Chapter 8

1756 Words
“I have something to tell you.” Bigla’ng sambit ni Thalia sa kapatid habang kumakain sila ng hapunan. Nakailang buntong hininga muna siya bago niya sabihin iyon kay Tasha kaya napapatingin sa kanya ang nakababatang kapatid. Napatingin naman sa kanya si Tasha na animo’y hinihintay ang sasabihin niya. “Tash, I have.. Uhmm..” Kinakabahang sambit niya rito na parang hindi niya alam kung itutuloy ba niya o hindi ang sasabihin. “What is it ate? Are you okay?” Nakakunot ang noo’ng tanong ni Tasha sa kanya kaya mabilis niyang kinuha ang baso saka uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili. “I have..” Muli niyang sambit saka bumuntong hininga bago magsalita uli habang si Tasha naman ay nakatingin lamang sa kanya na nakakunot ang noo. “You have what?” Tanong ni Tasha na kanina pa naghihintay sa sasabihin ng kapatid. “I have leukemia..” Mabilis na sambit ni Thalia. “Sorry? You have .. what?” Naguguluhang tanong muli ni Tasha. “I have leukemia Tash.” Mahinang sambit ni Thalia kaya napatitig si Tasha sa kanya at maya maya pa ay bumuntong hininga si Tasha. “Ok, nice try ate, not funny..” Natatawang sambit ni Tasha ngunit natigil din siya nang hindi man lang bawiin ng kapatid ang sinabi. “I have stage 4 leukemia Tasha.” Muling sambit ni Thalia kaya naman tuluyan nang nabitawan ni Tasha ang mga kubyertos at napatingin sa kapatid. “ Ka-kailan pa?” Hindi mapigilang pumiyok ni Tasha dahil sa pinipigilang luha at takot para sa kapatid ngunit hindi niya ito pinahalata kay Thalia. “S-six months ago.. P-pero ok naman ako.. I mean malakas pa naman ako. See? Wala nga akong iniinda oh..” Pilit na pinapasigla ni Thalia ang kanyang boses ngunit hindi nakikisama ang kanyang mga mata. “Ano’ng sabi ng doktor?” Tanong ni Tasha na hindi nakatingin sa kapatid sa halip ay tinuloy ang kanyang pagkain kahit hirap na siyang lunukin ang mga iyon. “Vena told me hindi na raw ako tatagal.. pero tignan mo naman, malakas pa ako oh! Patawa talaga siya.” Natatawang sambit ni Thalia kaya naman naibagsak ni Tasha ang mga kubyertos at napatayo. “Pwede ba ate? Hindi na ako bata! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ha?!” Galit na sambit ni Tasha hanggang sa hindi na niya napigilang humagulgol ng iyak at naisandal ang magkabilang kamay sa lamesa. “I’m sorry Tasha. Hindi ko na sinabi sayo dahil akala ko gagaling din ako at isa pa ayaw kitang magalala..” Sumisinghot na sabi ni Thalia rito kaya naman napatingin si Tasha sa kanya. “At sa tingin mo? Ngayon? Ano’ng nararamdaman ko? You made me feel like I’m the most worthless! Hindi man lang kita naalagaan at natulungan! Ni hindi ko alam may iniinda ka na palang sakit samantalang ako..” Mahabang sambit ni Tasha at hindi na naituloy ang sasabihin dahil sa sunud sunod na hikbi niya. “Tash.. P-please..” Sambit ni Thalia saka mabilis na tumayo at nilapitan ang kapatid saka niyakap ito ng mahigpit na mas lalo pang ikinaiyak ni Tasha. “Please.. Don’t say that Tasha. Gusto ko lang naman ibigay ang lahat ng kailangan at gusto mo kahit wala na sila mommy at daddy kaya hindi ko na sinabi sayo. Ayokong magalala ka sakin kaya...” Umiiyak na sambit ni Thalia habang yakap ang kapatid. “P-please ate.. Don’t die.. p-please..” Pagmamakaaawa ni Tasha kaya naman pakiramdam ni Thalia ay mas ikinadurog iyon ng kanyang puso dahil alam niyang hindi na rin siya magtatagal. “P-promise..” Mahinang sambit ni Thalia. “Ikaw nalang ang meron ako ate. Please, lumaban ka.. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawala pa sa akin.” Umiiyak na sambit ni Tasha kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Tasha. Maya-maya pa ay kumalas si Tasha sa pagkakayakap ng kapatid at tinitigan si Thalia. “Titigil ako sa pag-aaral. I’ll take care of you.. B-babawi ako sayo ate..” Nakangiting sambit ni Tasha kaya naman gulat ang mga matang napatingin sa kanya si Thalia. “No! Mag-aaral ka Tasha! Hindi ka pwedeng tumigil at isa pa kaya ko pa namang magtrabaho.” Sagot ni Thalia. “I’m good ate. Mas importante ka.. I can continue my studies kapag gumaling ka na. Promise, hindi ako magiging sakit sa ulo. Please, gusto kitang alagaan ate.” Paliwanag ni Tasha at muli na naman siyang umiyak kaya naman hindi rin mapigilang yakapin siya ni Thalia. “Ang daya mo ate.. Naglihim ka sa akin..” Humahagulgol na sambit ni Tasha kaya naman napaiyak na rin si Thalia. “I’m sorry Tasha, nandito pa ako oh. Pangako, lalaban ako para sayo.. sa atin.” Sambit ni Thalia saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Tasha na ikinatango naman ng kapatid. “A-alam ba ito ni kuya Jude?” Tanong bigla ni Tasha kay Thalia na agad namang umiling ito. “He.. He doesn’t know about my condition..” Nakayukong sagot ni Thalia. “W-what? Ate.. You’re being unfair.” “Please Tash! Let me think first. Ikaw palang nakakaalam nito at si Vena. Please.. Hayaan mo muna na hindi niya alam ang tungkol dito.” “What? Why??” Nakakunot ang noong tanong ni Tasha sa kapatid. “N-natatakot ako.. Baka hiwalayan niya ako or..” Nanginginig na sagot ni Thalia kaya naman hinawakan ni Tasha ang mga kamay niya. “Ate.. Listen.. Kuya Jude isn’t that type of person. I can see that.. But—then if you tell him and he’ll choose to leave you then it’s his problem.. You have me ate..” “ I just love him Tash.. Ayaw ko siyang masaktan at ikaw rin kaya hindi ko sinabi sa inyo—.” Lumuluhang sambit ni Thalia. “If a person truly loves you he will not leave you nor forsake you..” Putol ni Tasha sa sinasabi ni Thalia kaya naman napatango ito kay Tasha. “Tell her ate.. He has the right to know lalo at malapit na ang kasal ninyo..” Umiiyak na sambit ni Tasha kaya naman tumango si Thalia rito. “I will.” Tanging sambit ni Thalia. ***** “MISS GUZMAN. GUIDANCE OFFICE NOW.” Malakas at mariing sambit ng librarian na nagpagising kay Tasha. Gulat siyang umayos ng pagkakaupo at nagkusot ng mata. “Mam Del..” Tanging nasambit niya sa pangalan ng librarian na nasa harap niya ngayon at nakapamewang. Agad siyang tumayo at napatingin sa paligid, napapahiya siyang yumuko dahil sa dami ng estudyanteng nakatingin ngayon sa kanya na tila kanina pa siya tinitignan habang natutulog. “GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW. THEY’RE EXPECTING YOU THERE.” Sambit ng librarian at wala sa sariling naipikit niya ang kanyang mga mata ng mariin saka nakagat ang ibabang labi. “Ano pang tinatayo tayo mo diyan??” Masungit na sambit pa nito kaya natataranta siyang tumango at agad na naglakad paalis sa harap nito. Habang naglalakad ay pinagtitinginan na siya ng mga estudyante at alam niyang kalat na naman sa eskwelahan nila ang nangyaring iyon. Sa bilis ba naman ng chismis sa campus nila lalo na kung tungkol sa kanya ang balita ay talaga namang kalat agad ito. “What is it again this time Miss Guzman? Sleeping in the library? Ano pa? I heard a lot about you and all your violations na galing sa student council.” Sambit ng school counselor sa kanya kaya naman hindi siya nakaimik. Kapag talaga binanggit na ang student council ay wala siyang kawala lalo pa at totoo lahat ng violations niya sa school. “Hindi ka ba magsasalita Natasha Guzman? I heard, kapatid mo si Nathalia Guzman, and napakabait ng kapatid mo. You’re really an opposite.” Tila may insulto pang sambit nito kaya naman napatingin siya dito. “We’re not the same po.” Tanging nasambit niya rito. “Of course! Malayo’ng malayo. Anyway.. Bakit ka natulog sa library? Alam mong bawal.” Hindi siya makasagot at ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon ng school counselor dahil baka malaman pa ito ng ate niya ay baka magalala lamang ang ate niya sa kanya. “W-wala po. Gusto ko lang po.” Nakayukong sagot niya kaya naman kitang kita niya kung paano kumunot ang noo ng school counselor sa sagot at maya maya pa ay may kinuha itong form at pinirmahan saka binigay sa kanya. “5 days suspension Miss Guzman!” Gigil na sambit ng guro kaya umawang ang kanyang bibig. “P-pero Miss—.” Hindi na siya hinayaan pang magsalita ng guro at pinalabas na siya agad ng opisina nito kaya naman naluluha siyang tumayo at nakayukong naglakad palabas ng opisina nito. Sa gulat niya ay napatingin pa siya sa paligid dahil sa dami ng estudyanteng tila nakaabang sa kanya sa pinto. “Wow! What a good news Miss Guzman.” Malakas na sambit ng isa sa mga kaibigan ni Cole kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Nakita rin niya si Cole na nakasandal sa pader sa tabi ng kaibigan nito at hindi umiimik kaya naman nilapitan niya ito. “You happy now?” Tanong niya kay Cole na alam niyang ito ang nagsumbong sa kanya sa librarian. “I don’t know what you’re talking about.” Simpleng sagot ni Cole sa kanya at hindi rin nito inalis ang pagkakatitig sa kanya. “Liar.” Mahinang sambit niya rito na sapat na upang marinig ni Cole. “Total suspended na ako.. Sasagarin ko na.” Malakas na sambit niya saka tiningnan ang kaibigan ni Cole na binasted niya noon saka niya inangat ang gitnang daliri niya sa mismong mukha nito kaya naman halos mamula ito sa galit. “Galit ka? Saan? When I rejected you when you asked me to have s** with you?” Natatawang sambit pa ni Tasha rito kaya naman inambaam siya ng suntok nito na agad namang pinigilan ni Cole. Rinig din niya ang pagsinghap ng mga estudyante. “Tasha, ENOUGH” Mariing sambit ni Cole kaya naman natawa siya at tiningnan ito. “Ako na naman? Well, ano pa nga bang inaasahan ko sayo?” Nakangising sambit niya kay Cole na ikinatahimik ng lahat saka siya naglakad paalis. Mabilis ang bawat hakbang niya hanggang sa makalabas siya ng gate ng school para lamang hindi makita ng mga tao ang luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata kanina pa dahil ayaw niyang makita ng ibang tao na mahina siya dahil natatakot siyang maliitin at kaawaan ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD