last week . Sa isang bar . He bluntly rejected me . I think he still loves you , " malungkot na sabi nito habang nakatuon pa rin ang tingin sa kalsada . " Kung may mahal man siyang iba , isa lang ang nasisiguro ko hindi ako`yon , " Baka may bago na siyang stick ng sigarilyong kinahuhumalingan ngayon . A cigarette stick that he'll throw away after he puffs on it . Umiling ito . " Ikaw yon . Hindi siya magha - hire ng private investigator na maghahanap sa ` yo kung hindi ka niya mahal .Nag - hire siya ng private investigator para hanapin ako ? " hindi makapaniwalang tanong niya rito . " Yup , he did . I know about that because it was my brother's friend that he hired . I overheard their conversation . That's how I found out where you lived . I followed Jerry here yesterday. Sinundan mo si Jeremy papunta rito ? Si Jeremy talaga ` yong pumunta rito kahapon ? " hindi pa rin makapaniwalang tanong niya rito . Tumango ito . The confirmation made her heart beat faster . sundan “ Bakit mo naman ako gustong puntahan ? " tanong niya rito kapagkuwan . " Bakit kailangan mong s si Jeremy para lang mahanap ako ? Hindi ito sumagot , bagkus ay itinabi nito ang kotse sa gilid ng daan bago ito naghalungkat sa bag nito. To show you this , " anito , sabay labas ng isang maliit na puting panyo mula sa bag nito . " Ano yan ? " tanong niya kahit more or less ay alam na niya kung ano iyon at kung para saan . " Here . Take a closer look , " sabi nito , sabay takip ng panyo sa ilong niya . Her lungs were suddenly filled with strong and suffocating odor . Chloroform ! Naalarma siya . Pilit siyang nanlaban . Ngunit huli na , nagsimula nang manuot sa kanyang sistema ang epekto ng kemikal . Naramdaman niya ang unti - unting pagkawala ng kanyang lakas , kasabay ng pagpanaw ng kanyang ulirat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD