Chapter 10

1319 Words
“TASH, kain ka muna.” Yaya ni Freya kay Tasha nang madatnan niya itong nakaupo parin malapit sa pinto ng emergency room. Ilang oras na itong nakaupo lamang doon at tulala kasama si Jude na nakayuko sa upuan malapit kay Tasha. Walang nagsasalita ni isa sa kanila at kapwa hinihintay parin ang paglabas ng doktor sa loob ng emergency. “Hindi ako gutom, Frey.” Mahinang tugon ni Tasha saka pinunasan muli ang luha na tumulo sa kanyang pisngi. Napabuntong hininga na lamang si Freya dahil kilala nito ang matalik na kaibigan. “You should eat. Your sister might scold you again pag nalaman niyang hindi ka kumain.” Sambit ni Jude kaya pareho silang napatingin ni Freya dito. Kanina pa niya ito kasama ngunit hindi ito nagsasalita. “Come on, Tash. Tama siya, baka mastress pa si ate Thalia pag nalaman niyang hindi ka kumain pag labas niya ng ER.” Pangungumbinsi sa kanya ni Freya kaya kahit ayaw niya at hindi niya maramdaman ang gutom ay pilit niyang kinain ang pagkaing kanina pa inaalok ni Freya sa kanya. Binigyan din naman ng pagkain ni Freya si Jude na tinanggap din nito kaya napangiti si Freya. “This Jude is so hot.” Bulong ni Freya kay Tasha kaya tiningnan ni Tasha ang kaibigan ng masama. “Kiddin’! Kumain ka lang dyan.” Pilit ang ngiting sambit ni Freya kaya muli na namang namutawi ang katahimikan sa kanilang tatlo. Nang matapos kumain ni Tasha at Jude ay siya namang paglabas ng doktor sa Emergency room kaya halos sabay sabay pa silang napatayo at lumapit sa doktor. “Doc, how’s my ate?” Dali daling tanong ni Tasha sa doktor kaya napatingin ang doktor sa kanya. “Sorry to say pero hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot.Hindi na rin nagrerespond ang ibang nerves niya sa katawan dahil sa mga cancer cells niya. Sorry, but all you can do now is to pray and ask for miracle. Pwede niyo na siyang makita.” Mahinang sambit ng doktor kaya halos manghina si Tasha at naluha na lamang sa mga narinig. Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Jude kaya agad siya nitong inalalayan. “Do you want to see her?” Mahinang tanong ni Jude sa kanya na halos pabulong na dahil halata na rin sa boses nito ang pagpipigil ng iyak. Dahan dahan siyang tumango at sabay silang naglakad ni Jude papasok sa Emergency room habang nasa likod din nila si Freya at nakasunod lamang sa kanila. Pagkakita ni Tasha sa kapatid ay agad niya itong nilapitan at hindi na niya mapigilang maphagulgol dahil sa halo halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. “Ate.. Please wake up.. Hindi ko kaya ate..” Umiiyak na sambit niya sa kapatid kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig. “Ate, I’m sorry.. Please! Gumising ka dyan, babawi pa ako sayo. Ipagluluto kita araw araw ate.” Dagdag pa niya kaya mas lalo pa siyang humagulgol nang wala man lang sagot ang ate niya sa kanya. Nakahawak lamang siya sa kamay ng ate niya habang si Jude ay nakatayo lamang sa paanan at tahimik na pinagmamasdan ang kasintahang walang malay. Halos isang oras din si Tasha at Jude sa ganoong senaryo nang pumasok ang doktor at sinabihang ililipat na si Thalia sa isang pribadong kwarto kaya naman agad tumayo si Tasha at lumapit naman agad sa kanya si Jude nang makita siya nitong parang matutumba. “Are you okay?” Mahinang tanong sa kanya ni Jude kaya napatingin siya dito ngunit agad din naman siyang nagiwas ng tingin nang makita niyang nakatitig sa kanya ang binata. “A-ayos lang” Simpleng sagot niya dito at pasimple siyang lumayo sa binata dahil hindi niya alam kung anong mararamdaman niya nang mga oras na yon dahil bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang hawakan ni Jude ang siko niya. “Maybe you need to take some rest, ako muna magbabantay sa ate mo. Umuwi ka muna.” Suhestyon ni Jude ngunit umiling siya agad. “Hindi.. Dito lang ako. Babantayan ko si ate. Kailangan niya ako.” Naluluhang sagot niya kay Jude. “But you need to take some rest, hindi makakabuti sa ate mo kung makikita ka niyang ganyan kapag nagising siya. Umuwi ka muna at magpahinga, ako na bahala dito.” Pilit pa ni Jude kaya naman wala na siyang nagawa nang pumasok si Freya sa kwarto at kinausap nito si Jude. Agad siyang inalalayan ni Freya palabas ng kwarto hanggang makarating sila ng parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni Freya. “Sorry sa abala Frey..” Mahinang sambit ni Tasha kaya naman halos mabatukan na siya ni Freya. “Kapatid na ang turing ko sayo at alam kong ganon ka rin naman sa akin! Ano ka ba?! You know I always got your back Tash, anuman ang pinagdadaanan mo ngayon nandito lang ako.” Sabi sa kanya ni Freya saka siya niyakap ng kaibigan kaya napahagulgol na naman siya. “I don’t know what to do Frey.. Hindi ko kakayanin pag nawala si ate..” Umiiyak na sambit niya sa kaibigan habang yakap yakap nila ang isa’t isa. Hindi rin naman makasagot si Freya dahil narinig rin nito kanina ang mga sinabi ng doktor kaya naman pati ito ay lihim na ring napaiyak ngunit hindi nito pinahalata dahil hindi niya pwedeng ipakita kay Tasha na napanghihinaan din siya ng loob dahil sa kanya nalang kumukuha ngayon ang kaibigan ng lakas. “Let’s just pray that everything will be alright Tash.” Tanging nasambit ni Freya sa kaibigan. Ilang minuto sila sa ganoong posisyon nang biglang may tumawag kay Tasha. “Tasha..” Sambit ng baritonong boses na sapat na upang marinig nilang dalawa ni Freya. Napalingon silang dalawa dito at kunot noong napatingin si Tasha sa pamilyar na boses na iyon. “Cole? What are you doing here?” Gulat na tanong ni Freya sa binata habang si Tasha ay kunot ang noong nakatingin parin kay Cole. “I.. I’ve heard what happened to your sister.” Mahinang sambit ni Cole at animo’y nahihiya. “So?” Masungit na tanong muli ni Freya. “Tash.. Can we talk?” Tanong ni Cole at hindi pinansin ang masamang tingin ni Freya at Tasha sa kanya. “Is it important? Pwede bang saka na yan? I don’t want to argue with you right now Cole. Marami akong iniisip, are you still not happy na nasuspend ako?” Pigil ang iyak na sambit ni Tasha. “N-no! I’m here to say sorry for what happened today Tasha. Really.” Sambit ni Cole na puno ng sinseridad kaya naman ang kunot noong tingin ni Tasha kay Cole ay biglang naglaho at kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng loob ni Tasha sa mga nangyayari sa araw na iyon. “Sorry? She’s suspended Cole! Leave her alone!” Galit na sambit ni Freya kay Cole at halos awatin ito ni Tasha. “Frey, enough.” Tanging sambit ni Tasha rito kaya natahimik si Freya at sinamaan lang ng tingin si Cole. “Hindi ako ang nagsumbong sayo Tash, I will never do such things lalo na kung ganon ang mangyayari sayo.” Sambit ni Cole kaya mas lalong kumunot ang noo ni Freya. “If it’s not you then who did it?!” Galit na tanong ni Freya. “Tama na. Whether it’s you or not who did it, it’s my fault anyway. Frey? Uwi na tayo, pagod na ko.” Tanging nasambit ni Tasha saka binuksan ang pinto ng sasakyan ni Freya at pumasok sa loob saka nila iniwang nakatayo roon si Cole. “Ano’ng nakain niya at sumunod pa talaga siya rito sa hospital para magpaliwanag sayo?” Tanong bigla ni Freya habang nagmamaneho ito. Hindi na nagabalang sumagot pa si Tasha at pinikit nalang niya ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD