Chapter 9

1531 Words
MABILIS ang bawat hakbang ni Tasha habang papalapit siya pinto ng condo unit ni Freya habang pigil parin ang luha. Tanging si Freya lamang ang alam niyang matatakbuhan niya sa mga oras na ito dahil ito lamang ang matalik niyang kaibigan. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay agad niyang pinindot ang mga numero ng passcode ng pinto saka ito bumukas at agad siyang pumasok sa loob. Hindi na siya nag atubiling kumatok dahil para na rin niyang condo ito, ganoon sila kaclose ni Freya. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Freya sa sofa kasama ang isang lalaki na hindi niya alam kung sino dahil nakatalikod ito sa kanya at nakaharap si Freya sa kanya. Hindi pa siya napapansin ng mga ito dahil nakapikit ng mariin ang kaibigan habang umuungol at tila ninanamnam ang bawat halik ng lalaki sa leeg ni Freya habang kitang kita niya kung paano hawakan at laruin ng lalaki ang isang dibdib ni Freya. Hubo’t hubad ang kaibigan at ganon na rin ang lalaki. Napabuntong hininga siya at tumikhim ng malakas kaya napamulat ang kaibigan at agad na yumakap sa ulo ng lalaki upang hindi niya makita kung sino ito. “Tash! W-what are you doing here?!” Gulat na tanong ng kaibigan. “Gusto ko sana ng kausap pero mukhang naabala ko kayo.” Simpleng sagot niya rito kaya agad na tiningnan ni Freya ang lalaki habang yakap parin ang ulo nito. “O-okay lang! I- I mean pwede tayong mag usap. As in n-now?” Natatarantang tanong ng kaibigan kaya tumango siya. “Pwede bang magbihis muna?” Dagdag na tanong ni Freya kaya tumango siya at tumalikod saka dumiretso sa counter. Nakita naman niya sa kanyang peripheral view na agad tumayo ang dalawa at pinulot ang mga nagkalat na damit sa living room. Napabuntong hininga siya at napailing. Kung pagkukumparahin silang dalawa ay wild talaga ang kaibigan lalo na at maganda rin itong tulad niya kaya lapitin din ito ng mga lalaki ngunit ang hindi niya inaasahan ay bumigay ito ng basta. Napasulyap siyang muli sa kaibigan at nakita niyang paalis na ang lalaki ngunit gulat ang mga matang tinitigan niya ito at napatingin din ito sa kanya. “Ge??” Sambit niya kaya napapikit ng mariin si Freya. Nalipat ang tingin niya kay Freya at saka niya sinenyasan si Gerald ang malapit din niyang kaklase na umalis na. Agad namang tumango ito at umalis kaya naman naiwan silang dalawa ni Freya sa loob ng Condo. “Tash, let me explain.” Sambit ni Freya sa kanya ngunit tiningnan niya lamang ito saka umupo sa counter. “You don’t have to explain Frey. Just don’t do it again. Hindi kita pinipigilan makipagrelasyon Frey, I just want you to always remember what we promise each other.” “Yeah right, na wag ibibigay ang V card hangga’t hindi kasal.” Sambit ni Freya kaya naman tumango siya. “Pero ano yung naabutan ko? Binigay mo na ba sa kanya?” Nakakunot ang noong tanong niya sa kaibigan ngunit agad itong umiling. “Hindi? Pero muntikan na?” Tanong pa niya kay Freya kaya natahimik ito at nakatingin lamang sa sahig. “Freya Cruz! Hindi ka binigyan ng Condo unit ng mga magulang mo para gawin ang mga ganitong bagay, they trust you so you should know your limits!” Mataas ang boses na sambit niya rito dahil para na rin niyang kapatid si Freya. “I- I know and I’m sorry..” Kinakabahang sagot ni Freya sa kanya kaya napabuntong hininga siya at hindi na umimik. “Pero anong s-sasabihin mo?” Tanong muli ni Freya kaya tinignan niya ito at naalala na naman niya ang nangyari kanina sa school kaya wala sa sariling napayuko siya at umiyak sa harapan nito. “Tash? Are y-you okay?” Kinakabahang tanong ni Freya sa kanya kaya naman napatingin siya rito. “Suspended ako Frey.” Simpleng sagot niya kaya gulat ang mga matang tiningnan siya ng kaibigan saka nilapitan, hinawakan ni Freya ang magkabilang balikat niya at pinaharap siya rito. “Ano??! Paano?” Gulat na tanong ni Freya sa kanya kaya naman kinwento niya lahat sa kaibigan ang nangyari. “Tash, I think, it’s not Cole. Come to think of it. Sa dami ng violations mo ni minsan hindi ka niya sinumbong.” Sambit pa ni Freya kaya naman napairap siya. “I don’t know, basta galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. I don’t care kung siya o ibang tao ang nagsumbong, I’m suspended anyway. Ang kinakasakit lang ng loob ko ay hindi na ako mapapabilang sa Dean’s lister Frey, meaning.. I can’t be on the ranking anymore. I promised ate Thalia.” Umiiyak na sambit niya kay Freya kaya naman bigla siyang kinabig ng kaibigan at niyakap ng mahigpit habang patuloy parin siya sa pag iyak. “I’m sorry Tash, I can’t do anything about this.” Maluha luhang sambit ni Freya sa kanya. “You don’t have to be sorry. It’s my fault anyway.” Sambit niya rito saka kumawala sa pagkakayakap sa kaibigan at pinunasan ang sariling luha at agad naman siyang inabutan ng tissue ng kaibigan na nasa center table lang. Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Tasha kaya agad niya itong kinuha sa kanyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot siya ng noo dahil unknown number ito kaya kunot noo rin niyang sinagot ang tawag nang makitang hindi ito tumitigil. “Hello?” Tanong niya sa kabilang linya at agad siyang kinabahan ng marinig ang baritonong boses ng lalaking tumawag sa kanya. “Where are you? Come here at the St. Matthew’s Hospital. Now! Thalia needs you!” Mariing sagot nito at kahit hindi pa natatapos sa pagsasalita si Jude ay pinatay na niya ang tawag pagkarinig palang ng pangalan ng kanyang kapatid. Agad siyang tumayo at halos lakad takbong tinungo ang pinto ng Unit ni Freya. “Tash! Ano’ng problema?” Habol sa kanya ni Freya at muntikan na niyang makalimutan si Freya dahil sa kabang nararamdaman. “I need to go to the hospital!” Sambit niya rito at liningon ito saglit. “What? Why?” Takang tanong naman ng kaibigan. “Ate Thalia needs me! I have to go, Frey.” Paalam niya rito ngunit hinabol parin siya ni Freya. “I’ll go with you! Wait me here, kukunin ko lang ang susi ng sasakyan.” Sambit ni Freya kaya liningon niya ito saka siya tumango. Pasulyap sulyap siya sa kanyang relong pambisig nang nasa loob na siya ng kotse ni Freya dahil pakiramdam niya’y wala na siyang oras hanggang sa tuluyan na siyang napaiyak at humagulgol kaya nagaalalang liningon siya ni Freya. “Hey, Tash, calm down okay? Wala naman sigurong malalang nangyari kay ate Thalia.” Sambit nito sa kanya habang nagmamaneho ito at palingon lingon sa kanya. “I’m scared Frey, Hindi ko na alam gagawin ko kapag may masamang nangyari kay ate. Siya nalang ang natitirang pamilya ko Frey.. Siya nalang.” Humahagulgol na sambit niya kaya naman walang magawa si Freya kundi ang maawa sa kaibigan. “Everything’s gonna be fine, Tash.” Sambit na lamang nito at tanging tango na lamang ang nagawa niya. Pagkapark na pagkapark ni Freya sa kanyang sasakyan nang marating nila ang hospital ay agad tinanggal ni Tasha ang kanyang seatbelt at bumaba sa kotse ng kaibigan. Hinayaan lamang siyang mauna ni Freya dahil alam nito ang sitwasyon ng kanyang kapatid. Patakbo siyang pumasok sa loob ng hospital at humahangos na linapitan ang receptionist. “Nathalia Guzman..” Mabilis na sambit niya sa babaeng naroon saka ito nagtipa sa keyboard ng computer na nasa harap nito saka nito sinabi kung saan makikita ang kapatid. “Emergency room po mam.” Sambit ng babae saka tinuro ang daan sa kanya. Agad naman siyang tumango saka sinundan ang lalaking inutusan ng babae na maghahatid sa kanya roon. Nang matanaw niya si Jude na palakad lakad sa labas ng ER ay halos patakbo niya itong nilapitan at tinanong. “Where’s ate? What happened?” Sunud sunod at kinakabahang tanong niya kay Jude nang lingunin siya nito. “She’s inside.” Tanging sagot ni Jude kaya napabuntong hininga siya. “I know she’s inside! But I’m asking you what happened? Why she’s here?!” Mataas ang boses na tanong niya kay Jude kaya tiningnan siya ni Jude ng masama na parang pinapatahimik siya sa oras na iyon. “We’re just talking inside my office when she collapsed. I don’t even know that she had cancer!” Mariing sambit ni Jude at mahahalatang masama ang loob at natatakot ang binata sa nangyayari kaya natahimik siya dahil hindi niya inaasahang hindi parin pala sinasabi iyon ng ate niya sa kasintahan at isang buwan na simula nang nagsabi ang kapatid niya sa kanya tungkol sa sakit nito. Hindi siya makasagot at bagsak ang balikat na napaupo siya sa upuan na nasa gilid lamang ng pintuan ng ER at nasuklay na lamang niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga kamay dahil sa frustrations na nararamdaman. Hindi niya mapigilang sumama ang loob sa kapatid dahil sa ginawa nito ngunit pinipili na lamang niyang intindihin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD