Chapter 6

1538 Words
“Ate?” Tawag ni Tasha sa kapatid nang maabutan niya ang pinto ng kanilang bahay na hindi nakalock , ngunit walang sumasagot kaya muli niya itong tinawag. “Ate?” Tawag niya uli sa kapatid. Maya maya pa ay may narinig siyang kalabog sa ikalawanv palapag ng kanilang bahay kaya agad siyang tumakbo paakyat ng hagdan at dali dali niyang tinungo ang kwarto ng kanyang kapatid. Nag alangan pa siyang buksan ito dahil natatakot siya na baka kung ano ang makita niya ngunit sa huli ay napagdesisyonan niyang buksan iyon at halos magkagulatan pa sila ng kanyang kapatid nang mabungaran niya ito na nagpupunas ng buhok at mukhang katatapos lang nitong maligo. “Hindi ka ba marunong kumatok Natasha?” May halong inis na sambit ng ate niya kaya medyo napapahiyang yumuko siya rito. “Akala ko kung ano nang nangyayari dito. Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Ano yung narinig kong ingay?” Mahabang paliwanag niya rito. “Oh! Sorry, nagbibihis kasi ako kanina tapos nahulog ko yung lotion.” Hinging paumanhin ng kapatid. “Bakit ang aga mo yata ngayon ate?” Tanong ni Tasha sa kapatid dahil hindi siya sanay na maagang umuuwi ang kanyang ate dahil gabi ito nagsasara ng store at laging siya ang nagluluto ng hapunan nilang dalawa. “Nakaramdam kasi ako ng hilo kanina kaya napagdesisyonan kong magsara ng maaga. Tsaka alam mo naman si Jude, makulit. Hindi ako titigilan non hangga’t hindi ako sumusunod.” Sagof naman ni Thalia sa kanya kaya lihim siyang bumuntong hininga. “Ganon ba? E kamusta na yang pakiramdam mo ngayon?” Tanong naman ni Tasha sa kapatid na may pagaalala. “I’m fine now, uminom na ako ng gamot. Anyway magbihis ka na at magluluto na ako ng hapunan.” Utos sa kanya ng kapatid kaya naman agad nagliwanag ang kanyang mukha. “Really ate? You’ll cook for me?” Nakangiting sambit niya sa kapatid na ikinatigil nito. “Tash? Did you just smile?” Manghang tanong nito sa kanya kaya agad niyang binawi ang kanyang ngiti at inirapan ito. “Nope.” “I saw it!” Giit pa ni Thalia kaya natawa nalang din siya saka tinalikuran ang kapatid para pumasok sa kanyang silid at magbihis. “I miss that smile Tasha.” Habol pa ni Thalia ngunit hindi nalang niya pinansin iyon saka sinara ang pinto ng kanyang kwarto na katabi lang ng kwarto ni Thalia. “I miss you too, ate.” Bulong niya sa sarili. Magkasama sila lagi nito sa loob ng bahay ngunit pakiramdam niya ay ang layo layo nila sa isa’t isa. Simula kasi nang maging magkasintahan ang kanyang ate at si Jude ay pakiramdam niya’y nawalan na rin ng oras si Thalia sa kanya na akala lagi nito’y materyal na bagay ang gusto niya ngunit hindi alam ni Thalia na atensyon at oras ang kailangan niya, ang gusto niya mula sa nakatatandang kapatid. Kapag magkasama kasi sila ng kanyang kapatid ay lagi naman nitong kausap si Jude sa cellphone kaya wala siyang mapagkwentuhan ng mga nangyayari sa kanya. Pagkatapos nga niyang magbihis ay agad siyang bumaba at naabutan niya ang kanyang kapatid na nagluluto ng hapunan. Sinilip niya ang niluluto nito saka tiningnan ito. “Ano yan?” Tanong niya rito. “Your favorite.” “Hmmmm. Beef kaldereta?” “Yes.” “Kulang ka sa sangkap. Tikman ko nga.” Sambit pa niya rito ngunit pinaningkitan lang siya ng mata ni Thalia. “Alam mo? Nakakainsulto ka ha?” Biro sa kanya ni Thalia kaya natawa siya rito. “Hindi porke’t mas magaling kang magluto sakin ganyan ka na.” “No. Hindi ganon yon ate.” Dipensa naman niya sa sarili na natatawa. “How’s school Tasha?” Pagiiba ni Thalia sa kanilang usapan. “Good.” Simpleng sagot lamang niya rito. “Kamusta mga grado mo?” Tanong pa nito. “Don’t worry ate, I’m a dean’s lister.” “What? You’re kidding me.” Gulat na sambit pa nito. “Yes.” “How come na hindi ko alam yon?” Gulat parin na tanong ni Thalia sa kaniya kaya natahimik siya at pati na rin si Thalia ay natahimik. “Y-you’re always busy.” Sagot niya kay Thalia sabay yuko at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng refrigerator. “Pero Tasha. Dapat sinabi mo sakin para naman nakaattend ako ng recognition.” “I tried pero lagi mo kasing kausap si Jude kaya hindi ko nalang sinabi.” Tila may hinanakit na sambit niya sa kapatid. “But, that’s ok. It’s just a piece of paper anyway.” “I’m sorry Tash.” Malungkot na sambit ni Thalia sa kanya kaya napatigil siya at saglit na napalunok dahil sa nagbabadyang luha na gustong kumawala. Kinalma muna niya ang kanyang sarili at huminga ng malalim bago hinarap ang kapatid. “It’s fine ate, tapos na. May graduation pa naman doon ka nalang bumawi.” Sambit niya rito sabay lapit uli sa kapatid. Kita rin niya sa mukha nito ang lungkot kaya biniro na lamang niya ito. “Ate, ano ka ba? Recognition lang yon hindi ko pa graduation!” Natatawang sambit niya rito para maramdaman ng kapatid na wala siyang sama ng loob dito. “S-sinong kasama mong umakyat ng stage?” Usisa pa ng kapatid kaya natigilan uli siya. “W-wala, kinakausap ko nalang yung mga teacher na wag nalang iannounce na Dean’s lister ako kasi hindi rin naman ako umaattend. Binibigay nalang nila sa akin yung certificate after the program.” Paliwanag niya rito. Natahimik lalo ang kanyang kapatid kaya tiningnan niya ito. “Hey, I’m fine ate. Wag kang magalala. Just promise me nandoon ka sa graduation ko.” Nakangiting sambit niya sa kapatid kaya ngumiti rin ito. “O-oo naman.” Sagot sa kanya ni Thalia. “Promise?” “Y-yes.” Sagot ni Thalia sa kanya at agad naman niyang niyakap ang kapatid mula sa likod. Maya maya pa ay napatigil sila sa kwentuhan at lambingan ng kapatid nang may marinig silang katok mula pintuan ng kusina na kinaroroonan nila. Agad siyang napalingon dito at gulat ang matang tiningnan niya ito. “Love!” Sigaw ng kanyang ate at agad kumawala ang kanyang kapatid sa pagkakayakap niya rito. “Naistorbo ko yata kayo?” Nakangiting sambit ni Jude nang makalapit ang ate niya rito. Kinawayan din naman siya ni Jude at tanging tango lang ang binigay niya rito. Agad naman siyang nagiwas ng tingin nang halikan ni Jude ang ate niya sa pisngi. Hindi niya mawari kung bakit naiilang siya sa mga ganong pagkakataon na nakikita niya ang kasweetan ng kanyang ate at ni Jude na noon nama’y hindi. “Hindi naman, halika maupo ka.” Yaya ng kanyang kapatid kay Jude. “Tasha, I invited Jude nga pala para magdinner dito.” Paalam sa kanya ng kanyang kapatid kaya tumango nalang siya at pinilit ngumiti sa mga ito saka agad siyang tumalikod at nagbisi-busyhan sa pagluluto. Kinuha niya ang sandok at tinikman ang ulam na niluluto ng kapatid at napaisip kung anong kulang sa lasa nito. Kulang ito sa tamis. Habang tinitimpla niya ang pagkain ay naririnig niya pang naguusap ang dalawa kaya nagfocus nalang siya sa pagluluto. Mukhang out of place na naman siya sa mga ito. Akala pa naman niya ay dahil sa kanya kaya nagluto ang ate niya ngunit hindi pala. Pagkatapos maluto ng pagkain ay agad siyang humarap sa mga ito. “Kain n—.” Hindi niya halos natapos ang sasabihin nang makitang si Jude lamang ang nakaupo sa harapan niya at nakatingin sa kanya. “Si a-ate?” Nauutal na tanong niya kay Jude dahil sa mga tingin nito. Hindi niya alam kung may ibig sabihin ba ang mga tingin nito o sadyang siya lamang ang nagiisip non. Hindi rin niya alam kung matagal nang sila lang dalawa ang nasa kusina o hindi. “Upstairs, inakyat lang niya yung binigay ko.” Sambit nito na nakatingin parin sa kanya na tila pinapanood lahat ng kilos niya. Agad naman siyang umalis sa kinatatayuan kahit pakiramdam niya’y nanginginig ang mga tuhod niya. Bakit parang bigla siyang kinabahan? Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil hindi talaga siya sanay sa presensiya ni Jude lalo na kung sila lang dalawa. Binagalan niya ang pagkuha ng mga plato at kutsara para hindi siya makalapit sa lamesang kinaroroonan ni Jude. Halos mabitawan niya ang hawak na plato nang magsalita si Jude mula sa kanyang likuran. “You need help?” Tanong ni Jude kaya hinarap niya ito saglit. Ngunit nagsisi siya dahil sobrang lapit pala ng binata sa kanya at amoy na amoy niya ang pabango nito na naamoy niya noong sinundo siya nito sa bar. “O-ok lang. Upo ka nalang doon.” Sambit niya rito ngunit mapilit si Jude at kinuha pa sa kanya ang mga plato. Nagkatinginan pa silang dalawa kaya agad siyang yumuko. Agad naman niyang binigay rito ang mga plato dahil sa pagkakadaiti ng mga kamay nito sa kamay niya. “S-salamat.” Sambit na lamang niya rito at ngumiti ito sa kanya na ikinalunok niya ng laway. Para naman siyang nakahinga ng maluwag nang pumasok ang ate niya sa kusina at tumulong sa paghahanda ng lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD