Aria's POV Para akong napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang ako kina Ciero. Ano raw ang sabi nila? Tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon? "Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit ako lang ang kinausap niya. Besides, ako lang ba ang nakakarinig sa kaniya?" I asked all of them. Nakakaloka lang talaga ang mga happenings dito sa elemental world. Ano naman daw ang kinalaman ko kung 'yong tatay ko ang muntik na pumatay kay Valgemon, 'di ba? Bakit sa akin? Ano'ng trip ng Diyos ng Kadiliman na 'yon? "He is after you, Aria. Sa lahat ng Gods and Goddesses, kay Aire siya pinakagalit. At dahil anak ka ni Aire, sigurado ako na sa iyo niya uumpisahan ang pagganti sa tatay mo," explained by Heiro. Ay ang taray! May revenge na nagaganap?! "E bakit ang sabi niya sa akin ay sabay daw kami

