Pagdating na pagdating ni Tasha sa cafeteria ng school ay agad siyang umupo sa harap ni Freya na kumakain ngayon habang nakatutok sa cellphone nito at tila hindi nito pansin ang pagdating niya kaya napabuntong hininga siya ng malalim na narinig nito kaya napatingin ito sa kanya.
“What’s with the face Tash?” Tanong ni Freya sa kanya kaya nagkibit balikat lang siya.
“May quiz kami kanina. And I got only 27.” Sagot naman niya rito. Hindi kasi sila pareho ng kursong kinuha ni Freya kaya minemessage nalang niya ito kung saan sila magkikita.
“Out of?”
“30” Sagot naman niya rito kaya napairap ito sa kanya.
“Gosh Tasha! Ako nga 20 lang minsan or 18 masaya na.”
“Syempre gusto ko ring maimpress sa akin si ate. Para naman hindi lang mga mali ko ang nakikita niya.”
“E yung nililigawan ni Cole? Nakita mo na ba?” Nakangising tanong naman ni Freya sa kanya kaya napakunot siya ng noo. Ang pagkakaalam lang kasi niya ay walang oras si Cole sa mga ganoong bagay dahil masyado itong focus sa studies niya at sa student council.
“Who?” Tanong naman niya sa kaibigan. Tila nanikip ang dibdib niya sa narinig. Ngumuso naman ang kaibigan niya sa kanyang likod at dahan dahan naman siyang lumingon sa tinuro nito.
“Athena, anak ng Mayor. I don’t know basta yun lang yung narinig ko. She’s a 3rd year college like us and taking up Architecture gaya ni Cole. Maganda siya ha? Mukhang hindi tumitikim ng alak.” Natatawang sambit ni Freya kaya tiningnan niya ito ng masama na agad naman nitong binawi. “Pero mas maganda ka.”
Maya maya pa ay napadaan sa gilid nila ang babae kasama ng dalawa nitong kaibigan kaya mas natitigan niya ito ng malapitan. Maganda nga ito, pero mas maganda siya.
“So, totoo ba ang balita? Nililigawan ka ni Cole?” Tanong ng isang kaibigan ni Athena na tila pinaparinig pa sa kanya. Nalaman kasi ng buong campus na umamin siya noon kay Cole at pinahiya lang siya nito kaya naman masama talaga ang loob niya.
“Yes.” Sagot naman ni Athena sa mga kaibigan at mahinhin na humagikhik kaya naman napairap ng lihim si Tasha.
“Nakita ko yon.” Mahinang sambit ni Freya.
“What?” Maang naman niyang tanong sa kaibigan.
“Your eyeballs.” Natatawang sambit ni Freya sa kanya kaya mas lalo siyang nainis.
“Athena! Si Cole!” Sambit ng isang kaibigan ni Athena at tinuro si Cole na kakapasok lang ng cafeteria kaya naman napatingin din siya sa entrance ng cafeteria. Gwapo talaga si Cole at talagang agaw pansin nito lahat ng kababaihan sa loob.
“Cole!” Sigaw ni Athena kaya napatingin si Cole sa gawi nila dahil magkatapat lang ang table nila ni Freya sa table nila Athena. Agad namang nagiwas siya ng tingin nang magtama ang paningin nila ni Cole.
“Freya, let’s go.” Yaya ni Tasha sa kaibigan dahil ayaw niyang makita na magkasama si Cole at Athena kaya siya nalang ang iiwas. Hindi naman siya manhid para hindi makaramdam ng sakit dahil kahit papaano ay may gusto parin siya kay Cole kahit tinuring na niya itong kaaway.
Agad namang sumunod sa kanya si Freya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na nakatingin sa kanya si Cole at ang mga kaibigan nito ngunit hindi niya ito pinansin saka nagtuluy tuloy sa paglalakad.
“Nice shoes, Tash.” Sambit ng isa sa mga kaibigan ni Cole kaya naman napatigil siya at napatingin dito. Nakangisi ito sa kanya kaya naman tinitigan niya ito ng walang kaemo emosyon. Nakaputing high cut shoes kasi siya ngayon na bumagay sa kanya at sa uniform nila kaya wala siyang pakealam kahit hindi ito pasok sa dress code ng school nila.
“Yeah, buti nga tong shoes ko nice, ikaw lang hindi.” Matigas na sambit niya rito kaya naghiyawan ang mga tao sa loob ng cafeteria.
“Watch your words Natasha.” Pasimpleng sambit naman ni Cole sa gilid niya kaya tiningnan din niya ito.
“Why? Naapakan ko ba ego mo? As far as I remember, etong kumag na kaibigan mo ang kausap ko at hindi ikaw Mister Hudgens.” Sambit niya rito saka umalis kaya muli na naman niysng narinig ang tuksuhan ng mga estudyante sa cafeteria na tila araw araw na nilang inaabangan ang bangayan nilang dalawa ni Cole. Hindi na niya tiningnan pa ito dahil baka mas lalo lang siyang manggalaiti sa galit.
“Tapang ha? Tapos na quiz mo diba? Tara roadtrip.” Yaya ni Freya sa kanya ngunit tinanggihan niya ito.
“Sa library muna ako. May kailangan akong tapusin na project.” Pagdadahilan niya rito ngunit ang totoo ay wala siyang pera dahil binawasan na ng ate niya ang allowance niya kaya pati pagkain niya kanina ay hindi nalang siya bumili. Alam din kasi niyang hindi na ganoon kalaki ang kinikita ng store nila kaya naman ang pagtitipid na rin sa sarili ang nakita niyang paraan para makatulong sa kapatid. Itutulog nalang niya sa library ang gutom niya total ay tapos na ang quiz niya sa isang subject sa araw na iyon habang hinihintay ang susunod na subject.
*****
“I didn’t know that the library is now your sleeping area.” Rinig ni Tasha kaya lihim siyang bumuntong hininga.
“And I didn’t know na may pakealam ka pala sa akin.” Sagot naman niya kay Cole ngunit nanatili parin siyang nakapikit. Alam na alam niyang si Cole iyon dahil kilala niya ang boses ng binata.
“Wala akong pakealam sayo Miss Natasha, iniisip ko lang ang ibang students dito na gayahin ka uli.” Sagot naman ni Cole kaya pakiramdam niya’y tinusok na naman ng karayom ang puso niya.
“Sa dami ng gumagawa nito dito ako pa talaga ang napansin ninyo? Kung alam ko lang na makikita ako ng isa sa mga alipores mo dito ay hindi nalang sana ako pumunta dito.” Inis na sambit niya rito saka humarap dito kahit magulo ang kanyang buhok dahil sa pagkakayukyok niya sa lamesa.
“Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi mo kanina.” Maya maya ay sambit ni Cole kaya natawa siya.
“Problema mo na yon Mister President.” Nakahalukipkip na sagot niya rito kaya nakita niya ang inis sa mukha nito.
“That’s why I d—“ Hindi na naituloy ni Cole ang sasabihin niya nang sumingit siya kaya natahimik si Cole.
“That’s why you don’t like me? Alam ko na yon Cole. Hindi mo na kailangang ulit ulitin at isa pa hindi ko sinabing gustuhin mo ako.” Sambit niya rito at muntikan pa siyang pumiyok dahil sa nagbabadyang luha na gustong kumawala sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ito dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa harap nito. Sakto namang nakita ni Tasha si Athena na kakapasok lang ng library at mukhang may hinahanap.
“I have to go. Mukhang may naghahanap sayo.” Pilit ang ngiting sambit niya rito saka tumayo at lumabas na ng library. Ayaw na rin kasi niyang makipagtalo kay Cole at napapagod na rin siya kaya mas mabuti nang hindi sila magusap pa nito. Hindi na rin naman nagsalita pa si Cole kaya tuluy tuloy nalang siya sa paglalakad.
“Why are you with him?” Maya maya ay rinig niyang sambit ni Athena pero hindi niya ito pinansin.
“I’m talking to you Natasha.” Pagdidiin pa ng dalaga sa pangalan niya nang madaanan niya ito kaya napatigil siya at liningon ito. Nakita niyang nakataas pa ang kilay nito kaya natawa siya at hindi na rin siya magtataka kung kilala siya nito dahil kilalang kilala talaga siya sa eskwelahan bilang babaeng nireject ni Cole.
“What? I don’t even know why he’s following me. Why don’t you ask him?” Sambit niya rito kaya mas lalong nagdilim ang mukha ni Athena.
“Sigurado ka? E lantaran nga niyang sinabi sayo na hindi ka niya gusto.” Nakangising sambit naman ni Athena kaya napabuga siya ng malalim na hininga.
“E yun naman pala. Bakit mo pa ako tinanong? And also, I didn’t say that he likes me. Ang sabi ko hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan. O ayan, tagalog na yan ha? Masyado kang praning. Nanliligaw palang yung tao sayo pero wagas ka na kung makabakod. Tss. Desperada.” Sambit niya rito kaya halos mamula ito sa galit bago niya ito talikuran. Hindi na rin naman ito nakasagot sa kanya dahil mukhang tinamaan ito sa mga sinabi niya.
Paglabas na paglabas niya ng library ay napatigil siya saka tumingala sa langit at napabuntong hininga.
“What a day.” Bulong na lamang niya sa sarili.