Aria's POV May mga pagkakataon sa buhay natin na nagugulat tayo. Sows! 'Di ba? Totoo naman talaga? Minsan nga may mga epal na bigla na lang susulpot sa harapan mo habang galak na galak ang kaluluwa mo sa pag-space out, 'di ba? May iba naman na bigla na lang may sasabihin na siyang magiging dahilan para magmistulang biglang tumigil ang mundo mo. Parang si Fire lang. Okay. It's been a week simula noong naganap ang question and answer portion namin. Guess what?! Parang wala lang epekto sa kaniya ang nangyari na 'yon. Ang sarap sanang maghagis ng granada sa kwarto niya e pero naisip ko na baka nantitrip lang talaga ang loko. Paano ay bigla na lang siyang nag-good night pagkatapos niyang sabihin 'yong mga salita na, paano kung oo? Ano'ng gagawin mo? Ay leche! Alam niyo ba na bigla na lang ak

