BAKA naman umuwi na sa Mindanao . " " I don't know , man . Pero ang sabi n'ong landlady niya ay nandoon pa naman daw ' yong mga gamit niya sa inuupahan niyang silid , " sabi ni Jeremy sa sinabi ni Rex . Ang pinag - uusapan nila ay si Ella . It was Friday night and as usual , naroon na naman sila sa favorite hangout nilang bar na pag - aari ng isa sa mga common friend nila . " Nasaan siya kung ganoon ? " " Nagpaalam lang daw siya na pupunta sa travel agency na ina - apply - an niya . Nag - aalala na nga ang landlady niya . " Ang totoo ay nag - aalala na rin siya kay Ella . Relax , man . You're getting paranoid !
Baka iyon lang ang paalam niya pero ang totoo ay nagtanan . " " And leave her things behind ? No , that doesn't make sense . " Hindi niya kayang isipin na sumama si Ella sa ibang lalaki . Isa pa , hindi ito ganoong klaseng babae si Ella . How long has she been gone ? " " A couple of nights . " Naputol ang pag - uusap nila nang tumunog ang cell phone niya . It was Dorothy . " Kailan ba ako titigilan ng babaeng ito ? " nakasimangot na sabi niya bago tuluyang pinatay ang cell phone . " Who was that ?
Si Dorothy . " Wala pang dalawang minuto ay ang cell phone naman ni Rex ang tumunog . " Si Dorothy , " sabi nito . " Ano , sasagutin ko ? " Nagkibit - balikat siya bago tinungga ang lamang ng kopita niya . " Bahala ka . Basta huwag mo lang sasabihing magkasama tayo ngayon . " alak " Okay , " ani Rex . Nakita niyang pinindot nito ang loudspeaker ng cell phone nito bago nito sinagot ang tawag ni Dorothy . " Hello , Rex . How are you ? " anang boses ni Dorothy mula sa kabilang linya . Patlang . " Si Jeremy ? " tanong ni Dorothy mayamaya . " I don't know . He's not with me . What's wrong ? Umiiyak ka ba ? " tanong ni Rex dito habang nakatingin sa kanya.
Wait . Talk slowly , okay ? Hindi kasi kita maintindihan . " Nagsasalita si Dorothy pero hindi na niya gaanong marinig ang sinasabi nito . " Patay ? Sino'ng napatay mo ? " biglang sabi ni Rex . Sa narinig na huling tinuran ng kaibigan ay dagling napabalik ang tingin niya rito . Sinenyasan siya nitong pupunta muna sa restroom . Masyado kasing maingay sa kinaroroonan nila kaya marahil hindi nito gaanong marinig ang sinasabi ni ay Dorothy . Nang tumayo ito at tinutungo ang restroom ay tumayo na rin siya at sumunod dito . " Okay , talk . I'm listening , " ani Rex nang nasa malapit na sila sa entrance ng men's room . Sinenyasan siya nitong tumahimik . " Si Ella ? Yong PA ni Jeremy ? You mean , she's with you ? " Sa pakiwari niya ay dumoble ang bilis ng pintig ng puso niya at bigla siyang nakaramdam ng takot . Ano ang ginawa ni Dorothy kay Ella ? Bakit magkasama ang mga ito ? Please , no , usal niya nang maalala ang huling tinuran ni Rex na " patay . " Hinding - hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling may masamang nangyari kay Ella nang dahil sa kanya . " Okay , okay . I'll be there . Tutulungan kita . Just tell me where you are at pupuntahan kita.
Just promise me , huwag kang magsusumbong sa mga pulis , pati na rin kay Jeremy . Wala kang sasabihin sa kanya kahit ano . " " Promise . Sige , pupunta ako diyang mag - isa . Just tell me where you are . " Sinabi ni Dorothy ang lugar na kinaroroonan nito at ni Ella. All right , I'll be there in a short while . Huwag kang aalis diyan . Don't leave Ella alone , " ani Rex bago pinutol ang tawag . " What the hell happened ? Ano'ng ginawa ng baliw na yon kay Ella ? " tanong niya kay Rex . " Hindi ko alam . Basta umiiyak lang siya . She's asking for help . She said she might have killed Ella , " anito habang nagmamadali silang lumalabas ng bar . " She killed Ella ? Ella's dead ? " Hysterical na siya.
Hindi pa naman sigurado . Takot na takot lang si Dorothy , " anito at sinimulan na nitong paandarin ang kotse nito . " God ... " nasambit niya habang nilulukob ng hindi maipaliwanag na takot ang kanyang puso . He never prayed , actually . Pero nang mga sandaling iyon , he prayed for Ella's safety . Please , Lord ... Make her safe . I'm begging You , paulit - ulit na dasal niya. ANG KIROT sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Ella ang una niyang naramdaman nang balikan siya g malay . She was in the same room . Alone . Nasaan na kaya ang lukaret na ' yon ? tanong iya sa sarili habang kinakapa ang ulo niya na masakit . May nakapa siyang basa . Nagulat siya nang makitang dugo iyon . May sugat siya . Binato kasi siya Kanina ni Dorothy ng picture frame . Tumama iyon sa ulo niya . Pagkatapos niyon ay pinanawan siya ng lirat . Nang magkamalay siya ay nasa loob na siya nang hindi pamilyar na silid . Hinintay pa talaga siya nito na magising bago siya walang awang pinagbabato at pinaghahampas ng kahit anong mahawakan nito
Nagsisigaw ito na tila wala na sa sarili .
Kung anu ano ang mga sinasabi nito ; na hindi raw ito makapapayag na may ibang mahal ang lalaking pinakamamahal nito ; na hindi raw ito makapapayag na mapunta sa ibang babae si Jeremy ; na papatayin daw siya nito upang mapansin daw ito ni Jeremy nang tuluyan ; at kung anu - ano pa . At kahit anong pagmamakaawa ang gawin niya ay tila wala na itong naririnig . Patuloy ito sa pananakit sa kanya habang walang tigil sa pagsigaw . Hindi naman siya makaganti o makaiwas man lang dahil itinali siya nito sa isang silya . At nang magsawa ito sa pananakit sa kanya ay umalis ito . Iniwan siyang mag - isa sa madilim na.