silid na iyon . Walang bintana ang silid at wala siyang makitang orasan . Hinang - hina na siya dahil sa magkahalong gutom at sakit na nararamdaman niya . Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik ito at muling nagwala at muli siyang sinaktan . Paulit - ulit lang naman ang mga sinasabi nito . Papatayin daw siya nito upang mapansin ito ni Jeremy . At hayun nga , binato siya nito ng picture frame . Doon na siya pinanawan ng ulirat . Nang magising siya ay mag - isa na lang siya . At doon nga niya nalaman na may sugat siya sa ulo . Diyos ko ... Tulungan N'yo po akong makalabas nang buhay rito.
Promise po , ibabalik ko kay Jeremy ' yong kalahating milyon . Hindi naman po kasi sa akin ' yon . Ipagtatapat ko na rin po sa pamilya ko na hindi po ako natuloy sa London . Please , hayaan N'yo po akong mabuhay . Kailangan pa po ako ng pamilya ko . Parang awa N'yo na po , Lord . Isalba N'yo po ako mula sa luka - lukang iyon - Ay , sorry po for the word . " I told you not to tell Jerry ! You lied to me , you bastard ! " narinig niyang biglang sigaw ni Dorothy mula sa labas ng silid . Mukhang may kasama ito . Bigla siyang nabuhayan ng loob nang malamang may ibang tao sa bahay na iyon . " Dorothy , I'm sorry , okay ? We're here to help you , " anang isang lalake.
Parang pamilyar sa kanya ang boses ngunit hindi na niya matandaan kung kanino , kailan , at saan niya narinig iyon . " Dorothy , hindi kita sasaktan , okay ? Sabihin mo lang sa amin kung nasaan si Ella . Where is she ? " Si Jeremy ! Hindi siya puwedeng magkamali , boses iyon ni Jeremy . Naroon si Jeremy ! Thank you po , Lord ! Gusto niyang magsisigaw sa tuwa . " No ! You can't have her ! She's dead ! That maid of yours is already dead ! I killed her ! " hysterical nang sabi ni Dorothy . " Dorothy , where is Ella ?! I'm asking you ! Where is Ella ? " anang boses ni Jeremy . " Dorothy , calm down . Where's Ella ? " tanong ng unang boses na narinig niya . " Rex , please . Get him out of here , " sabi ni Dorothy . So , si Rex pala ang lalaki , ang may - ari ng boses na pamilyar sa kanya kanina . Naroon sina Rex at Jeremy upang iligtas siya . Pakiramdam niya ay bigla siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan sa kaalamang iyon . " Dorothy , sabihin mo sa amin kung nasaan si Ella , " ani Rex . " Ella ! Ella ! Where are you ? This is Jeremy ! Ella ! " sigaw ni Jeremy . " Narito ako ! " sabi niya . Pero sa halip na malakas ang pagkakasabi niyon ay lumabas lang na nararamdaman niya . bulong dahil sa labis na panghihina at sakit na Dorothy . " I told you she's already dead ! " muling sabi ni " Ella ! Answer me , damn it ! Where are you ? This is Jeremy ! " muling sigaw ni Jeremy . " Ella ! " Si Rex . Inipon niya ang natitirang lakas at saka sumigaw . " Narito ako !
Ella ? Ella ? Are you in there ? Open the door ! " ani Jeremy habang pinipihit ang naka - lock na seradura ng pinto ng silid na kinaroroonan niya . " No ! You can't have her , Jerry ! You're mine ! Do you hear me ? You're mine ! " muling sigaw ni Dorothy . " Dorothy , calm down . Nasaan ang susi ? Tell me , " ani Rex . " Ella ! Open this goddamned door ! " muling sigaw ni Jeremy . " Hindi puwede ! Hindi ako makatayo ! Nakatali ako ! " aniya sa pilit na pinalakas na boses
Open this door , Dorothy ! " " No ! Hinding - hindi ako makapapayag na mapunta ka sa babaeng ` yan ! Papatayin ko muna ang mang - aagaw na ` yan bago ka niya makuha mula sa akin ! Rex , pare , help me , " ani Jeremy , pagkatapos ay narinig niyang tila binabangga ang pinto . Ilang minuto lang ay tuluyan nang bumigay ang pinto . Dali - daling tumakbo si Jeremy palapit sa kanya . " Holy s**t ! Are you okay ? " puno ng pag - aalala na agad na tanong nito sa kanya . " You're bleeding ! Rex , pare , help me untie her . " Pinagtulungan ng mga itong kalagan siya sa pagkakatali . Eksaktong nakalagan siya nang lumitaw si Dorothy sa pinto.
Nakatutok sa kanila a nitong baril . ang hawak " Do you think I'll let you have your happy ending that easy ? Think again , Jerry , " anito habang nakatutok pa rin sa kanila ang baril . " Dorothy , put that gun down ! " kalmado ngunit punung - puno ng awtoridad na sabi ni Jeremy sa babae habang pasimple siyang kino - cover - an nito . " No , Jerry . Papatayin ko talaga ang babaeng iyan , if that's the only way para mapansin mo ako . I swear , I'm going to kill her ! " Nanlilisik ang mga mata nito sa matinding galit . " Dorothy , I said , put that gun down ! I'm warning you ! " " Get out of my way , Jerry ! " " Dorothy , listen to Jeremy . Ibaba mo ' yang baril , " sabi ni Rex .
I thought you were my friend , Rex ! Kakampi ka rin pala ng mang - aagaw na ` yan ! I hate you , you traitor ! " ani Dorothy kasabay ng pag - alingawngaw ng putok ng baril . Napasigaw sila ni Jeremy kasabay ng pagbagsak ni Rex sa sahig
Agad na dinaluhan ni Jeremy ang kaibigan . " Rex pare !
Duguan si Rex . Hindi niya masiguro kung sa bandang dibdib ito tinamaan o sa balikat nito . " It's your turn , b***h ! You deserve to die ! " muling sigaw ni Dorothy habang sa kanya naman itinutok ang baril . " Dorothy , no ! " sigaw ni Jeremy . Kaagad nitong tinakbo ang kinatatayuan ni Dorothy . Ngunit huli na nagawa nang iputok ni Dorothy ang baril . Kasunod ng pag - alingawngaw ng putok ng baril ang pagguhit ng matinding sakit sa kanyang tiyan . Noon niya nakita ang maraming dugong umaagos mula sa tiyan niya . Nag - agawan ng baril sina Jeremy at Dorothy . Gusto niyang tumulong pero bukod sa hinang - hina na siya ay unti - unti na ring nanlalabo ang kanyang paningin . Ilang sadali lang ay umalingawngaw ang isa pang putok ng baril . Jeremy ! Gusto niyang sumigaw ngunit wala nang tinig na lumabas mula sa bibig niya . Ni hindi niya