“Pardon?”
“I said, I want to do the Chemo Therapy.” Ulit ni Thalia kay Vena na matalik niyang kaibigan.
“Bakit ngayon pa Thalia?”
“N-nakausap ko si Tasha kahapon and she want me to be with her during her college graduation.” Paliwanag niya rito.
“I told you that before, na lumaban ka para kay Natasha pero hindi ka nakinig.”
“P-please Vena.. Please help me..” Sambit niya sa kaibigang doktor hanggang sa napahagulgol na siya ng tuluyan. Tuluyan na rin namang tinanggal ni Vena ang kanyang salamin at hinarap si Thalia na kasalukuyang nakaupo sa kanyang harapan.
“Did she know about your condition?” Tanong pa ni Vena sa kanya.
Umiling lamang siya bilang sagot kaya napahilamos si Vena sa sariling mukha.
“Bakit ka ba ganyan? Sorry to say this, pero ang selfish mo Thalia! Alam mo namang ikaw nalang ang natitirang pamilya ni Tasha!” Hindi mapigilang sigawan ni Vena si Thalia dahil sa sama ng loob.
“Kaya nga gusto ko nang gawin yung Chemo diba?” Sagot naman ni Thalia sa kaibigan.
“Now that you’re in stage 4 leukemia Nathalia?! Are you serious?! Pinilit kita noon pero hindi ka nakinig!” Galit na sambit ni Vena kaya napayuko si Thalia.
“Natakot ako.. W-wala na bang paraan?” Lumuluhang tanong niya sa kaibigan kaya nag-iwas ng tingin si Vena.
“I can give you pain killers again. Pero kapag tumagal baka hindi na rin kayanin ng pain killers.” Nakayukong sambit ni Vena kaya halos manlumo si Thalia sa narinig.
“Alam na ba ito ni Jude?” Dagdag pa ni Vena kaya hindi na naman siya nakaimik.
Wala sa sariling napasandal si Vena sa kanyang swivel chair at tinitigan ang kaibigan.
“So, ano? Ako lang aattend ng libing mo Nathalia?” Inis na tanong niya sa kaibigan kaya napatingin sa kanya si Nathalia at napahagalpak ito ng tawa na pati siya ay natawa nalang din.
“Fine! Gawin natin ang Chemo. Himala nalang kung may pagbabago. Sabihin mo na sa kapatid mo at kay Jude before it’s too late. Basta maghanda ka Nathalia.” Sambit ni Vena kay Nathalia kaya napatango si Nathalia.
“Magkano ang magagastos ko?” Tanong ni Nathalia kaya napatingin sa kanya si Vena.
“Ako na ang bahala.” Sambit nito kaya gulat na napatayo si Thalia at mabilis na naglakad saka niyakap ang matalik na kaibigan ng mahigpit. Mayaman at kilala sa kanilang lugar si Vena na kaklase niya mula pa noong elementarya at nang magaral sila sa kolehiyo ay hindi parin nawawala ang komunikasyon nilang dalawa kahit nasa ibang bansa nagaaral si Vena kaya naman labis siyang natuwa nang umuwi ito ng Pilipinas at ito na ang namahala sa malaking ospital na pagaari ng angkan nila Vena. Lihim namang nagpunas ng luha si Vena dahil sa awa sa kaibigan.
*****
“May meeting daw mamaya sa gym. Pupunta ka?” Tanong ni Freya kay Tasha habang kumakain sila sa Cafeteria.
“Nope. Ayaw ko munang makita si Cole.” Simpleng sagot niya kay Freya kaya natawa si Freya sa kanya.
“So, it’s all about Cole again.”
“I’m starting to move on, Frey.”
“Stop me, Tasha! Hindi naging kayo.”
“Ayun na nga.” Natatawang sambit niya rito kaya natawa sila pareho. Maya maya pa ay ngumuso si Freya habang may tinitignan ito sa likod niya kaya napatingin rin siya rito.
Napatingin din siya sa kanyang likod at lihim siyang nagulat nang makita si Cole na kasama ang mga kaibigan. Inaamin niyang namiss niya ang binata dahil sa ilang linggo na niyang iniiwasan ito at kung maaari ay ayaw niyang nakikita ito dahil balita niya’y girlfriend na nito si Athena kaya agad siyang nagiwas ng tingin bago pa siya makita ni Cole. Nagfocus nalang siya sa kanyang pagkain at iniba ang topic nila ni Freya.
Halos hindi niya alam kung susubo ba siya ng pagkain o iinom ng tubig dahil biglang umupo si Cole at ang mga kaibigan nito sa bakanteng upuan sa tapat nila at nakita niyang tinitigan siya ni Cole pero hindi nalang niya ito pinansin dahil ayaw rin naman niyang makipag away at isa pa ay sinasanay na niya ang sarili niyang hindi ito hanapin ng kanyang mata. Napansin din niyang natahimik din ang mga kaibigan nito nang makita siya.
“Let’s go?” Yaya niya kay Freya dahil mukhang hindi na rin naman na siya makakakain ng maayos.
“Now?” Tanong ni Freya na hindi pa tapos sa kinakain.
“Yeah. Kainin mo na yan sa daan.” Sambit niya rito at nakuha naman agad ng kaibigan ang gusto niyang sabihin kaya tumayo na rin ito sa kanyang upuan bitbit ang sandwich at orange juice na binili nito.
“Don’t forget the meeting later Miss Guzman and Miss Cruz.” Malakas na sambit ni Cole kaya natigilan silang dalawa at napatingin kay Cole ng hindi sinasadya.
Ayaw niyang sumagot ngunit ayaw din naman niyang makipag away dito kaya naman tiningnan nalang niya ito saka tumango. Nagulat naman si Cole sa inasta niya at bago pa makapagsalita muli si Cole ay tinalikuran na niya ito.
Nakita niyang natahimik din ang buong cafeteria dahil umaasa na naman ang mga ito na magkakaroon ng bangayan sa pagitan nila ni Cole. Pati si Cole ay nagulat din dahil hindi niya ito binastos o sinagot ng pabalang.
“Whoaw! Tama ba ang nakita ko? Hindi ka niya inaway?” Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Cole na narinig din ni Tasha ngunit hindi na sumagot pa si Cole.
Simula nang magusap sila sa library ay pinangako ni Tasha sa kanyang sarili na iiwasan na niya ito kaya heto at nagawa nga niya. Lihim nalang siyang napangiti dahil kahit papaano ay nakokontrol na niya ang kanyang sarili, and thanks God for that.
Maya maya pa ay nakareceive siya ng text mula sa kanyang kapatid kaya napangiti uli siya dahil magluluto na naman daw ito ng hapunan. Napapansin din naman niyang napapadalas na ang uwi ng ate niya ng maaga kaya may nadadatnan na siya sa bahay nila.
“Ano yan?” Maya maya pa ay tanong ni Freya na nasa tabi lang niya at pati ito ay sumilip sa screen ng cellphone niya.
“Si ate, pinapauwi ako ng maaga at magluluto raw ng hapunan.” Nakangiting sagot niya sa kaibigan kaya pati ito ay napangiti rin sa kanya.
“Wow! Talaga? Bago yun a! Hmmm..” Gulat ding sambit nito kaya siniko niya ito.
“Hindi ako aattend ng meeting sa gym. Pakisulat nalang yung pangalan ko sa attendance sheet ha?” Sambit niya rito kaya umirap si Freya sa kanya.
“Ano??! Mapipilitan na naman akong kausapin si Gerald?!” Inis na sambit ni Freya kaya natawa siya. Si Gerald ang isa sa classmate niya na may pagtingin kay Freya pero ayaw ng kaibigan niya rito dahil mayabang raw kaya natatawa na lamang siya sa tuwing inaasar ni Gerald ang kaibigan sa tuwing dinadaanan siya nito sa classroom nila.
“Ayos lang yon Frey. Gwapo naman si Ge. Mayaman pa.” Panunukso pa niya rito.
“Gwapo nga, mayabang naman!” Inis na sambit ni Freya sa kanya kaya natawa na naman siya.
“Naku Freya! Kapag yon nakahanap ng iba at tumigil sa pagpapacute sayo, ewan ko nalang.” Natatawang sambit niya rito at bigla itong tumigil sa paglalakad kaya napatigil din siya at napatingin dito.
“Subukan lang niya! Makikita niya! May pa sabi sabi pa siya na gusto niya ako! Na maganda ako tapos makakahanap din pala siya ng iba?!” Galit na sambit nito kaya natawa siya at bigla namang natahimik si Freya kaya umiling nalang siya at naglakad palayo sa kaibigan.
“Huyy! Tasha! Joke ko lang yun! Hindi ko yun gusto!” Habol sa kanya ni Freya na tila nagulat din sa inasta kaya natawa na naman siya.
“Halata nga Freya Cruz.” Nakangiting sambit niya rito kaya wala sa sariling nahampas siya ni Freya sa balikat.